EKB 1.9

2K 66 1
                                    

EKB 1.9

==

Nagmamadali akong umuwi sa bahay ko para maabutan ko pa si Alex. Sana hindi pa sya umaalis. Nababaliw na ata ako. Kanina nagagalit ako. Kanina nalulungkot ako. Kanina kung anu-ano nararamdaman ko pero ngayon ang saya-saya ko. Hindi ko nga malaman kung bakit biglang naging abot-tenga ang ngiti ko e. Aksidente ko pang nadala 'yung boteng tinutungga ko kanina. Hindi naman ako sinita ni Seth kaya siguro okay lang.

Bukas pa ang mga ilaw nang dumating ako kaya mas lalo akong naexcite sa pagpasok. Muntik pa akong madapa pagkapasok ko kaya napatingin sa akin si Alex. Shit. Ang ganda nya talaga. Wife material. TANG INA PAPAKASALAN KO NA TALAGA 'TO!

May hawak syang syansi at nakasuot sya ng apron pati pot holder. Ang puso ko. Ang puso ko! Tulungan nyo ako. Hindi mapalagay ang puso ko!

"Lasing ka ba?" Anong scenario ba 'to? 'Yung lasing na uuwi ang lalaki at aabutan ang asawa nyang nagluluto? Tapos anong gagawin nung asawa? Aawayin o aalagaan ang asawa nya?

Ipinatong ko ang boteng hawak ko sa coffee table. "Ah. Hehe." Kagaguhan, Rei! ANONG SAGOT 'YAN?!

Pinatay nya ang kalan tapos hinubad nya yung pot holder. Jusko. Ang puso ko. Tatalon na ata palabas ng bunganga ko. SUOT NYA 'YUNG SINGSING! Mabilis nya akong pinuntahan at sinalat nya ang noo ko. 

"Anong.. nangyari sa'yo?" Bulong nya.

Hinawakan ko naman 'yung kamay nya at tinignan 'yung singsing. Ang ganda talaga ng taste ko. Bagay sa singsing 'yung kamay nya. Hahaha biro lang. Bagay sa kanya 'yung singsing. Bagay lahat ng nandito sa kanya. Pati ako. 

"Ah." Bigla nyang binawi ang kamay nya. Nahiya pa raw sya oh? "Nabitawan mo nung umalis ka e. Sinukat ko lang."

"It suits you. Keep it." Bulong ko sa kanya bago ko sya yakapin ng marahan. Niyakap nya rin naman ako agad and we cherished that moment in silence. Puso lang namin 'yung maingay e. Pero okay na rin. Mas gusto ko 'yung ganito kaysa nagsisigawan kami. Katumbas nito 'yung mararamdaman mo kapag sobrang pagod ka at nakauwi ka na. 'Yung pakiramdam na 'Sa wakas.'? Ang sarap. Sana ganito nalang palagi. Di bale, pagkatapos ng problema, ganito naman ang nag-aantay e. Kaya dapat, kayanin ang problema.

Maya-maya ay naghapunan na kami. Nagluto sya ng simpleng adobo at sinangag nya 'yung kanin. Ano ba? Bakit ba ako kinikilig dito? Para akong tangang nakangiti habang naghahain sya sa lamesa. Tinatawanan nya ako at medyo naiilang ako dun pero pagtalikod nya, mapapangiti lang ulit ako. Haaaay. Ngayon ko lang naimagine ang sarili ko na may asawa. Masaya siguro kung magkasama na talaga kami sa iisang bahay, 'no? Gigising ako, sya ang makikita ko. Kakain ako, sya ang kaharap ko. Maliligo ako, sya ang kasama ko. Magbibihis ako, sya ang mag-aayos ng damit ko. Aalis ako, sya ang maghahatid. Nasa trabaho ako, sya ang iniisip ko. Uuwi ako, sya ang makikita ko. AT HINDI AKO MAGSASAWA SA MUKHA NYA.

"Hindi ba masarap 'yung luto ko? Bakit hindi ka kumakain?" Nadistract ako sa mga iniisip ko at napangiti pa lalo. Hindi ako sumagot at sa halip ay kumain nalang ng luto nya. Inlove lang ba ako o masarap talaga ang luto nya? 

"You should stay here and cook for me." Sabi ko sa kanya. Nasa kanan ko sya nakapwesto. Naiimagine ko tuloy na may dalawa na kaming anak tapos yung isa nasa kaliwa ko at yung isa naman nasa tapat ko. Ay naku naman! Nahihibang na talaga ako! Hahaha!

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon