EKB 2.6

1.3K 37 28
                                    

Buhos-sabon-shampoo-toothbrush-banlaw-punas-bihis!

DONE! Minadali ko talaga ang pagligo dahil malamig, sobrang lamig. Bumabagyo, tapos December. Grabe, akala ko madededbols na ako sa loob ng banyo!

Lumabas ako ng banyo na pinupunasan yung buhok ko. Nakita ko naman siya na nilalabas yung gamit ko mula sa bag.

"Hoy, baka kung ano makalkal mo diyan." Umupo ako sa tabi niya at humigop ng kape na nasa coffee table, syempre feel at home ako (tapos may lason pala ito oh), gwapo ako diba? Kung ako ba papasok sa bahay niyo, magrereklamo pa kayo sa mga gagawin ko?

HAHAHA. Frank Solano na ito no! ‘Yun nga lang.. di ko kayo type! Mas type ko itong babaeng katabi--WHARARALFASHKF. 

"Like what," Huminto siya at tinignan ako. "Cosmes? Lotions? Make-ups? Meron na ako nun, hindi ko na kailangan yung sayo!" Dinutdot niya yung ilong ko.

"Ikaw kaliit mong tao ang chaka ng ugali mo!" Nilapag ko yung mug sa coffee table, infairness ang sarap ah. Mamaya may gayuma to pala ito, maoverdose pa ako.

"Bakit kanina parang kulot?" Hinawakan niya yung buhok ko.

"Oo.. kanina, eh nabasa ng tuluyan eh.."

Si Tiffany kasi nagkukulot ng buhok ko. Ginagawa kasi akong barbie nun minsan eh nagustuhan ko yung pakulot kaya lagi kong pinagagawa sa kanya, takot akong ipapermanente eh, baka mapermanente talaga tapos maging afro na yung buhok ko.

"Hmm.. Mas bagay sayo yung ganito." Nagform ng ngiti yung nakipot niyang labi. 

Hindi ba talaga siya natatakot sa akin? Mukhang hindi nga, or naiinlove manlang? Diba lahat ng makalapit ko halos mamatay-matay na sa akin?

"Hindi ka ba natatakot sa akin? Na pinatuloy mo ako dito?" Sinadya kong gawing mapang-akit (chos) ang boses ko habang nilalapit ko ang mukha ko sa kanya.

Nilapag niya sa maputi niyang legs (OMG naaakit ako!) ang kamay niya at umiling. 

"Bakla ka diba?"

Parang binagsakan ng anchor ang ulo ko, na dinaganan ng barko na may sakay na isangdaang elepante na kakatapos lang kumain.

Pano niya... na-knowing yon??

Inabot niya yung bag na basa dun sa lapag. Tumayo siya at parang penguin (cute a!) na pumunta sa hallway kung nasaan rin yung banyo. "Gusto mo ng noodles?"

"S-sige.." Ay ano ba! Para naman akong nabasted eh! "Saan ako pwede magkwarto?"

"Sa kwarto ko, gusto mo?"

Napaupo ako ng tuwid nung sinabi niya yun. Naman ooh! Bakit ba ganito?

Nakakainis 'tong bulinggit na ito!! Ginugulo niya ang payapa kong kalagayan!

"S-Saan nga?!" Dinampot ko yung mga gamit ko na nakakalat sa sahig, buti nalang konti yung dinala ko.

"May tatlong kwarto sa taas tapos may isang banyo, bahala ka kung saan mo gusto magkulong." Nakarinig ako ng ilang kalansing ng mga kaldero at kawali, marunong kaya talaga ito magluto?

Umakyat na ako sa taas at namili ng papasukan kong kwarto. Maganda yung bahay niya, sa labas nga lang, nakakatakot. Pumasok ako dun sa kwarto sa pinakadulo.

Pansin ko lang, parang lahat ng ilaw sa bahay na ito, bukas. Hahaha. Eh bakit kanina parang hindi. Di kaya nabubulag na ako?

Atsaka hindi siya yung bahay pamprobinsya na napakapangbundok, infairness may laptop a. Mukhang mayaman, e. MAYAMAN pala talaga!

Nilapag ko yung gamit ko sa sahig tapos kinuha ko yun cellphone ko, ay hindi ko pa pala nakwento, itong bagong cellphone na ito ay kulay brown! Hindi siya pink na tulad nung galing sa Korea na padala ng tita! Kalungkot naman.

UY! Nagmessage pala si Tiffany.

----

The Gorgeous T.Solano: Sis, este bro. Kamusta? Lovelots :* <3 <3

---

"SH*T!! CR*P!!" Nagulat ako sa narinig ko mula sa baba. May mga tunog rin ng nagbabaksakang kawali, kaldero, kaserola at kung anu-ano pa! Basta ang ingay! Dumagundong yung floor nung bahay na parang may higanteng natakbo papunta dito sa kwarto. Troll in the dungeon! WAAHH.

Biglang bumukas yung pinto at nakita ko si---kung ano man ang pangalan niya--- na nanlalaki ang mata at nakatitig lang sa akin.

 "WAAAAHH!!!" Bigla siyang nagmelt at napaupo sa lapag. Hala.. anong ginawa ko dito sa pandak na isip bata't alaskadorang babae na ito? Isama mo na rin sa description yung pagiging chinita niya at cute at makinis.. AISH eto na naman ako eh! Naattract talaga ako! Hindi ko mapigilang punain yun eh.

"Bakit pandak?"

"Hindi ako si Pandak! Ako si Magic!" Sinigawan niya ako tapos humagulgol ulit siya. “WAAAAAHH.”

Napanganga ako nung nakita kong umiiyak talaga siya. Hala. HALA!

Nilapitan ko siya tapos umupo ako sa tabi niya. Sinilip ko yung mukha niya na nakaduko. "Uy, bakit?"

"Pakasalan mo ako!"

"HAH!?" Sure--este, WHAT!

 "Sabi kasi *huk* ni Lola, kung sino man daw lalaki ang papasok *huk* sa kwarto ko, dapat pakasalanan ako!" Pinantakip niya sa mukha niya yung candle-like fingers niya. Syete ayan na naman! "May sumpa daw itong kwartong ito!"

"HAH?!?" Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. 

Tumango lang siya ng tumango na parang bata.

"BWAHAHAHAHA!!!!! Ang laki-laki mo na-----hindi pandak ka pala, naniniwala ka dun??? HAHAHAHAHAHA!!!!!"

"H-Ha?" Tumingala siya tapos nakita ko yung inosenteng inosente niyang mukha na parang wala pang muwang sa mundo. Napatigil tuloy ako sa pagtawa, ang ganda niya kasi. Ay putakteng malaki naman!!

"Sabi ko, bakit ka naniniwala dun?"

"Eh kasi hindi pa nagsisinungaling sa akin lola ko!" Pinahid niya yung luha niya in a cute way. Teka kanina ko pa yata siya pinupuri a!

"Eh ikaw na nga mismo nagsabing bakla ako diba?" Binibigyan ko siya ng hope dahil ako mismo, ayokong maniwala sa sinasabi niyang may sumpa o nasumpa kami.

"Pero may ano ka parin! Lalaki ka parin! Ay ewan!" Tumayo siya tapos kinuha yung mga gamit ko. "Dun ka nga sa kabilang kwarto!" 

Sinundan ko siya tapos binagsak niya lang yung gamit ko sa lapag tapos bumaba na siya tapos iniwan niya ako dito at ang puso kong nag-iisa.

PUTAKTE naman e. Nakakatakot tuloy, parang totoo yung sinasabi nung lola niya. Inayos ko yung gamit ko sa isang tabi tapos umupo ako sa kama. 

Pano kung totoo nga?

"Hoy bakla bumaba ka nga dito kakain na tayo!!"

Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Walangya, totoo nga ata..

Maiinlove ba ako? 

Sa isang pandak na babaeng maganda, may kissable lips, alaskadora pero sobrang cute gumalaw, isip bata pero bagay at babaeng kanina umiiyak pero biglang sisigaw-sigawan ako?

Anong klaseng babae ba siya?

Atsaka bakit grabe ko siya purihin at idescribe?

"BAKLAAA!!! AYAW MO BA?? BAHALA KA!!"

"Bababa na po!!" Napukpok ko yung ulo ko. Ano ba ito, katambal ba ng pangalan niya yung mahikang gagawin niya?

*********Eh Kasi Bakla 2*

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon