EKB 2.1

2.5K 53 24
                                    

*Frank Solano

 

Ang gwapo ko daw?

WEEEEEEEEEEEH..

Ang ganda ko kaya.

Kasalukuyan akong nandito sa mall. Tumitingin ng damit.

At pinag-uusapan ng mga sales lady. 

(Frank! Umuwi ka na nga dito sa bahay nang ako naman ang makaalis!!) Inilayo ko ng konti yung cellphone ko sa tenga ko. Grabe 'tong kapatid ko na ito. Nakalunok lang ng microphone??

"Teka lang sabi, nagshoshopping nga kasi ako." Tinignan ko yung mga dress na naka-sabit sa rack. Inusog-usog ko yung mga hanger para tignan yung iba't-ibang dress na nakadisplay.

(Ano ba kasing bibilhin mo?!! Ang tagal-tagal mo naman eh!!) 

"Last na." Kinuha ko ang isang plain gray na dress. Bagay ito sa paboritong chaleco ni sis, tumpak ako dun! Atsaka siguro naman kasya sa kanya 'to, seksi yun eh!

Ano ba kasi kayo, reregaluhan ko yung kapatid ko dahil magpapasko na! Chenes niyo ano akala niyo susuotin ko ito? Mga echusera. Hindi naman ako ganun kasilahis! Confused lang. 

(30 minutes.)

Mabilis pa kay flash ang pagbaba ng cellphone ng bruha kong sister. Binabaan na nga ako, inorasan pa! Chaka mo teh sabunutan kita sa kilaaaay!

Ibinulsa ko yung phone ko tapos rumampa na papunta sa counter ng boutique na kulay pink. Taray~ 

Inilapag ko yung dress sa counter tapos kinuha ang wallet ko sa back pocket ng jeans ko. Kinuha ko na rin mula duon ang credit card na aking pinakaiingat-ingatan dahil baka masapok ako ng tatay ko. 

"BAKLA KA?!"

Napatingin ako sa cashier girl na mukhang frog. Pinagdikit ko ang kilay ko sabay padabog na inilapag ang credit card sa counter. Nag-lean ako konti.papalapit sa kanya. Hi miss, can I tease you?

"Mukha bang ako magsusuot niyan?" Bumulong ako at tinignan siya ng diretso sa mata. Maconvince ka! hindi nga kasi ako bakla! Confused lang. I stared deeply in her eyes as I formed a  grin on my lips. "Oh baka gusto mong isuot ko sayo yan?"

Napailing siya. "Sabi ko nga lalaki ka sir!" Nanginginig yung kamay niya while doing her business with the dress. Gwapo ba talaga ako!? OMG! Can I marry mahself? 

"E-Eto na po sir!"

 ”Thanks." I flashed one smile and then..

Her hips broke.

Biglang nagsuguran ang mga iba pang sales lady para saklolohan yung natumbang babae. Yung iba ang sama ng tingin sa akin. Teka... Teka wala naman akong ginawa diba?

"Eh.....Bakit....?" Napangiti tuloy ako ng ngiting aso. Hala anong gagawin ko! "W-wala akong ginagawa.. Geh...A-alis na------------"

"Oh my Ghawd!!!!!!!!!!!!" 

"Kyaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!" 

Sabay-sabay silang nagtayuan at tila nahypnotize dahil naglalakad sila papalapit sa akin. OMG. OMG TALAGA.

"AALIS NA AKO!!!!" Kumaripas ako ng takbo papalabas sa lugar na yun at nang lumingon ako papalikod... OMG bakit nila ako hinahabol! 

Mga kampon ni Juda-as, Juda-as.

Lumabas na ako sa mall at dumiretso sa parking lot at sumakay sa kotse ko at nagdrive papauwi at HUMINGA NG MALALIM, repeat replay! Ano bang meron at bakit nila hinahabol ang ganda ko? Tomboy ba sila?

***

Nang makarating sa bahay, sinalubong ako ng isang malupit na sigaw mula kay Tiffany. Sya lang naman ang aking dyosang kapatid at natatanging second-rate not-so-trying-hard copycat ng kagandahan ko.

"FRAAANK! Diba sabi ko sayo 30 minutes?? Nakakainis ka naman malelate na ako sa date namin ni----" Sabi niya habang papababa ng hagdan.

"Pwede ba Tiff." Binato ko sa kanya yung paperbag at nasalo niya naman. "Advanced Merry Christmas."

"Ayyy!!~" Bigla siyang tumakbo papalapit sakin at niyakap ako. "Sweet! Eto pala binili mo!!"

Itinulak ko siya papalayo. "Oo, lapit na magpasko eh. Noh ka ba!" Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nakakapagod kaya tumakbo no?!

"Ah! Eh bakit ngayon mo binigay?" Sigaw ni Tiff mula sa sala.

"Eh kukunin mo rin naman yan kahit hindi pa pasko e, tapos baka umalis ulit ako." Uminom ako ng ilang basong tubig. Last year rin kasi umalis ako, wala lang, gusto ko lang maggala kapag pasko. Mababait kasi tao kapag pasko. Galante. Mga nakangiti. Basta. Kaya masaya talaga.

Lumabas ako sa kusina at nakita si Tiff na sinusuri yung dress. "Ang ganda a!"

Niyakap niya yun tapos nagpaikut-ikot pa. Sus. Kung kaya ko lang magsuot niyan eh, at kung pwede lang eh. Dibale. Nagsusuot naman ako nyan. JOKE! Bra palang naman ang nasusuot ko. JOKE! Bawal talaga! Naisip ko na nga yun e. Kaso baka patayin ako ng tatay namin pag nangyari yun.

"Nga pala Frankie dear, bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?" Tumigil na siya sa kakaikot, buti naman dahil ako ang nahihilo sa ginagawa niya. 

"Tumatawag ka ba?" Unconciously, kinapa ko yung mga bulsa ko pero ang nakapa ‘ko lang eh yung wallet ko.

HALA!! Yung cellphone ko! 

"Tiff patingin naman diyan sa paperbag." 

Tinignan niya naman yun at tinaktak pa. "Wala."

HOOOMAYGASH! 

Una, hindi ako naglalagay ng kahit anong gamit sa kotse na pwedeng maiwan, kaya it's either nasa paperbag yun , nasa bulsa ko o......

Nawala.

Yung S III ko!! Pink pa naman yun!

"Nawawala?" Tanong ni Tiff na natigilan rin sa ginagawa niya.

Tumango-tango lang ako at nagsad face pero sa loob-loob ko gusto ko na magwala. S III ko!! 

"Don't worry bro.." Tinignan ko siya ng isang matalim na tingin. "Oh! Papalitan ko nalang."

Biglang nagningning ang mga mata ko at napatalon ako papapunta sa kanya! Oo napatalon ako papunta sa kanya!! Parang rabbit!

"Talaga!??" Tuwang-tuwa ako kasi syempre libre yun no! Aarte pa ba? Eh kung di ako kakagat dito edi ubos-ubos pera ko!

"Uh-uh!" Yayakapin ko na sana siya pero bigla siyang nagpoint ng kanyang long index finger sakin. Napatigil tuloy ako kakatalon. 

"Bakit?" Tanong ko habang pinagpormang kamay ng bunny ang kamay ko. Nagpapacute ako eh. 

"May kondisyon." Bigla siyang ngumiti ng parang meron siyang evil plaaaaaaaan!! 

Lumaylay tuloy ang balikat ko.

"Ano naman yun?" 

Nginitian nya ako na at nababasa ko duon ang mensahe nyang sa kanya ang huling halakhak.

"Simple lang.. Magpakalalaki ka, as in LALAKI for 3 days, may instant S III ka na ulit!"

**********Eh Kasi, Bakla 2*

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon