EKB 2.9 -final-

1.6K 40 26
                                    

1. Respeto ang dapat na laging pinapairal. Kung ayaw niya, wag mo gawin. Kung gusto niya, tanggapin mo. Kakambal ng respeto ang unawa. Meaning, kung hindi ka marunong rumespeto, hindi ka rin marunong umunawa. Unawain mo kung bakit ganto, o bakit ganyan...Then, kung pwede, share your opinions.... but respect other's opinion. Respect is iwas away okay?

2. Hindi minamadali ang mga bagay-bagay. May tamang panahon para mangyari ang mga bagay. Tulad ng sabi, 'Kapag yan nagkabunga, maagang matatapos ang landian niyo' ;) May mga times kasi na gusto mong itry yung geometry pero hindi mo pa nga alam ang algebra. Gets? May mga taong gusto nang makipagrelation pero kinukulang pa nga ng budget sa pangDoTA at pag-iipon para sa bagong rebond. Paalala: 'Wag tularan ^_^ 

3. Alamin mo kung anong tama at anong mali. Pati na rin kung anong tama't mali sa paningin mo at kung ano ang sa kanya. Iwasan ang gulo hangga't maari. Dahil kung hahayaan mo, magkakalamat ang relasyon niyo at kahit gaano pa katindi ang pagmamahalan niyo, aabot sa puntong hindi na kaya ni love si anger.

4. Remember that care isn't all about TAKING care. Ang pag-aalala, as long as kaya mo, dapat lagi mong ipadama, kasi kapag naramdaman niyang pinapahalagahan mo siya, masaya man o hindi, may sakit man o wala, automatic nang magiging ganun din siya sayo, TRY NIYO :) Care isn't all about TAKING care. It is about how you react with their moves, no matter how simple or dangerous it is.

5. Never give up. Kung magmamahal ka, siguraduhin mong hindi ka susuko. Hindi naman yung aabot sa point na magpapakatanga ka na. Ibalance mo, tignan mo kung nagiging tanga ka na ba, kung ganon, sumuko ka na. Pero hangga't kaya mo, hangga't kaya niyong iligtas, wag kayong susuko. Kasi 'pag sumuko ka.......TALO ka.

You may say two is better than one... but TWO being ONE is the best. :)

Pumunta si Frank sa playground ng subdivision. Gabi na at malamig ang simoy ng hangin. Tatlong araw na ang nakakalipas nang umalis si Frank sa Batangas. Naging malungkot siya. Umuwi siya para sa pabor ng kaniyang ama na magsalu-salo sila at ayaw nitong pumayag na hindi kasama si Frank. May scheduled flight kasi at kakaalis lang nila kanina. Hindi naman maatim ni Frank ang hindi sumipot. Ayaw nyang may maisumbat sa kanya ang ama nya lalo pa’t may gulong nangyari. At isa pa, pamilya sila, mahirap ang hindi ito pagbigyan. Naiwan na naman sila Frank at Tiffany, ang masama dun, si Tiffany, may kapares. Tapos siya... 

Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng mag-arrange ng biglaang welcoming party ang street nila Frank. May bago silang kapitbahay at lumipat na agad ito dahil fully furnished naman ang bahay. Bali-balitang iniregalo raw ito ng isang matanda sa dalagang nag-iisa sa buhay. Nabili raw ang bahay nung Pasko at may agad na nilipatan dahil sa isang rason na sinisikreto ng may-ari. 

Ayaw sanang lumabas ni Frank pero nang mabanggit ng kapatid nya ang pangalan ng dalagang lumipat, halos walisin niya ang mga taong nasa labas ng bahay ng dalaga. 

"I told you, I’ll push my luck." Sabi ni Magic nang bigla siyang yakapin 'non ni Frank. 

Then... There, they reunited. Para silang couple na ilang taong hindi nagkita. When you are inlove, staying away from your significant other feels like a day is equivalent to a month.

Hinawakan ni Frank ang collar ng damit nya at pinaabot ito hanggang sa itaas ng ilong niya. Inamoy niya kung mabango ba siya. Naglakad siya papunta sa may mga swing. Inayos niya ulit ang maliit na bouquet na ginawa niya mula sa halaman na nasa hardin nila. Nilagyan niya pa ito ng puting laso para siguradong hindi magkakalas-kalas. May mga dahon-dahon pa ito pero maganda rin naman tignan.

"Wow ha, infairness.." sabi ni Magic na nakapwesto na sa isang swing. "Ang tagal mo."

"Sorry ah, ang hirap kasi takasan ni Tiffany." Umupo si Frank sa katabing swing. 

"Bakit kasi tatakasan mo pa, pwede ka namang magpaalam ng maayos." Sabi ni Magic.

"Makulit kasi yun eh!" Frank sneered. Naalala niya yung mini bouquet at inabot yun kay Magic. "Oh. Made with love." 

Inabot naman ng dalaga ang mga bulaklak at sinuri ito. Itinago nya ang namumuong kilig at pinuna nalang ang tingin nyang mali dito. "Sampaguita? Kelan pa ako naging santo at mukhang sinasamba mo ako?"

"Hindi mo naman kailangang maging santo para sambahin kita eh." Nakangiting sabi ni Frank. Napangiti rin naman si Magic pero agad niya yung inalis dahil nahihiya siya. 

"Bakit nga Sampaguita! Pwede namang rose na lang!" Inikut-ikot niya yung mini bouquet. "Ano ba 'to! Ang chuva ah."

"Eh kasi, simple lang yang mga bulaklak na yan." Pilit niyang nilapit yung swing na inuupuan niya kay Magic. "Parang yung pagmamahal ko sa'yo, simple lang pero espesyal ang rason kung bakit binubuhay at binibigay."

"Ang corny mo!" Napatawa si Magic dahil naramdaman niya ang sinseridad sa boses ni Frank. "Salamat ah.." 

"Anything for you." Itinaas ni Frank ang paa niyang nakasayad sa buhangin at bumalik sa dating pwesto ang swing. Inilapit ni Magic ang mukha niya sa bouquet at nilanghap ang amoy ng bulaklak. "Magic, mahal mo ba ako?" 

Napigil ni Magic ang hininga niya. Napakurap rin siya ng ilang beses dahil sa tinatanong ni Frank. "H-Ha?"

"Narinig mo yun eh, wag ka magkunwarii." Inabot ni Frank si Magic at kinurot ito sa pisngi. 

"Ewan ko eh." Inangat ni Magic ang ulo niya at tumingala sa langit. "Sa totoo lang, aaminin ko, nagugustuhan na kita." 

"Hahaha.. Ako kasi sigurado na akong mahal kita. HAHAHA." Napakamot siya sa batok niya. Nahihiya siya. Gusto kasi niyang official sila para maging maayos ang lahat. 

"Anong gusto mong mangyari, maging tayo?" Sabi ni Magic na para bang imposibleng mangyari yon.

Nahihiyang napangiti si Frank. "Syempre! Pero alam ko naman....."

"Na ano? Mahihirapan ka pag niligawan mo ako?" Natatawang sabi ni Magic. Tinignan niya si Frank at nahuli niyang nakatitig 'to sa kanya, napaiwas tuloy.

"Hindi kaya, alam ko namang sasagutin mo rin ako agad. MWAHAHAHA!!" 

Magic gritted her teeth. Hindi nila alam kung maiinis siya o matatawa o matutuwa sa lalaking kasama niya. Lahat na! Natutuwa siya dahil nakikita niyang nakangiti ito at masaya. Natutuwa siya sa mga pangyayari, natutuwa siya sa lahat ng bagay na nasa paligid niya! Masayang masaya siya dahil may nagbigay kulay sa malungkot niyang buhay... Si Frank Solano, she sweared, mamahalin niya bilang pasasalamat sa ginawa nito sa kanya.

Isa lang ang sigurado sa love story nila, hindi mawawalan ng kulitan at kasihayan.. Pagsamahin ba naman ng tadhana ang isang so-called-Bakla at isang sadista at  malditang dwarf. Anong say nyo?

 **********Eh Kasi Bakla 2*

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon