EKB 2.7

1.5K 41 15
                                    

'It is hard for two people to love each other when they live in two different worlds... but! When this two different worlds collide and become one.... THAT'S WHAT WE CALL MAGIC.'

 

 

MAGIC

Hindi yan ang salamangkang ginagawa ng mga mangkukulam, hindi yan ang crackers na ineendorse ni John Lloyd, hindi yan ang namatay na aso nila Seuri at mas lalong hindi yan ang kukumpleto sa kantang Suddenly it's magic.. well, pwede rin siguro but ngayon, no no no. Kasii... Magic ay ang pangalan ng babaeng kumupkop  sa akin noong kasalukuyang naliligaw ako sa sarili kong probinsya.

Ang boploks ko kasi.

Pangalan yun ng babaeng alaskadora.. na chinita... na sexy... maputi, makinis... maikli ang buhok... maldita pero cute gumalaw... Isip bata pa.. Oo, tama, isip bata.. Umiyak ba naman bigla kahapon eh, akala mo inagawan ng candy.

Dahil noche buena na mamaya at siya lang pala talaga ang nakatira dito, inaya niya akong maggrocery. So eto, nagpeprepare ang diyosa ng mga jokla. Lumabas na ng kwarto ang dyosa with matching glitters glitters effect pa kunwari.

Bumaba na ako tapos tinarayan na naman ako. "Ano, buti tapos ka na sa pagcoconceal ng pangit mong mukha." Tumayo siya mula sa prettyng pretty niyang pagkakaupo at lumabas ng bahay niyang malaki. 

Nagsimula na naman siya.

Hayun, ang prinsesang ala-snow white sa ganda pero ala dwarf sa height. Isama mo na rin yung pang-Ursula niyang ugali. Walangya, kung di kalang maganda baka nginudngod na kita sa sahig na pinafloorwax mo sa akin.

Dahil isa lang naman akong dakilang alila ditos a bahay na 'to, sinundan ko yung prinsesa (ko) papunta sa garahe niya. 

"May kotse ka pala." Sabi ko habang tinutulungan siyang buksan yung gate.

"Duh." Tumayo siya ng diretso. "Anong tingin mo sa akin, POOR? It's mine, this car," tinuro niya yung pula niyang kotse. "This house," Tinuro niya yung bahay niya. "This lot and everything inside this twenty by thirty squared meters... MINE."

 Including me? Echos.

Inirapan ko siya at binuksan na ng tuluyan yung gate. "Wow... Ngayon ko lang narealize, ang hangin pala dito sa lugar mo no? Lalo na kapag malapit KA."

"Gusto mo pahiramin kita ng wig para mas feel mo yung hangin?" Binuksan niya yung pintos a may driver's seat, akmang papasok na siya ng magsalita ako.

"Pandak ka lang kasi.." Psh.. Leche leche leche.

"Atleast ako babae! Eh ikaw, kahit anong tumbling at split ang gawin mo, NEVER KANG MAGKAKAMATRES!!" Pumasok siya sa kotse niya at isinara ng padabog ang pinto. Halaaaa~ Nainis ata...

Pero.. &*@$&!%!!! Sino bang nagsabing gusto kong magkamatres?!? Baka rape-in ko 'to kahit ayaw ko!! AMP!! Lagot siya sakin mamayang gabi >:) Dun kami sa madilim..

JOKE LANG! Para namang kaya kong gawin yun! ATSAKA MAY PRINSIPYO AKO SA BUHAY. 

Bumusina siya ng tatlong beses tapos sumilip siya dun sa windshield.

Sige na nga, alang-alang sa kacute-an mo, hindi na ako galit!

Ang ganda niya talaga. 

Naglakad na ako papunta dun sa may passenger seat ng biglang....

*SWOOOOSH!!*

  

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! Iniwan niya ako!!! Ang bad bad bad bad niya talaga! Nakakainis!! 

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon