EKB 1.7 - Hair Extension? Let Me Flip It! -

3.5K 99 7
                                    

EKB 1 - Hair Extension - 110314

=========================================

Richard Enriquez: Hi Al~

Alex Capili: Hello.

Richard Enriquez: Kamusta ka na babe? I miss you!

Alex Capili: Huh?

Richard Enriquez: Kumain ka na ba?

Alex Capili: Ang kulit mo! Hindi ka ba nagsasawa sa matabang kong sagot?

Richard Enriquez: Hindi ako magsasawa sa kahit ano basta ikaw.

Bigla syang nag-off. Kinilig 'yun, panigurado! Pakipot pa kasi! Hahaha. Ayaw nya kasing maniwala sa akin na gusto ko sya. Ang tagal-tagal ko na syang kinukulit, hindi pa rin naniniwala. Mukha ba akong manloloko? Etong gwapong mukhang 'to, MANLOLOKO!? Grabe ha. Hindi ako nagsayang ng maraming face masks, facial cleansers, creams at sunblocks nuon para lang magmukhang manggogoyo!

Oh baka mukha na nga akong manloloko dahil bihira ko na gawin 'yun!? Ay ga.. Kailangan ko ba uling maging bakla?!  KAILANGAN PARA HINDI MAGMKUHANG MANLOLOKO?! TANG---

"Tara na!" Kumatok sa pinto ang isang kamag-anak nila (na lately ko lang nakilala). Ikakasal kasi ngayon ang kuya ni Alex...a. Ang pangit talaga ng tawag sa kanya, kung hindi Alex, AJ. SINONG HINDI MAGKAKAMALI NA LALAKI SYA? Tapos pag nakita mo sya, maiisip mo tuloy na galing sya ng Thailand dahil sa ganda nya. Kaya syempre, malandi ako (sa kanya) kaya binigyan ko sya ng nickname which is Al. 

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa isang maputing couch at dumiretso sa may salamin. Marahan kong inayos ang buhok ko tapos nagsuot ako ng sunglasses. Hinigpitan ko ng kaunti ang necktie ko. Woooow. Ang gwapo ko talaga! Hindi ba talaga sya naiinlove sa akin? Hindi lang ako ideal boyfriend. Ideal husband na ako. Baka naman gusto nyang pakasalan ko na sya agad? Tsk. Kaya naman pala e.

Paglabas ko ay isang kamay ang sumalubong sa akin na syempre, sinalo ko gently na para lang syang nakipag-high five. Kapag talaga lagi mo syang kasama, matututo kang sumalag at depensahan ang sarili mo. Pinarating ko ang mahahaba kong daliri papunta sa likod ng palad nya hanggang sa daliri nya. Sinuri ko ang damit nya (masagwa kung sasabihin kong sinuri ko ang katawan nya diba?) at kukutyain ko ba sya? Hindi. Bagay naman kahit kanino ang puti. Medyo mahaba ang puting tube dress nya na may accent na kulay violet. Witweeew~ 

"Hello Al~" Mabilis kong hinalikan ang kamay nya. "Babe."

Mabilis naman syang nagreact. Alam nyo kung ano 'yung reaction nya? SINAMPAL NYA AKO!! "Babe mo mukha mo! Pang-apat na tawag na raw sa'yo 'yun ha!"

"Al naman, baka magmukha naman akong nagblush on nito." 

"Gusto mo pantayin ko?" Umiling ako agad. Masakit 'yun ha! Kahit gusto ko sya, nasasaktan din naman ako! "Pakibitawan ang kamay ko."

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon