GIVING UP

337 6 3
                                    

Magkaharap ang magkasintahan, ang isa ay nakaupo sa kama habang ang isa sa vanity table.

Tinitigan nya ang mata ng kasintahan pero nanatili lang itong nakayuko upang makaiwas sa kaniyang mga titig.

"Bakit nangyari yon? Mag explain ka lang sakin kakalimutan ko yung nakita ko. Kakalimutan ko yung nangyari." sabi niya dito.

"Karylle.." pag banggit niya sa pangalan ng kasintahan nya.

Tumingin ito sa kaniya pero agad din nag iwas tingin. Ilang minuto na siyang nag hihintay ng paliwanag nito pero wala pa rin itong binibitawan na salita.

Kahit nga reaction sa mga mata nito, wala siyang makita.

"Love, explain. Please? Kahit mas masakit pa sa nakita ko kanina. Tatanggapin ko. Baka kailangan ko pang mag adjust diba? Then I'll do my best para sayo, sa pagiging boyfriend mo, sa lahat ng bagay."

"Vice.." pag tawag nya sa pangalan nito. Umupo siya sa tabi ng kasintahan at hinawakan ito sa kamay.

Hinalikan nya rin ang kamay nito pati ang noo pababa sa labi. Ngunit, hindi siya nakaramdaman ng pag tugon dito.

Tinitigan nya ulit si karylle pero wala siyang nakikitang emosyon dito.

Hindi katulad kanina noong makita niya ito sa isang hotel room kasama ang isang lalaki.

Magkahalikan sila, punong puno ng emosyon at pagmamahal.

Nagawa pa nya itong tawagin at lapitan. Hinalikan nya rin ito sa labi kahit na bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nagawa pa rin niya itong tanungin kung bakit ibang hotel room siya. Baka namali lang ito ng pasok ng hotel room, akala niya lasing ito. Pero hindi pala.

Unti unti niyang binitawan ang kamay ni karylle at ngumiti dito pero kasabay ay ang pag patak ng luha niya.

"Wala ka ng pagmamahal sa akin." sambit niya at nauwi na sa pag hikbi.

Maya maya lamang ay natawa siya ng mahina.

"Wait, minahal mo ba ako? O ako lang ang nagmahal sa ating dalawa? Kase baka siya pa rin yung nagpapasaya sayo diba?" mula sa pag tawa nya ng mahina, bumalik ulit ang pag hikbi niya at pag patak ng kaniyang luha.

"alam mo, sabihin mo na lang yong totoo sakin. Kase nahihirapan ka na, ganoon din ako. Mag eexplain ka lang naman sakin kung bakit mo ginawa yon, papatawarin naman kita. Kase mahal kita eh. Mag titiwala ako sayo ulit kasi mahal kita."

Kahit ilang beses pa akong maging tanga para sayo, okay lang. Dahil mahal kita.

Nanatili lang itong nakatitig sa kaniya. Maya maya ay may kinuha ito sa pouch at inabot sa kaniya.

Pregnancy test. May dalawang linya.. Positive.

" Buntis ka? Kailan pa? Bakit di mo sinabi sakin Karylle?"
Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng kasintahan at niyakap nya ito.

"Congratulations mommy, magiging daddy na ako!"

Narinig nya ang hikbi ni karylle kaya hinarap nya ito.

"Why?? Love, okay naman sakin kung nakita ko yung kanina. Magkaka baby---

"Vice. I'm sorry, hindi ikaw ang ama."















"Hindi lang yon ang unang beses na may nangyari sa amin ni yael."














"Congratulations. And now, I have a reason to let you go. Be happy with him, ana karylle."

































A/N:
Quick update lang!
Lagi naman kasi si vice ang may kasalanan sa story, so baliktarin muna natin. Si karylle muna! Ehehe

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon