IKAW AT SILA

200 4 0
                                    

"happy anniversary, hun." bati ko kay vice pagkapasok niya sa kwarto. I am holding a cake at tinapat ko yon sa kanya pagkalapit ko.

Nakita ko sa mga mata niya kung paano sya magulat pero pinilit niya iyon itago na para bang ayaw niya akong masaktan.

"Happy anniversaries, honey." nginitian niya ako at lumapit sa akin bago ako halikan sa noo pababa sa aking labi. Binaba niya yung cake sa table at muli niya akong hinalikan.

The kiss that I want to taste everyday.

We've been together for five years, pero itong halik pa rin na ito ang gusto kong matikman. Yung labi mo pa rin yung gusto kong hagkan sa araw araw.

Tumitig sya sa akin bago nag apologetic smile. I chuckled a bit. Ang gwapo niya lalo kapag ganyan ang ngiti niya. Nahihiya syang tumingin sa akin habang napapakamot sya sa nape niya.

Such a cute gay.

" Honey, I don't have a gift. I... I forgot it honestly." tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Okay lang naman. Atleast nandito ka ngayong anniversary natin diba? Let's eat?" saad ko sa kanya at humawak ako sa kamay nya. Tumango lang sya sa akin at sumunod.

Habang kumakain kami, tahimik lang sya ngunit alam ko na tumitingin sya sa akin na para bang may gusto syang sabihin.

" Nakita kita kahapon. " saad ko sa kanya. Napatitig sya sa akin, ramdam ko na kinabahan sya.

"Magkasama na naman kayong dalawa." dugtong ko sa sinabi ko bago ko sya nginitian. Kumain na ako ulit at di na umimik. Babagsak na ang mga luha ko.

In five years, alam ko na nagkikita pa rin sila. But I let him. Kase akala ko close friend lang niya. Pero nalaman ko na lang na mag ex pala sila. But I didn't say anything. Hinayaan ko, kase may tiwala ako sa kanya. Alam niya na may boundaries dapat.

"Hon, yun na yung last. I am really sorry." inabot niya yung kamay ko pero marahan ko yon inalis at umiling.

"You still love her, don't you?" tanong ko at nagsukatan kami ng tingin.

Alam ko naman na marami akong pagkukulang bilang fiancee niya, pero sapat ba na lokohin ako ng ganito?

Ramdam ko yung saya nya kapag magkasama silang dalawa. Yun yung saya na gusto ko maranasan kasama sya, pero mukhang hindi ko na mararamdaman dahil sa iba na niya ginagawa.

The way he hold her hand and kiss it, parang sinasabing sya lang ang babaeng mahal na mahal niya.

"Nangako ka sakin e. Ako na yung babaeng mamahalin mo, pero ang hirap na makita kang hindi masaya sa piling ko. Mahal mo pa ba ako?"

Hindi siya agad nakasagot sa tanong ko.

"You know how much I hate it, vice. Alam kong ayaw kong niloloko ako. Nangako ka sakin na hindi ko mararanasan to sa'yo. Sabi mo ako lang ang mamahalin mo ng buong buo. Pinaglaban kita sa mga magulang ko. Kinalaban ko yung magulang ko para sayo kahit na tinakwil na ako, hindi kita binitiwan. Mas pinili kita kaysa sa kanila. "

I remember those days na palagi syang nag pupunta sa bahay to prove that he really loves me. Ilang beses na syang pinapaalis ng parents ko pero hindi sya sumusuko. Ayaw nila kay vice dahil sa gender nya. He's gay. Sabi nila lolokohin lang niya ako at lalaki pa rin ang gusto niya.

Sa tuwung pupunta sya sa bahay, ramdam ko ang panginginig niya habang nakaharap siya sa mga magulang ko. Masaya akong ginagawa niya yun para sa akin.

And noong araw na sinagot ko sya, nakita ko yung saya nya. Ang saya saya niya. I am stopping him to shout, pero paulit ulit lang niya sinisigaw na girlfriend na niya ako.

Kailan ko rin kaya ulit maririnig ang pangalan kong pinag sisigawan mo?

"I am really sorry hon. Believe me, I am still inlove with you. Mahal kita." tinignan ko yung mata niya, pero taliwas yon sa kaniyang sinasabi.

Sana pala hindi ko na lang tinanong. Nanikip yung dibdib ko, parang gusto na lang sumabog sa sakit.

"Matutulog na ako." sabi ko sa kanya at tumayo na ako. Hinalikan ko sya sa pisngi at dumiretso muna ako sa banyo para mag asikaso.

Humiga ako after that. Pinigilan kong huwag marinig ang hikbi ko. Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa dahil sa sama ng loob ko, sa sakit na nararamdaman ko.

Niyakap niya ako mula sa likuran ko at hinalikan ako sa nape ko.

" Hon, I am really sorry. She cleared everything to me kung bakit bigla na lang sya nawala sa akin." ramdam ko ang pag singhap niya ngunit di ko sya nilingon.

"Sana masabi ko to sayo in time. I am really sorry, hon."



The other day, hinayaan ko sya umalis ng bahay. Nakita ko sya kasama nya ulit yung girl. Sinundan ko sya that day.

Tinignan ko si vice, narinig ko ang tawa nya na matagal ko ng hindi naririnig habang magkasama kami.

I wish, I have a same humor like her. Para mapatawa kita ng ganyan.

Akala ko sya na talaga. Hindi pa rin pala.

I though you were my answered prayer, pero hindi pa rin pala.

Siguro nga, ako lang ang naging pansamantala habang wala sya. Kase kayo ang nakalaan sa isa't isa.











"Happy birthday, Vice!" bati ko sayo habang papalapit ka sa akin. Niyakap mo ako ng mahigpit at tinitigan ako. Ni-rub mo pa ang kamay ko bago ka ngumiti sa akin.

"Thank you so much, Kaye. Thank you for coming." Vice.

Nakita ko kung paano ka na ngumiti ngayon. I can see that you are genuinely happy with her.

"Viceyyy!" Narinig ko ang pag tawag niya sa'yo bago sya lumapit. Alam kong nakita niya ako at agad niya akong niyakap.

"Katherine Grace!" pag tawag niya sa akin at nag beso.

"Ana Karylle." saad ko at ngumiti sa kanya.

"Totoo pala sinabi ni vicey, you're beautiful." puri niya sa akin. Tumingin ako kay vice at ngumiti sya sa akin.

"Salamat, Karylle. Please let me know kung niloloko ka niya, ako gugulpi dyan." We both laugh in unison. Tumingin sa akin si vice at umiling.

"Nope. I will not cheat, anymore. Tara na, let's eat."



Now I get it. You truly love her. Kahit mag isa na lang ako, I am grateful na makita kang masaya kasama sya.

Nung nakita kita sa tagpuan ng iba
May kinang sa mata na hindi na nawala
Di na maintindihan
Paano mo 'ko sinaktan ng ganito
Kala ko ba ikaw at ako
Pero ba't magisa na ako


















A/N:
Hi. After two months ngayon lang ulit ako nakapag ud dito. Tinapos ko kase yung The Vows muna. Thanks for reading. Do votes and comments. Salamat!

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now