(UN)LABELED

173 9 0
                                    

Madilim at maingay ang loob ng bar. Nakakahilo ang sari saring amoy ng alak pati na rin ang usok ng mga sigarilyo. Muli naman na ininom ni vice ang alak na nasa kaniyang baso.

Pang ilang bote na ba ng alak ang iniinom niya ngayong gabi? Hindi nya rin alam. Ang alam lang niya halos matumba na siya dahil sa kalasingan.

Maya maya pa ay may lumapit sa kaniya , isa itong kulot na babae, maputi at mala anghel ang mukha. Tinignan nya ito at pinaka titigan. Hindi ito nakangiti at mukhang hindi ito sanay sa ganoon na gawain.

"Want to enjoy tonight, sir?" Medyo nahihiya pa nitong sabi sa kaniya. Umiwas ito ng tingin sa kaniya at tumigin sa isang direksyon.Para kasi itong takot na takot. Kaya naman sinundan niya ng tingin kung saan nakatingin rin ang babaeng nasa tabi niya ngayon.

Nakita niya ang isang babae na halos kamukha nito. Ang mga tingin nito ay parang pinag babantaan sya.

Muling nilipat ni vice ang tingin sa babaeng nasa tabi niya at hinawakan niya ito sa kamay at tumayo siya.

"Let's go." Matipid niyang sabi rito at hinila niya palabas ng bar. Dinala niya ito sa kaniyang sasakyan at pinasakay. Narinig niya itong humikbi habang nakatingin sa labas.

"Miss, look." Malumanay niyang sabi rito.

"Don't be scared. Wala akong gagawin sayo.. para kasing takot na takot ka kanina kaya hinila na kita palabas ng bar." Maikling paliwanag ni vice habang inaalis niya ang jacket niya at ipinatong iyon sa balikat ng babae.

"Please wear it. " saad niya muli kaya naman lumingon sa kaniya ang babae. Basa ang mga mata nito ng luha.

"Salamat. Pasensya na, hindi naman talaga ganoon ang gawain ko. Karylle nga pala." Pagpapakilala nito sa kaniya matapos na masuot ang jacket ni vice. Malaki iyon sa kaniya kaya naman pati nga hita niya ay natakpan rin.

"I'm Vice."

Pagkatapos nang pagkikita nila sa bar noong gabi na yon ay palagi na silang magkasama ni vice. Nalaman rin ni vice na mismong nanay nito ang nagtulak para pu asom sa isang bar at hindi na niya pinag aral pa. Wala na siyang ama, namatay ito noong elementary pa lamang siya. Ang ina naman niya ay kung ano anong trabaho na ang pinasok mabuhay lamang siya. Naglalaba, nagtitinda sa mga karinderya at kung minsan naman ay may nagpapa linis ng kuko para lamang mabuhay silang dalawa.

Subalit habang lumalaki nga rin siya ay lumalaki rin ang gastos niya lalo na sa pag aaral. Hanggang sa nalaman niya na ang nanay niya ay pumasok sa isang bar. Tume-table at nagpapaligaya ito sa mga lalaki.

Kaya naman nitong magka-college na sya ay hindi na siya pjnag aral sa halip ay pinilit siya na pumasok na sa isang bar. At yun ang gabi na nagkita sila ni vice.

"Nag away na naman kayo ng nanay mo ano?" Tanong ni vice sa kaniya. Nasa isang patag na mataas na lugar sila habang tinatanaw ang city lights.

"Araw araw naman kami nag aaway nun. Tingin niya sa akin wala akong kwenta. Bakit ko pa raw gusto mag aral kaysa mag trabaho. Hindi niya yata alam na mataas ang standards na hinahanap rito sa Pinas kahit na maliit ang sweldo. Baka kahit yata mag apply akong janitress kailangan college graduate pa rin."  Naiinis niyang sabi habang napa padyak pa ng paa.

Tumitig naman si vice at hindi niya mapigilan na hindi matawa dahil na cute-an siya rito mag reklamo at mainis.

"Sorry.ang cute mo mainis. Bibigyan na lang kita ng work and at the same time pwede ka pa mag aral." Napalingon si karylle sa kaniya na para bang nagtataka.

"Seryoso ako, karylle. Alam ko na gusto mo makapag tapos ng pag aaral. So I am giving you this opportunity na makapag tapos ng pag aaral. Bibigyan kita ng scholarship." Sabi ni vice sa kaniya habang nakatitig.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now