REUNITED

170 8 0
                                    

Pinagmamasdan ko ang ginagawa ng mga 'angels' ni mama dito sa loob ng bahay. Inaayos nila ang mga decorations pati naglilinis sila.

Naririnig ko na rin ang boses ni mama na marami rin inuutos kahit na sya ay kumikilos rin. Bimaba ko ang bag ko sa sofa bago ko sya lapitan.

"Mama," tawag ko sa kaniya at agad akong yumakap.

"Bajee," niyakap niya akong mahigpit at hinalikan ako sa noo.

"Mama naman, Karylle na lang." Reklamo ko na nakapag patawa sa kaniya. Bine-baby na naman nya ako.

Narinig ko siyang tumawa bago mag pull away sa yakap at may inutos na naman siya.

"Bakit hindi mo kasama si Luhan?" Tanong niya sa akin habang inaayos ang kobre ng throw pillows. Si Luhan, yung apo niya.

Tumingin ako sa kaniya at umupo ako sa sofa.

"Kasama ni daddy nya..." mahina kong sabi sa kaniya at napatingin ako sa singsing ko.

"Bakit ba kasi hindi pa kayo magbalikang mag asawa? Eh nagkikita rin naman kayo palagi ni vice." Sagot sa akin ni mama.

"Para lang naman kay Luhan kaya kami nagkikita palagi. Dahil na lang yun sa anak namin mama. Pero kung para sa aming dalawa, malabo na yon. He cheated on me. Nawalan na sya ng pakialam sa akin after losing our second child. Sinisisi niya sakin kung bakit nawala ang baby namin."

He was my safest place. He promised me everything. Mula sa material ma mga bagay, pati ang pagmamahal niya na sa akin lamang. He promised me na ako lang.

He did everything that he could para mapasagot niya ako. Nagtiyaga syang ligawan ako for a year. Nakita ko naman kung paano siya kaseryoso sa akin. Nandyan sya palagi kapag kailangan ko siya. Nakita nya yung pagiging vulnerable ko sa ibang bagay. Na witness nya ang bawat pag iyak ko sa tuwing nasasaktan ako, sa tuwing nagfe-fail ako. Nararamdaman ko ang bawat yakap niya sa akin at rinig ko ang bawat salita niyang nagpapalakas palagi sa kalooban ko.

And I can say na sya ang hinihiling at dinarasal ng ibang babae. Matalino, mabait, marespeto at mapagmahal. Naramdaman ko ang lahat ng yon habang kami pa. Kaya nga noong tinanong niya ako kung gusto ko na bang magpakasal, walang pagdadalawang isip ako na tumango at sumang ayon sa kaniya. Sya na ang nakita kong lalaking mamahalin ko pang habang buhay.

Pero hindi pala palagi ay masaya ang buhay mag asawa. Darating pala talaga sa punto na may hindi kayo pagkakaintindihan, magkakasagutan kayo at mag aaway. But in the end, sa isa't isa pa rin kayo babalik sa huli. Yakap pa rin niya ang gugustuhin kong maramdaman.

But everything has changed noong nawala sa amin ang second baby namin. Hindi ko naman alam na buntis na pala ako at nasa second month na. Wala kasi akong nararamdamang symptoms para malaman ko kung buntis ako. And also irregular ang menstruation ko. I thought, wala lang.

Hanggang sa nag pa check up ako dahil nakakaramdam ako ng pain sa katawan ko. Pelvic pain. The doctor said na buntis na nga ako. And changes yun sa pagbubuntis ko.

Sobrang saya nya that time. Gusto na rin kasi siya na magkaroon ng kapatid si Luhan. The doctor said huwag ako masyado mag trabaho dahil medyo sensitive ang baby namin.

Nag work pa rin ako.

Hindi pwedeng hindi ako mag work dahil unluckily, nadamay si vice sa problem ng kompanya na kung saan sya nagtatrabaho at natanggal siya.

Ako na lang ang may work sa aming dalawa. And gusto ko siya matulungan kaya nag work ako.

Sa mag asawa, tulungan naman kasi talaga diba?

-----

But nawala ang baby namin. Nag bleed ako. Pinipilit nilang isalba ang baby namin pero wala na.

Doon ko lang naranasan na masigawan at masisi niya.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now