THAT GUY

299 11 4
                                    

Hindi ko alam kung saan ako tutungo, kung saan papunta ang aking nilalakaran. Tanging alam ko lang, madilim ang mga paligid.

"Bruh!" rinig kong pag tawag sakin ni vhong, patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa naging pag takbo.

"Karylle!" rinig kong sigaw ni vhong mula sa malayo, hindi ako nagpatinag.

Nanatili ako sa pag takbo hanggang sa nakarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan at napahiga ako sa sahig.











"Hey! Okay ka lang?!" tanong ng isang lalaki na may katangkaran noong magising ako. Tumango ako at umupo sa hospital bed.

"Yeah, I'm okay. Thank you sa pag dala sakin dito. Babayaran na lang kita next time. Ano bang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti sya sakin bago ilahad ang kanyang kamay.

"Vice."

Kinamayan ko sya at ngumiti rin ako sa kanya.

"Hatid na kita? Saan ba bahay mo?" Sinundan nya ako hanggang sa makalabas ako ng hospital pagkatapos nya makabayad.

"Dyan lang. Malapit lang, wag mo na ko ihatid. Pasensya na rin sa abala." sabi ko naman. Naka pamulsa lang sya sa pants nyang black. Ano ba itong lalakeng to? Lahat black ang suot nya, pati yung beanie nya.

"Nope. I insist. Ihahatid na kita, we can be friends naman diba? Don't worry, mabait naman akong tao." he wiggles his eyebrows. Naiiling na lang ako at pasimple akong napangiti dahil sa kanya.

Habang nasa sasakyan kami, kwento lang sya ng kwento sakin. Ang daldal nya, akala mo hindi lalaki.

"Pasensya na, ang daldal ko talaga! Hahaha! So ayon nga, ang walanghiya noong driver na nakasagasa sayo. Tinakbuhan ka ba naman, buti na lang ako nakakita sayo." Vice.

"Yeah, thank you for helping me. Sadyang may problema lang ako last night kaya ganoon ang nangyari sakin. Hindi ko na rin makita ang daan dahil sa luha."

This is the first time na nag share ako ng konting kwento sa isang stranger which is hindi ko naman pag uugali. Tanging si vhong at anne lang ang sinasabihan ko ng mga problema ko.

Naihatid na nya ako sa bahay, pumasok pa nga sya hanggang loob kaya inalok ko na rin ng juice.

"Mmm, love mo mag painting?" tanong nya sakin ng makita nya yung mga canvas at paints na nagkalat sa sahig.

"Yeah. Pero ayaw na ng painting sakin kasi hindi naman ako magaling." umupo ako sa isang swivel chair habang sya hawak nya ang juice at tinitignan isa isa ang mga paintings ko na naka hang na sa wall.

"Naka punta ka na ba sa mga museum?" tanong nya sakin at tumitig. Nag iwas tuloy ako ng tingin dahil dun.

"Hindi pa. Pero muntik na. Wala naman ako ganoong kahalagang pera para bumisita sa mga museum." sagot ko. May nakita pa syang isang painting na hindi tapos kaya bago pa nya lapitan, inagaw ko na yung canvas at tinalikod ko.

"No. Hindi pwede yon. Ang pangit nun." nag crossed arms lang ako at tumingin sa kanya habang naka ngiti.

Naubos na rin nya ang juice kaya nilapag na nya yung baso sa table.

"Paano ba yan? Friends na tayo, alam ko na rin kung saan ang bahay mo. So pwede tayo mag gala next time? Pasyal lang kahit saan." Vice.

"I'll think about it. Tska may utang pa ko sayo sa bill sa hospital." saad ko naman. Narinig ko naman syang tumawa.

"Why?"

"Wag mo ng intindihin yon. Sa tito ko yung hospital na yon kaya wala akong binayaran. So gagala tayo next time? " Vice. Inayos na nya yung beanie nya, pero hindi nya naman hinubad.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now