HIS GUARDIAN ANGEL

226 9 0
                                    

" okay lang ba mawala sayo ang kasikatan mo para sa taong mahal mo?"

" opo, okay lang naman mawala sakin ang lahat makita ko lang na okay sya at masaya sya."

Napatitig sa akin ang pinaka mataas na anghel dito sa kalangitan. Parang sinisigurado niya ang bawat sinasabi ko.

"Karylle, hindi mo alam ang mga susunod na mangyayari. Kahit ano pa man ang kahantungan nito, maaaring kapalit nito ang buhay mo."

Ngumiti ako at tumango.

"Desidido na po ako. Pababain nyo na po ako ulit sa lupa para mabantayan ko na ang taong mahal ko."

Habol ang hininga ko pagkamulat ko. Nakita ko na natigilan si vice sa pag iyak ganun din ang iba naming mga kaibigan.

"Oh gosh! Karylle! Buhay ka!" Kahit naka kabit pa sakin ang oxygen ay naramdaman ko ang yakap ni vice sa akin. Mahigpit. Para bang miss na miss ako.

"Ano bang nangyari?" Tanging tanong ko sa kanila. Mugto na rin ang kanilang mga mata.

"Nag agaw buhay ka. Akala namin hindi ka na magigising. Isa pa itong si brad, inapula pa namin dahil tumaas ang blood pressure . Hindi kinaya ang nangyari sayo kanina." Vhong.

Tinignan ko si vice na humihikbi at nakatitig lang sa akin. Para bang ayaw niyang kumurap.

"Buhay ka..buhay ka kurba.." humihikbi niyang saad at umulit ng yakap.

"Bakit parang miss na miss ako ni vice? Ano bang nangyari?"

"Bruh, dalawang buwan kang comatose. "Vhong.

Napa singhap ako sa sinabi ni vhong sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Ang tanging natandaan ko lang, nakausap ko ang anghel sa langit at nakiusap ako na pababain muli dito para kay vice. He is my mission.

Maya maya , nakarinig ako ng iyak ng sanggol na karga ni mama?

"Ma? Kaninong anak yan? " tanong ko kay mama. Kapatid ko ba to?

"Ano ka ba anak , this is my apo. Anak nyo ni vice . Ang ganda ganda ng apo ko, kamukha mo." Mama.

"Naaksidente yung sinasakyan natin na van papuntang Baguio. Pero ikaw ang napuruhan, sabi ng doctor isa lang sa inyo ni baby ang pwede isalba. Pero nakita ng mga doctor na lumalaban ka pa , humihinga ka pa. "Paliwanag ni vice sa akin.

Tumitig ako kay vice, hinawakan nya ako sa kamay at hinalikan nya yun.

"Please love, wag na sana maulit yun ha? Pinakaba mo ako. And I am so thankful na nagising ka na " vice.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil alam ko naman na bilang na lang ang oras ko dito sa mundo.







"Bakit na naman nandito ako? Ang usok na naman." Saad ko. May bulaklak akong korona sa aking ulo habang nakasuot ako ng puting dress. Napakasimple pero alam kong bagay sa akin.

"Diba sabi ko ayaw ko pang umakyat dito? Tapos na ba yung oras ko?" Tanong ko sa anghel na taga bantay.

"Hindi pa naman, pero maaari mo bang sabihin kung ano pang mission mo sa kaniya?"

"Gusto ko lang naman makita pa sya at makasama para sa anak naming dalawa. Gusto ko alam na niya ang mga gagawin niya sa buhay na hindi ako kasama. I want him to be a great father to our child."

Nawala ang mausok na paligid at pagkita ko nasa hospital na naman ako.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Ryan pero hindi niya ako pinapansin. Nakipag siksikan ako sa kanila pero bakit parang hindi ko sila mahawakan ?

Tumingin ako sa kama kung saan sila nakapalibot at nakita ko ang sarili kong katawan na nag aagaw buhay.

No!

"Vice!" Bulong ko sa kaniya habang hawak ko sya sa balikat at pumapatak ang aking luha. Tumingin sya sa gawi ko na para bang nakikita nya ako.

Muli siyang tumingin sa katawan ko at sa monitor , tinitignan nya yung heat beat ko.

"Love please.." humihikbi niyang saad at hinawakan ang kamay ko sa nakaratay kong katawan.

Dumating ang doctor at pilit sinasalba ang katawan ko, wala akong magawa dahil kahit ako hindi ako makapasok sa sarili kong katawan.

"Time of death 8:34 pm"




"Hi love," bati sa akin ni vice habang naka upo sa rattan chair. Ngumiti ako sa kaniya at inayos ang aking buhok.

"Kakadating mo?" Tanong ko sa kaniya at tumango sya, umupo sya sa katabi kong rattan chair.

"Si Serenity?"tanong nya sakin habang sumasandal sya.

"Nasa kwarto, tulog na. Ang ganda ganda nya love, sayang hindi man lang nya ako nakita o makikita na nandito lang palagi."

"Atleast ikaw, nakikita mo siyang lumalaki. Nasusubaybayan mo sya diba? Ang ganda ng anak natin dahil maganda yung mommy nya," napangiti ako sa sinabi ni vice na yun sa akin. Humilig ako sa kaniya at humalik ako sa kaniyang pisngi.

Sya lang ang nakaka kita sa akin matapos sumuko ang katawan ko.








"Pwede bang huwag na akong bumalik dito? Please? Nahihirapan na si vice eh. Kapag natapos ko ang mission ko mas mahihirapan lang sya. Paano naman yung anak namin.."pumapatak ang luha kong saad sa anghel na kaharap ko.










"DOC! DOC! "

"Gising na si Karylle!"

Napamulat ako sa ingay na nasa paligid ko. Pinunasan ko amg aking luha at tumitig kay vice.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya ngunit niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan nya ako sa noo.

Kinurot ko pa si vice at napa aray sya. Bakit ko daw sya kinurot. Dumating ang doctor at chineck up ako. Okay na daw ang pakiramdam ko at pwede na daw ako marelease bukas.

"alam mo bang kinakabahan ako sayo mula kahapon? Kase delikado na daw ang lagay nyo ni baby, tapos after mo manganak nakatulog ka. Sabi ng doctor na comatose ka . " Vice. Kitang kita ko ang pag aala sa kaniya.

Hinawakan ko siya sa kamay at kinwento ko ang buong pangyayari sa panaginip ko.

"Love, habang comatose ako may anghel ako na nakausap. Nanaginip ako sa loob ng  panaginip ko . Parang totoo at may halong panaginip. Naging guardian angel mo ako."

Nakita ko ang kaba at takot sa mga mata niya, niyakap ko sya at hinalikan ko ng madiin sa labi.

"Hindi  ako mawawala sa inyo ni baby. Kumalma ka daddy. "
















"lahat ng players ah bago tumira titingin kay karylle , sya ang ating guardian..."vice.

Natawa ako sa sinabi niya maging sina vhong.

"guardian ano??"Vhong

"guardian angel." vice. Ang cute naman ng tawa nito.

Gosh vice, mukhang ikaw na naman ang paglilihan ko sa ating second baby.






A/N:
Naka isang box akong hopia today. Sorry.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now