KARYLLE IG STORY

459 7 0
                                    

Wala akong magawa kaya nag ig na lang ako.   Nag sscroll, nag lilike ng mga posts ng mga friends ko.

Nakita ko yung post ni karylle. Nasa caza pala siya kasama si mama z. Napangiti ako. Naalala ko yung binigyan nya ako ng bigas galing sa caza. Tinotoo ng kulot ang biro ko.  Hahaha

Nag view ako ng mga story nya hanggang sa nakita ko yung ig story nya na "Buko Juice, Anyone?"

May naalala ako sa buko na yan. Yung pa buko day namin para sa mga vicerylle babies. Yung pareho kaming umiinom ng buko juice sa iisang buko. Ang ganda ng titig nya noon sa akin.

I replied on her story.

praybeytbenjamin : Kung inaakala mo, ang pag ibig ko'y magbabago. Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming pasko. Ikaw pa rin ang buhay ko.

Huli na ng marealize ko na naisend ko na yung message na yon.

Idedelete ko na sana ng makita ko yung message nya sa akin.

anakarylle : Hindi naman na ako ang buhay mo, you have Ion na. Hahahaha joke! Nasaan yung buko juice ko?!

A sad smile formed on my lips. Oo nga pala, hinayaan ko siya mapunta sa iba. Nandoon na eh, may nararamdaman na ako sa kaniya.  Mahal ko na siya noong mga panahon na kaming dalawa ang magkapartner sa sine moto, kami ang nag aasaran sa kahit anong segment.

Mas lalo pa akong nahulog noong sya na ang nangyayakap sakin habang nasa harap kami ng camera.

Pero hinayaan ko siya na mapunta sa asawa nya. Hanggang ngayon, aaminin ko nag seselos ako kay Yael. Oo okay kami, pero nandoon yung selos at lungkot.

Bakit kasi ang banban mo vice. Ayan, may asawa na siya. At hindi ikaw yon.

praybeytbenjamin : ikaw yung nandyan sa quezon province, ikaw naman dapat ngayon maging buko juice supplier ko for the whole month! Hahahaha

Sya lang kase ang nililibre ko ng buko juice sa lahat ng showtime hosts. Lagi kaming umiinom noon everyday. Minsan nga nakiki share pa sa akin ng buko.

anakarylle: ako ba? Hahah okay, I'll ask mama to bring buko juice for you kapag nag hurado sya ulit sa showtime.

praybeytbenjamin: Buko. Thank you.

Syempre, sya pa rin ang buhay ko.

anakarylle: Yeah. Vicerylle moment. Buko. You're my buko vice!

Muntik akong masamid dahil sa message nya na yon sa akin. Ana Karylle! Ano na naman to?!!! Para kong teenager na nag pagulong gulong sa kama dahil sa kaniyang sinabi.

Anong meaning nun? Mahal nya pa rin ako?

praybeytbenjamin: whoy kulot ka! Anong ibig mong sabihin ha?

anakarylle: buko. Ikaw. buko kita.











At hinimatay na lang ako dahil sa kilig.





A/N:
O SIGE ANG WALEY! HUHUHUHU. NATUWA LANG AKO SA PA BUKO NI ANAKARYLLE! HAHAHAHAH
Follow me on twitter : AKdncjlnn CHIKAHAN TAYO SA TWITTER!

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon