THE ONE THAT GOT AWAY

382 8 2
                                    

A/N: Hey! Mga delulu kong mga co sibs. Kailangan ko lang ilabas ito sa sistema ko. Sobrang tagal kong walang update, busy na sa pag aaral haha!
Marami ng gumawa ng mga version nito, syempre mayroon din akong entry.
Nalungkot ako ng makita ko si vice na ganoon ang reaksyon nya noong huling punishment kay yael. Tumagos mula sa screen ng tv ang kalungkutan nya. Char.
Sana magustuhan nyo to.










Kakatapos lamang ng showtime, at lumapit na ko kay karylle para akbayan siya palabas ng studio.

"Kung ikaw ay masaya palakpak na!" sinimulan kong kumanta habang naka akbay ako at inaasar siya. Hindi pa rin ako maka get over sa kanta nyang iyon sa akin.

"Vice!" medyo malakas ngunit malambing nyang sigaw sa pangalan ko.

"kung ikaw ay masaya palakpak na! Kung ikaw ay masaya-- aray! Kurba joke lang!" tinawanan ko siya dahil ss ginawa nyang pag hatak sa hair extension ko.

Nako kung di lang kita love eh! Hinalikan ko siya sa buhok niya at patuloy na kaming naglakad.

"Ang sweet naman brad ah!" Vhong. Tumingin ako kay vhong at kumindat.

"Hindi ka na nasanay sakin!" sagot ko at hinila ko na si karylle papunta sa kaniyang dressing room. Ihahatid ko na siya dahil magkatabi lang naman kami ng dressing room, kaya lagi ko rinig ang boses nito bago mag simula ang showtime.

"Bilisan mo kulot, may meeting pa tayo." sabi ko sa kaniya at pumasok na ko sa dressing room ko.

Naglagay lang ako ng konting pabango matapos ko mag change ng outfit. Balak ko ng sunduin si karylle ngunit paglabas ko, nakita ko siyang naka sandal sa wall na nasa pagitan ng pintuan ng mga dressing room namin.

"Kurba!"

Pang gugulat ko kaya napa pitlag siya.

"Vice!!" bulalas niya pagka harap niya sakin.

She's slightly pouts her lips at hinampas ako sa braso pero mahina lang.

"Ikaw talaga!"

Natawa ko sa reaction niyang yon, never nagbago. From the very first day ganoon na ang reaction nya, hanggang ngayon walang pagbabago.

Inakbayan ko na siya at pumunta na kami sa office ni direk para pag usapan kung sino ang sasali sa mas testing.

Lahat nakikinig sa suggestions ng bawat isa hanggang sa tumingin si direk kay karylle.

"Karylle"

"Yes direk?" binaba na niya ang phone niya at ngumiti kay direk.

"si yael ang gagawin nating tumpak tracer, okay lang ba sa kaniya?" Direk.

Napa distansya ako ng konti kay karylle at kumapit ako kay ryan bang, sumandal ako habang pasimple kong napa cross fingers.

Please say no.

"Yes Direk, he's okay with that. And susunduin nya ko ngayon so pwede nyo na rin syang makausap." Karylle.

Parang may pumiga sa puso ko sa a sinagot niyang yon. Naka ngiti pa siya habang nag sasalita kapag kausap si direk.

"Nice! Mag asawang yuzon on its showtime!" Jhong.

Patuloy lang silang nag aasaran habang ako mas pinili ko na manahimik. Ang saya ko kanina tapos biglang bumaba ang energy ko.

Am I still affected?

Ganoon ko ba siya kamahal?

"Mommy okay ka lang? Ang tahimik mo."biglang nag salita si Ryan kaya napa ayos ako ng tayo. Naka tingin na pala ang lahat sakin dahil sa inaasta ko.

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon