STUCK WITH YOU

249 8 1
                                    

Sumakay ng elevator si vice at isasara na sana niya ang elevator nang makita niya ang babaeng lumuluha patakbo papasok rin dito.

Hinayaan naman nya ang babae na makapasok bago niya isara ang elevator. Pinindot niya ang down pero up naman ang pinindot ng babae.

"Sa ground floor ako." saad niya dito.

"sa rooftop ako." sagot ng kulot na babae na patuloy pa rin sa pag luha.

Mukhang wala naman siya balak makipag talo dito kaya ang up arrow na lang ang pinindot niya. Sa may rooftop.

Then he offered her a handkerchief. Tumingin sa kaniya ang babae na parang nag aalanganin na kunin ito.

"Take it. You need this right now." sabi niya at mas inilapit sa babae ang panyo.

"Thank you." kinuha naman niya ito at pinunasan ang luhang patuloy lang sa pag patak.

Pinag mamasdan niya ang babae. Maganda ito. Maganda ang mga mata nito, matangos ang ilong pati na rin ang labi nitong mamula-mula.

"I'm Vice." pagpapakilala niya sa babae bago niya ilahad ang kamay niya rito.

"Karylle." marahan sya nitong kinamayan bago namayani ang katahimikan sa loob ng elevator hanggang sa umabot ito sa rooftop.

Hindi naman alam ni vice kung bakit niya sinundan ang babae hanggang sa makaupo ito sa bench.

"Maybe you need someone to talk?" tanong niya rito pero tinitigan lang sya, "Don't worry, maayos naman ako kausap. I will not harm you."

Umupo sya sa tabi nito, pero hindi sila magkadikit. Hinayaan ni vice na may pagitan  sa kanilang dalawa.

"Dito ka nakatira?" tanong ni karylle sa kaniya. Umiling naman si vice bago ngumiti.

"actually I'm the owner of this condo." sagot niya rito bago ngumiti kay karylle. Napatingin naman ito sa kaniya bago tumango.

"Hindi na ako mag tataka, sa itsura at pananamit mo halatang mayaman ka." Karylle.

"How about you? Why are you here? May pad ka ba dito?"

"I just visited my boyfriend. Actually my ex-boyfriend." napa sob na naman siya bago pumatak ang kaniyang luha.

"I just want to surprise him, pero ako ang na surprise. I saw him with a girl on his bed, they are both naked and making a shit."

Tinitigan lang naman ni vice si karylle. Maya maya pa ay dumikit sya rito at pinunasan ng daliri niya ang luhang pumatak sa pisngi nito.

"Alam mo hindi kita pipigilan umiyak para malabas mo yang emosyon mo. Mabawasan kahit saglit yang sakit na nararamdaman mo.   Pwede ka rin mag kwento sakin kung gusto mo lang naman. Make yourself comfortable with me. I can be your friend."

Sinamahan naman ni vice si karylle sa rooftop at hinayaan nya nga ito na mag kwento. Medyo nahahampas pa nga siya nito sa hita kapag napipikon.

Dapat may pupuntahan pa sya, balak niya lang talaga bisitahin ang building at aalis na pero na caught talaga ni karylle ang kaniyang atensyon.

"Hinihintay ko lang naman na ikasal kami so I can finally give myself to him. Hindi ba sya makapag hintay? Mali ba ako?" Karylle.

Pareho na sila ngayon na nakatitig sa buwan at sa mga bituin sa kalangitan.

"Hindi ka naman mali. Sadyang hindi lang makapag hintay yung ex boyfriend mo. Dapat nga vinavalue niya yung katulad mo. He should respected you."













After that night, palagi na silang nag kikita. They became friends. Nag kikita lang naman silang dalawa kapag may problema si karylle o kaya may problema si vice sa business niya. Pareho silang nag pupunta sa bar para magpakalasing.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now