LAST CHRISTMAS

294 9 2
                                    

"Sistrette!!" yan ang bungad ni anne pagkapasok pa lang ni vice sa venue. He's wearing his black polo shirt with his black skinny jeans and brown shoes. Naka shades din sya.

Ngumiti ng bahagya si vice bago nya yakapin ang kaibigan. Lumapit din isa isa sa kaniya sina vhong at billy. Halos madaganan na sya sa mga yakap ng mga ito.

"Merry Christmas!" maririnig na sigaw ng kaniyang mga kaibigan.

"Nuks! Ang pogi natin ah!" bati ni Billy dito bago bahagyang hinampas ang kaniyang tiyan. Napaiwas tuloy si vice.

"Gago. Siraulo ka talaga bestie." Vice. Tumawa na lang sya at napailing. Namiss niya ang kaniyang mga kaibigan dito sa Pinas. "Merry Christmas sa inyo! Wala akong gifts! Mga siraulo kayo!"

"Kumusta pag sstay sa California?" tanong ni anne sa kaniya habang binibigyan sya ng glass of wine. Inalis nya ang kaniyang shades bago ito sinabit sa kanyang polo shirt sa may dibdib.

Umupo na rin siya sa rattan chair at tinignan ang kaibigan, "Masaya anne. Sobrang saya ko kasi may stable job na ako doon and nandoon na yung partner ko."

Kitang kita sa mga mata nya ang saya na nararamdaman nya. Ngumiti sya bago uminom ng wine.

"I wanna see her na vice with you! Arrgh! Ilan na ba chikiting nyo?!" tanong ni anne sa kanya.

Hindi naman maitago ang ngiti ni vice bago irapan ang kaibigan.  Dumating rin naman si vhong at tumabi kay anne, halatang makikinig ito ng usapan.

"Magdadalawa na yung chikiting ko. Si Brielle 2 years old and yung susunod na ipapanganak, baby girl rin. May naisip na nga ako na--

" Ghadd! She's pretty!" bulalas ni anne habang naka tanaw sa entrance. Kunot noo naman si vice na nakatitig kay anne, at paglingon nya nakita nya kung sino ang tinutukoy nito.

"Karylle." bulalas ni vice sa kaniyang sarili.

"Oh my gosh unnie! Ang ganda ganda mo!" tinakbo agad ni anne ang kanilang pagitan at sinalubong ng yakap si karylle.

Nanatiling nakaupo si vice habang pinag mamasdan siya.

"Ang ganda nya no?" tanong ni vhong sa kanya bago i pat ang balikat nito. Tumango lang naman sya habang hindi naaalis ang kaniyang tingin kay karylle.

"Ang blooming mo naman, girl!" rinig nyang bati ni anne dito. Hindi nya rin masyadong makita dahil nahaharangan ito nina billy, teddy at jugs kaya hinayaan na lang nya.

Tumayo sya at kumuha na lang ulit ng alak.

Kumukuha sya ng food nang may lumapit sa kanya.

"Vice" mahinang banggit nito sa kanyang pangalan pero sapat na para marining nya yun.

Nilingon nya ang babae at bahagya nya itong nginitian.

"Hi, Ana Karylle" pag banggit nya sa buo nitong pangalan. Ngumiti ito pabalik. Nag aalanganin pa sana ito na i-beso sya ngunit agad nya itong hinawakan sa bewang para hapitin at hinalikan sa pisngi.

Napatingin rin sya sa tyan nito bago nya titigan si karylle, "kaya pala ang ganda mo lalo ha. Congrats, karylle."

Hinawakan ni karylle ang kanyang tyan bago ito haplusin ng bahagya, "thank you vice. I am three months pregnant.... Merry Christmas" alanganin nyang pagbati kay vice sa huli.

Maluha luha pa ito habang nakatitig sa kanya. Binitawan nya ang hawak nyang plato bago nya hapitin palapit si karylle at kulungin sa kaniyang bisig.

"Huy, buntis. Wag kang umiyak. Sabihin ng inaanak ko, inaaway ko ang mommy nya." bahagya syang tumawa para kahit paano matawa si karylle sa kanya.

"Nakakainis ka!" bulalas ni Karylle at bahagya syang hinampas. Tumatawa ito ngunit pumatak ang kaniyang luha.

Napatingin naman si vice sa paligid. Busy ang kanilang mga friends sa pakikipag usap, ang iba ay kumakanta kaya naman hinila na nya si Karylle palabas ng venue.

Inalalayan nya ito, hawak nya sa kamay at inaya sa likuran ng kaniyang sasakyan.

"Bakit mo ko dinala dito?" Karylle. Kahit naka long dress ito, umupo pa rin ito sa likuran ng sasakyan at tinitigan si vice.

"Gusto lang kita makausap. Gusto lang kita kumustahin. It's been three years, ana karylle." nakangiting sabi ni vice sa kanya bago hawakan ito sa pisngi. Ni-rub rin niya ang kaniya thumb sa pisngi nito ng marahan.

"Three years simula ng huli kitang matitigan ng ganito at mahawakan, pero still ang ganda mo pa rin. How are you now, kurba?"

Kurba

Yan ang madalas na itawag sa kaniya ng dati niyang asawa.

"Vice, I am sorry." Karylle. Tuluyan na pumatak ang kaniyang luha habang nakatitig kay vice.

Niyakap nya ito at humikbi sa balikat.

"I badly miss you, vice. I missed you so much."

Hinayaan na lang ni vice na yumakap ito sa kaniya habang hinahaplos nya ang buhok nito, panaka-panaka nya rin hinahalikan ang noo ng dati niyang asawa.

"I missed you too, kurba ko. But you have to free yourself from what happened to us. I am okay now, karylle." tinitigan nya ito bago punasan ang luha nitong pumapatak gamit ang kaniyang thumb.

"Hindi ko lang kasi alam kung paano mo ko nahaharap ng ganito after what I did. And alam mo bang nag aalanganin akong mag greet sayo ng merry Christmas, because that was the day na tinapos ko yung pagsasama natin."humihikbi ito habang nakatitig sa kaniya. Sobrang emosyonal talaga kapag buntis.

"I started hating christmas celebrations, karylle." Vice.

Wala pa man kasunod ang kaniyang sasabihin, lumakas naman ang iyak ni karylle. Napangisi tuloy siya dahil doon hanggang sa tuluyan syang napa chuckle.

She's cute.

"But two years ko lang naman na-hate. Ito naman. Nakita na kita ngayon, and I am happy na makita kang masaya. I am willing to celebrate christmas again dahil sa'yo. Tama pala ang desisyon kong pakawalan ka na. And I am happy na okay ka,magkakaroon ka na ng baby, karylle."

Christmas eve three years ago, nilapag ni karylle ang annulment papers sa kanilang kama. It supposed to be a happy moment for the both of them.

Hindi makapaniwala si vice sa nakita nyang papel na nasa kanilang kama. Tinanong nya kung bakit ito nagawa ng kaniyang asawa.

And karylle said that she's not happy with him anymore. Hindi na sila katulad ng dati dahil halos araw araw na silang nag aaway.

It was unfair for vice. Bakit nga ba ang bilis siyang sinukuan ni karylle? Gayong sya hindi naman napagod na intindihin ito.

Ayaw nga sana nyang pirmahan ang annulment papers but karylle said na pakawalan na sya. Mahal na mahal sya ni vice. Pero kung hindi na ito masaya, ayaw na nya itong pahirapan.

Kaya kahit mabigat sa kaniyang kalooban, ginawa nya.

"I am sorry if that was our memory last Christmas." Karylle. Hinalikan ni vice ang noo nito bago nya ngitian.

"Okay lang. Pwede naman tayo mag celebrate ng Christmas ngayon na masaya tayong pareho." hinawakan nya ito sa kamay at inalalayan na bumaba.

"Thank you so much vice. Next time, isama mo yung mga babies mo dito sa Pinas. I want to meet them.. and of course your partner Liz"

Nginitian nya si karylle bago ito tanguan.

"Sure kurba. Para makita nila yung tita nilang maganda!"Vice.

Nauuna si vice maglakad habang sya nagpapahila. Nakatalikod ito sa kanya ngunit hawak pa rin ang kaniyang kamay.

Tumawa si karylle kasabay ng kaniyang pag luha.

Hindi naman nya makikita na umiiyak ako.

Na miss kita.

Sobra.

"I wish this will be a perfect Christmas for us" banggit ni karylle.

Lumingon sa kaniya ito bago sya ngitian, "It will be a perfect Christmas for us tonight, karylle."









A/N:
AY NAKO PO AHAHAHA

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now