NATATANGING LIHAM

84 5 4
                                    


ANA

Kumusta na kaya si Jose? Dalampung taon na rin ang lumipas magmula nang huli kaming magkita. At sa loob ng dalampung taon na iyon, wala akong ibang inisip kung hindi siya.

Matagal rin kaming palihim na nagkikita at nagpapadala ng sulat sa isa't isa. Hindi namin lubos na maipakita at maipahayag sa ibang tao ang aming nararamdaman dahil mahirap ang sitwasyon naming dalawa.

Hanggang sa nabunyag na nga ang aming lihim. Nalaman ng aking ama ang lihim naming pagkikita.

Ilang beses niyang pinatunayan kay papa na handa siyang mahalin ako ng buong buo at puro ang intensyon at pagmamahal niya sa akin. Ngunit ganoon pa man, hindi naging madali ang lahat. Hindi siya tanggap ng aking mga magulang sapagkat siya ay isang utusan at magsasaka lamang sa aming hacienda.

Isang sampal noon ang natanggap ko mula sa aking ama at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang hapdi nang paglapat ng kaniyang palad sa aking pisngi.

Pina alis sa hacienda si Jose, ngunit nag sabi ako na palihim pa rin kaming mag uusap gamit ang liham na patago naming ipapadala sa isa't isa. Ngunit ako ay wala nang natanggap na kahit isa. Nalaman ko na lamang, ang aking ama ang lahat ng nakakatanggap ng mga iyon pati ang aking ina.

Hanggang sa nalaman kong nag dadalang tao pala ako. Labis labis ang pag tulo ng aking mga luha mg araw na yon. Gusto kong malaman ni Jose na magkaka anak na kaming dalawa, subalit paano?

"Pumili ka, Ana. Kaming pamilya mo o yang anak ng lalaking yon?!" Sigaw sa akin ni papa. Pinigilan siya ni mama noong mga araw na yon dahil umaalingawngaw sa buong kabahayan ang kaniyang boses.

"Anak mo si ana, Modesto! Huwag mong ganituhin ang anak mo!" Mama.

"Pumili ka, ana." Papa.

Parang kumirot ang puso ko noong mga oras na yon. Hinawakan ko ang aking tiyan at hinaplos iyon.

"Hindi ko kayang pumatay, papa." Patuloy ang pag tulo ng mga luha ko habang sinasabi ko iyon. "Mahal ko kayo, hindi ko maatim na kumitil ng isang walang muwang, papa."

"Ngayong pinili mo ang anak ninyo, wala ka nang babalikan sa pamamahay na ito." Papa.

Tumingin ako kay mama ngunit alam kong wala rin siyang magagawa upang tulungan ako. Pinabalik niya ako sa Heidelberg at pinutol niya ang koneksyon ko sa kanila. Ngunit bago pa ako maka alis sa aming mansyon, si tiyang amy ang nakatanggap ng liham at palihim niya iyon na nilagay sa aking mga gamit. Nabuklatan ko na lamang iyon ng ako ay nasa Heidelberg na.


Mahal kong Ana,

       Kumusta ka na? Matagal na akong sumusulat ng mga liham para sa iyo. Ako ay nag aalala kung ang mga ito ba ay iyong natatanggap at binabasa. Sabik na sabik na akong makita kang muli. Kung pwede lamang tayong magkita at hindi ka mapapahamak ay agad kitang pupuntahan. Pasensya ka na kung ikaw ay iwan at talikuran ko, ngunit bago ko yon gawin ay alam kong alam mong ginawa ko ang lahat upang ipaglaban at patunayan ko kay don Modesto kung gaano kita kamahal. Patawad mahal ko kung hindi ko matapatan ang ama mo sa yaman at dakilang hampas lupa lamang ako. Marahil ay tama si don Modesto na hindi ako ang nababagay sayo, sapagkat ano nga ba ang maipapakain ko sayo gayong isang kahig isang tuka lamang ang buhay ko? Ingatan mo palagi ang iyong sarili, umaasa ako na muli pa tayong magkikita at magkakasama. At pinapangako na sa ating muling pagkikita ay maayos at marangya na rin ang aking buhay. Baka sa panahon na yon ay tanggap na ako ni don Modesto para sayo. Mahal na mahal kita, Ana. Hanggang sa muli nating pagkikita. - Jose


Hanggang ngayon ay nakatago pa rin ito sa akin, at sa tuwing naaalala ko sya ay bumabalik sa aking alaala ang mga panahon na magkasama kami at masayang nagkikitang palihim sa aming hardin sa hacienda. Maayos rin kaya ang lagay niya?

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon