HAPPIER

399 7 1
                                    

Kanina pa ako nakasunod ng pasimple sa isang tao. At ikaw yon. Alam kong hindi magandang eksena ang makikita ko pero pinilit ko pa rin ang aking sarili na sundan ka.

Nakita kita na huminto sa tapat ng isang bar. Hininto mo ang iyong sasakyan at tuluyan kang pumasok roon. Kaya ang ginawa ko sumunod na rin ako sayo ng pasimple. Nasa bungad pa lang ako ng bar ng makita kitang may ka kwentuhan. Actually nag bubulungan nga kayo at nakita ko kung paano ka tumawa.

Napasaya ka na naman niya.

Ganitong saya yata ang hindi ko na maibibigay sayo.

Nakita ko rin kung paano mo siya titigan. Ganoon yung titig mo sa akin noon, noong babago pa lang tayong dalawa.

Ngumiti ako at bumuntong hininga bago ako lumabas ng bar. Sa pag talikod ko ay ang pag patak ng luha ko. Pumasok na ko sa sasakyan at nag drive na paalis.

Pagkabalik ko sa bahay, pumasok ako sa kwarto. Napa hawak ako sa bawat sulok ng ating kwarto, lahat dito may alaala. Yung mga moments natin together na parang hindi na madadagdagan pa.

Tumingin ako sa phone ko, nag riring. Tumatawag na si ate sa akin.

"Hello ate?"

"Vice, nakapag decide ka na?"

Kinuha ko yung brown envelope na nasa ilalim ng damit ko. Pinakatitigan ko yon at bumuntong hininga.

"Yes ate, I am ready. Ibibigay ko lang to sa kaniya para ma process na. Uuwi na ako dyan ate."

I hanged up the phone call at binuksan ko ang brown envelope na hawak ko.

Divorce papers.

Pinunasan ko yung luha ko bago ko natawa ng mahina. Before, hawak lang namin marriage contract. And now I'm holding this fucking divorce papers.

Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para mapasaya ka, but I guess hindi pa rin enough yon. May hinahanap ka na isang bagay na hindi ko maibibigay sayo.

At hindi ko alam kung ano yon.

Pumunta ako sa kabilang kwarto at nakita ko ang bunga ng pag mamahalan natin..

Si Tala. Tuwang tuwa ka pa dati ng tawagin kong Tala ang anak natin dahil alam mo kung gaano ko kamahal ang stars. Siya kase yung dahilan ko sa lahat ng bagay, syempre ikaw rin. Asawa kita eh.

Pero habang tumatagal, nawawala na ako sa plano mo sa iyong buhay. Hindi ka na rin malapit sa anak natin.

Hinalikan ko si Tala si noo bago ko ayusin ang kaniyang kumot.

Hinintay kitang makauwi, habang ako nasa terrace at umiinom ng tsaa. Ilang oras pa akong nag hintay hanggang sa igarahe mo na ang iyong sasakyan.

Lumapit ka sa akin at ngumiti lang. Wala na yung kumustahan at kiss sa tuwing uuwi ka. Sumunod ako sayo hanggang sa mapunta tayo sa kwarto.

"Karylle, gusto mo pa ba akong nandito? Gusto mo pa ba ako maging asawa?"

Tumingin ka sa akin at nilapitan ako, "Vice.."

"I don't have time for your lies, Karylle. Now tell me, sinong mas mahal mo? Ako o si Christian?"

Hindi ka kaagad nakasagot sa akin sa halip na yumuko ka.

"Vice.."

"Ako ba o siya?"

Tumitig ka sakin at hinalamos mo ang iyong kamay sa iyong mukha, "I love Christian more than you. I'm sorry."

Alam mo yung masakit? Ako yung asawa mo, ako yung nag tanong sayo kung sino ba ang pipiliin mo. Pero sya pa rin pala ang panalo.

Ngumiti ako sayo at hinalikan ka sa noo, "I am happy for you. Atleast, masaya ka na."

Kinuha ko na yung brown envelope at lumapit ako ulit sayo, "Para mas maging masaya ka na sa kaniya, just sign this divorce papers. After this, aalis na kami ni Tala."

Nakita ko yung gumuhit yung sakit sa mga mata mo, at alam kong ganoon din ako. Ayaw kitang iwan dahil ikaw yung kasiyahan ko, pero iba naman ang dahilan ng mga ngiti mo. Mas masaya ka kasama sya.

"Bakit naman pati yung anak natin? Vice, si Tala na lang yung matitira sa akin."

"Napag usapan na natin to K diba? At ako ang pinili ni Tala ng tanungin siya sa korte. K, pinilit ko na ilapit sayo ang anak natin.. maging malapit sayo sng loob ng bata pero patuloy mo lang nilalayo. Ngayon gusto mo na iwan ko si Tala sayo? No. I can't do that. Mahal ko ang anak ko kaya ko ginagawa to. "

Hinawakan mo ko sa magkabilang pisngi at nag patuloy ka sa pag iyak, nilapit mo ang noo mo sa aking noo kasabay ng iyong pag pikit at pag hikbi.

" I'm sorry. Noong kinasal tayo, may alinlangan ako noon. Pinilit kong kalimutan siya vice, maniwala ka sakin. Pero hindi ko magawa. Natakot before na baka iwan mo ako, and now nangyayari na."

Nilayo kita sa akin habang hawak ko ang iyong braso.

"Hindi mo ako minahal?"

"Minahal kita! Pero mas mahal ko siya. Natatakot lang ako na aminin sayo dahil iniisip ko si Tala, lalaki siya ng magkahiwalay tayo, pero ngayon mukhang magkakakatoo na."

Pinunasan ko ang luha ko, "alam mo mahal kita. Minahal kita ng totoo karylle,, pero hindi pa rin pala sapat lahat ng ginawa ko para sayo. Yung totoong pagmamahal ko sayo, hindi naman pala nasuklian ng lubusan. Masaya ako para sayo. Pero mas masaya ako kung ikaw yung kasama ko."

After mong pirmahan yung divorce papers, pumunta na kami ni Tala sa ibang bansa para manatili doon. Para maging masaya ka na, ginawa ko yon para makasama mo ng tuluyan ang totoong taong mahal mo. Pakiramdam ko nakulong ka sa isang marriage na hindi ka naman sumaya, yung para bang preso ka lang. Yung wala kang magawa kundi mag hintay kung kailan ka papalayain.

Isa pang dahilan, pinalaya kita dahil may sakit ako. Hindi ko lang sinabi sayo dahil wala naman ng saysay. I'm suffering from depression and I have a cancer.
Siguro kapag nabasa mo ito, wala na ako sa mundo. Wala na ako sa buhay mo.

Pasensya na karylle ha? Sa mga dinulot ko na sakit sayo. Mamimiss kita, kurba ko. Wala eh, ikaw pa rin ang tinitibok nitong puso ko. Ikaw pa rin ang mahal.

Kailangan ko na magpahinga kurba. Mahabang pahinga, mahimbing na tulog. Mag iingat ka lagi, mahal ko.

-Vice, Jan 14,20**













Pumapatak na ang luha ko habang binabasa ko ang kaniyang sulat three years ago.  Hindi pa rin ako makapaniwala na wala siya.

At aaminin ko ang tanga ko para lokohin at iwan ko siya. Ang tanga ko dahil mas pinili ko ang sarili ko kaysa sa kaniya na walang iba kundi patawanin at pangitiin ako.

Wala na, hindi na rin naman ako masaya. Iniwan na rin naman ako ni Christian, may anak na siya ngayon.

Habang ako? Araw araw ko binibisita ang kaniyang puntod. Namimiss ko na rin ang anak ko, hindi niya rin ako kinakausap. Galit siya sa akin.

Hinaplos ko ang kaniyang lapida at binakat ko ang kaniyang pangalan.





"And now I realized that you are my true happiness, pogi."



ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now