UNFAITHFUL LOVE

242 4 2
                                    

It started with full of love, sincerity and trust. But what happened now?

Vice and karylle were married for five years. They have two children. Ilang taon rin namang nanligaw si vice dito bago sya sinagot at naging mag kasintahan ng limang taon bago sya nito ayain na magpakasal.

Pakiramdam nila kilalang kilala na nila ang isa't isa. Sa limang taon na pagsasama nila, wala silang naging masyadong mabigat na problema. Kung meron man, pareho naman nila itong nasosolusyonan. Pareho silang may tiwala sa isa't isa.

Ngunit hanggang sa una nga lang ba masaya ang lahat?

Isang architect si vice kaya kadalasan wala siyang oras sa kaniyang asawa. Kung may pagkakataon na makakabawi sya, isang araw lang. At sa isang araw na yon minsan may trabaho pa rin siyang ginagawa.

"love, birthday naman ni abby sa monday. Pwedeng mag out of town tayo?" tanong ni karylle habang nag seserve sya ng food nila ngayong dinner. Si vice naman nakatutok pa rin sa screen ng laptop at tumantango ito.

"Yes love, pwede naman. Mag papa-book na ako mamaya." sagot nito sa kaniya bago sya ngitian at binalik ang tingin sa laptop. Agad naman na lumapit si karylle sa kaniya at hinalikan sya sa pisngi bago niyakap.

"aww daddy thank you. I'm sure abby will be happy."

"anything for our abby and grey." hinawakan nya ang kamay ng asawa at hinalikan yon.

"dinner na daddy? tawagin ko yung kids."sabi ni karylle bago ngitian si vice. Umiling naman ito bago isara ang laptop at harapin sya. Pinaupo sya nito sa lap bago paglakbayin ang kamay sa katawan ng asawa.

"turning five na si abby, si grey three years old na..." nagpapahiwatig na sabi nito sa kaniya habang nakangisi. Napa chuckle naman si karylle dahil parang may gustong gawin ang kaniyang asawa.

"ano ang gusto mong sabihin, love?"

"I think it's time for baby number three?" binuhat naman sya agad ni vice kaya bahagya syang napatili. Dinala naman siya ni vice sa guest room sa first floor at nilocked yon.

"baka dumating doon yung kids at hanapin tayo, love." saad ni karylle kahit na naka palupot sa batok ng asawa niya ang kaniyang mga braso.

"may angels naman, pwede sila asikasuhin doon. " napatawa na lang si karylle dahil mukhang hindi magpapa awat ang asawa niya. Inalis nya ang suot na glasses ni vice bago halikan ito.

"take me now, love." karylle






Sunday morning.

"daddy?" malambing na pag tawag ni karylle kay vice bago ito yumakap sa bewang. Kunot noo naman na tumingin sa kaniya si vice at tinitigan sya.

"yes love?"

"Pupunta lang ako sa restobar natin and then didiretso ako sa outlet ng adidas." paalam niya rito habang hinahaplos ang buhok ng asawa.

"okay mommy, ingat ka." hinalikan sya ni vice sa labi kaya tinugon naman niya ito. Pagkatapos noon ay nag asikaso na din agad si karylle at lumabas ng kanilang bahay. Gamit niya ang sasakyan ng asawa bago tumungo sa restobar.

Kinumusta niya muna ang mga sales at nag tagal doon ng ilang saglit dahil tinitignan pa niya ang mga alak na ipapa dala sa kanila dito sa Pilipinas.

Pagkatapos noon, pumunta sya sa outlet ng adidas at tumingin ng mga sapatos. Nangako kasi sya kay abby na bibilhan nya ito ng sapatos ulit at shirt. Nakuha ni abby at grey ang pormahan ng daddy nila sa pag dadamit.

"Sorry miss" saad ng isang lalaki matapos mabunggo si karylle at nahulog ang mga dala nitong paper bags.

"Ah okay lang." sagot ni karylle bago ito ngitian. Tinulungan rin sya ng lalaki na pulutin ang mga pinamili niya na nahulog.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now