HIS WIFE

168 10 5
                                    

Kanina pa nakatayo si vice sa gitna ng dressing room nilang mag asawa. Pinag mamasdan niya ang wedding gown na nasa kaniyang harapan. Pangiti ngiti pa sya habang nakatitig dito.

Maya maya pa ay nakaramdam na sya ng presensya at tumabi sa kaniya. Nilingin niya yun at mas napangiti pa sya.

"Pinag mamasdan mo na naman yang wedding gown ko." Si Karylle, ang kaniyang asawa.

"Syempre naman. Ang ganda mo kaya lalo noong araw ng kasal natin. Hindi ko malilimutan yun no. Isa yun sa pinaka the best na aras para sakin." Saad ni vice habang naka cross arms at napapangisi pa.

Tinignan nya ang nasa tabi niya at naka ngiti rin ito habang tumatango.

"Ako rin. Pinakasalan ko ang taong mahal na mahal ko, at ikaw yon. Hindi ko rin akalain na ganoon kaganda ang kasal na ipapa experience mo sakin. Iniisip ko nga ang ginastos mo habang naglalakad ako palapit sa altar." Saad ni Karylle habang tumawa. "Hahaha joke lang!"

"Wala naman yun sa akin. Pwede naman mag trabaho pa, pera lang yon. Yung kasal minsan lang tska ikaw na yan. Hindi ako magtitipid kung para sa'yo naman." Sagot niya sa asawa niya.

"Na feature tuloy tayo sa magazine. Gumastos ka ng 25M for our wedding!" Kasunod noon ay ang kanyang pag tawa. Hindi naman mapigilan ni vice na hindi sabayan ang tawa nito. Gustong gusto niya yun marinig, masarap pakinggan. At hindi niya maiwasan na hindi ito pag masdan kapang ngumingiti o kaya kapag tumatawa.

"Wedding anniversary na natin bukas. Our 4th wedding anniversary." Saad ni vice at muling tinitigan ang wedding gown na nasa harap niya.

Humilig naman sa kaniya ang asawa kaya napapikit sya at ngumiti.

"Happy anniversary, love. Mahal na mahal mo ko 'no?" Proud na sabi ni karylle sa asawa habang nakangiti.

"Oo." Walang alinlangan nyang sagot. "Kung dati sa mga past relationships ko, gago at siraulo ako.. sayo hindi. Kusa akong nagbago at nagpakatino para sayo. Iba yung pagmamahal ko sayo e. Sabi ko last ka na kaya seseryosohin kita. Sayo na ako magsesettle, ikaw na yung gusto kong makasama habang buhay and we made it, love."

"Mmp. Ayaw mo ba akong palitan?" Tanong niyang muli sa asawa.

"Love parang ano naman to! Hahaha wala akong balak na palitan ka." Unti unting nag crack ang boses nya habang nagsasalita sya.

" Nangako akong hindi kita iiwan diba? Kaya nga tayo kinasal e. Yun yung nasa vows nating dalawa." Pumatak ang luha nya ngunit hindi na nya yun pinansin pa.

"Pwro iba na ang sitwasyon ngayon. Sabi ko naman sayo huwag ka na magtiis pa sa ganito diba? Bakit ka ba nag sstay sakin. Papayagan naman kita mag mahal ng iba." Sagot ni karylle habang pinag mamasdan ang asawa,

"Hindi naman ganun kadali yun. Hindi ganun kadali na humanap ng ipapalit sa'yo. Wala namang makahihigit sa'yo, love." Pinunasan nya ang kaniyang luha at tumitig sa wedding gown na nasa harapan nya.

"Halos taon taon na lang ganyan ka. Ayaw kong nahihirapan at nalulungkot ka. Marami pang iba dyan, Vice. Payag akong magmamahal kang iba."

"Hindi ka naman sila." Katwiran nya sa asawa.

"Ang unfair ko lang kasi. Iniwan kitang mag isa." Mahinang sabi ni karylle sa kaniya. Pumikit si vice at muling pumatak ang luha niya.

"You are not unfair, love. Pareho nating hindi gusto ang nangyari." Humihikbing saad ni vice sa kanya.

"Love, I swear. I fought. Pero hindi ko kaya. Ayaw kitang iwan nun, magsisimula pa lamang tayo at marami pa kong pangarap para sa ating dalawa."

"I know, love. Please huwag mo naman sisihin ang sarili mo.. hindi kita sinisisi. Aksidente yun mahal."

Rinig ang hikbi sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon. Sa kanilang dressing room.

"Thank you mahal. Palagi ka pa rin nandito sa bahay na ito at hindi ito pinapabayaan. Thank you kasi kahit ilang beses kong sinasabi sayo na palitan mo na ako, hindi mo pa rin ginagawa. Thank you kasi mabuti kang asawa. Thank you dahil kahit alam kong minsan nalulungkot ka... nandito ka pa rin.. iniisip mo pa rin ako. Thank you and I love You so much." Saad ni karylle at niyakap ang asawa.

Ramdam na ramdam naman ni vice ang yakap na yun kaya lalo syang naluha.

"Huwag ka na malungkot, love" sabi ni vice at tumitig sa asawa.

"Paanong hindi ako malulungkot. Tuwing anniversary natin. Nakatitig ka sa wedding gown ko habang ako nandito pero bilang kaluluwa na lang."

Isang tipid na ngiti at tumango si vice, "sana pala isinama mo na lang ako noong namatay ka." saad nya kay Karylle.



---------
A/N:
short ud na muna! Hehehe! Do vote and comment. Thanks!

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now