VLOG3: MUKBANG & PRANK W/ ZEINAB

525 12 2
                                    

Matapos mag trending sa showtime ang pagiging tumpak tracer ni Zeinab Harake, ay nagkaroon ng tinatawag na ZeibRylle.

"What's up Zebbies. And I'm back again and again and again and again and AGAIN!"

"So for today's video gagawa tayo ng panibagong hah! Hah! Hah!.. VIDEO!"

"so for today's video gagawa tayo ng panibagong video at ang video at itong gagawin natin ay..."

Bago pa niya ituloy ang kaniyang sasabihin, ay may dumating naman sa tabi niya. Medyo halata na ang bump nito.

"Hello mga bibi ko! Welcome back to our channel!" pag iintro rin nito habang kumakaway sa cam. Si Karylle.

"Hi ate!" bati ni Zeinab bago mag beso sila ni Karylle.

"hi! I'm so happy na mag ka collab tayo sa vlog!" sabi ni karylle habang hinahaplos ang kaniyang bump.

"Ako rin ate. Ang ganda ganda mo, ang ganda mong buntis. Pero ako kasi hindi pa man buntis, maganda na rin. Char!" Zeinab. Pareho silang natawa ni karylle at inakbayan nya ito.

"Pero ate ang ganda mo talaga. Alam mo ba, napapa titig pa rin ako sayo kapag nakikita kita." naka ngiti ito habang naka titig nga kay karylle. Napa kurap naman ang isa at natawa sa kaniya.

"Thank you, pero maganda ka rin. Vice knows how much I love watching your vlogs. Minsan pinapaulit ulit ko ng panoorin hanggang abutin ako ng midnight tapos babawalan nya ko kasi bawal sakin ang mag puyat, because I am pregnant." Karylle.

"Aww, thank you so much ate. Pero mas makinig ka kay meme vice. Bawal mag puyat ate. Nasaan pala sila ni joseph?"

"nasa kwarto pa silang mag ama, nag papaliguan pa. Kakatapos lang nilang maglaro ng basketball sa backyard." naka ngiting sabi ni karylle sa kaniya.

"Oh, kaya pala. So ate ano nga ulit ang gagawin natin ngayon?" sabi ni Zeinab.

"so for todays video, ang gagawin natin ay Mukbang sea food plus prank!" medyo pasigaw na sabi ni Karylle dahil baka marinig siya ng kaniyang mag ama.

"So eto nga, tinawagan ako ni ate karylle noong isang araw. Ang sabi niya mag cocollab kaming dalawa, tapos ipprank namin si meme vice. Mag kukwentuhan kami about sa pag bubuntis niya, tapos doon papasok yung prank."Zeinab. Tumingin siya sa mga crab, hipon at kung ano ano pang sea food na naka hain sa table.

"alam mo ate dalawang araw na kong hindi kumakain, kaya ng makita ko to sobra na kong gutom. Hindi muna ko mag ddiet. Sasamahan talaga kitang kumain."Zeinab. Natawa si Karylle at naupo na silang dalawa.

"You need to eat na. At lagi kang pupunta dito ha pag wala kang ginagawa or you're not busy. Bonding tayo." Karylle. Tumango naman si Zeinab na busy sa pag himay ng hipon.

Narinig naman si Karylle ang boses ni Vice na hinahabol si Joseph na kanilang anak.

" Nandito na yung mag ama ko."Karylle. Tinapat naman ang cam kay Vice na inaayos ang buhok ng anak bago ipakuha ito isa sa mga angels nila.

"So we have our guest, at walang iba kundi ang aking asawa na si Vice Ganda!" pag iintro ni karylle dito at lumapit naman si Vice. Nakipag beso muna ito kay Zeinab bago halikan ang asawa sa labi ng mabilisan.

"Nakaka sana all kayo no? Sana all!" Zeinab.

"Alam nyo, ma oop ako dito. Ate, re sched na lang natin to. Hahanap muna ko ng jowa! Char!" Zeinab.

Tinawanan siya ni Vice at naupo na ito sa gilid ni Karylle. Kumuha na rin ito ng seafood at nag simula ng kumain.

"So ate, kailan nag simula na maging real ang vicerylle? Alam nyo ngayon ko lang nalaman na kaya pala ang dami nyong babies kasi nakaka kilig pala talaga kayo no? Lalo na yung harapan. Sobra kayo." Zeinab. Kumakain na nga talaga ito. Totoo ang sinabi na kakain siya ng marami.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now