LEAVES

192 7 1
                                    

Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until you learn to forgive



Una kitang nakita noon sa business trip. Nasa same hotel tayo habang ikaw nasa harapan at tumutugtog ng isang piano. Naka suit ka, naka bow tie. Ang pogi mo nga eh.

Aaminin ko, naging crush kita ng mga oras na yon. Parang gusto ko na lang sabihin sa ama ko na hindi na trabaho ang pinunta ko doon kundi ikaw na lang.

Kahit noong magkausap tayo, nakatulala lang ako at napapa oo na lang ng basta. Napatitig kasi ako sayo, nagandahan ako sa mga mata mo pati kung sa paano ka ngumiti. Naka dagdag pa ang pag hawak at pag inom mo ng wine na nasa glass.

"Miss Tatlonghari" pag tawag mo sa pangalan ko kaya naman medyo napatulala na naman ako.

"May meeting tayong dalawa bukas in Tala's Hotel. 8 am sharp. Ayaw kong makupad ang kilos, naintindihan mo ba?"

"Yes, sir Viceral."

Akala ko talaga masungit ang katulad mo. Pormal kung manamit at mag salita. Pero pagkatapos ng meeting natin, nakikita na kitang tumawa, inaya mo pa akong kumain ng streetfood na akala ko hindi mo kailanman tinikman.

"So may business ka?" tanong mo sakin noong nag ddrive ka na ng sasakyan. Dapat hindi ako nakasabay sayo, pero sabi mo ipapakuha na lang ang sasakyan ko at samahan kita sa pupuntahan mo.

"Wala. Pero daddy ko meron. Busy lang sya ngayon kaya ako ang pina attend nya sa meeting nyo." nginitian kita at nakita ko ang iyong pag tango.

Hindi rin nagtagal dahil niligawan mo ako at sinagot rin kita after four months. Nakita ko kung paano ka matuwa noon. Tumalon talon ka pa at halos hindi ako makahinga sa higpit ng pagkakayakap mo sa akin.

Masaya akong makita kang masaya, mahal ko.



"Love, positive." sabi ko sayo na may halong kaba habang nilalapag ko ang dalawang pregnancy teat na ginamit ko.

Narinig ko yung pag sigaw mo bago mo ko niyakap muli.

"Oh ghad, love! I love you so much" hinalikan mo ako sa noo nago mo ko niyakap muli.

Ngunit taliwas sa kasiyahan mo ang nararamdaman ko.

"Hindi ka ba masaya? Magkaka baby na tayo, love." sabi mo sa akin habang hawak mo ang aking magkabilang pisngi.

"Hindi pa ako ready, vice. Hindi ko alam kung magiging mabuti ba akong ina sa kaniya."

Tinitigan mo ako at nginitian, "Hindi ko rin alam maging mabuting ama, love. Pero susubukan ko. Gagawin ko para sa kaniya. Hindi naman kita papabayaan, trust me."

Napawi yung agam-agam ko dahil sa sinabi mo, napanatag ako. Kung kanina magulo ang isip ko, ngayon hindi na. Mabilis mo akong napakalma.

Sinabi natin sa parents natin na magkaka baby na tayo. Grabe yung tuwa nila noong malaman nila yon, and in just two weeks kinasal na tayo.

Na feature pa tayo sa magazine dahil masyadong magarbo ang kasal natin. Ano ba ang expect nila diba, mayaman ang pamilya mo at ganoon din ako.

Palapit ako sayo, pero naririnig na naman kitang tumutugtog ng piano. Kaya hinayaan muna kita, at kumanta ako. Sinabayan ko yung pagtugtog mo.

Napalingon ka sakin at ngumiti kaya naman tuluyan na akong lumapit at nilapag sa table yung hot chocolate na ginawa ko.

"daddy" pag tawag ko at nag back hug ako sayo.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now