PHOTOGRAPH

433 8 0
                                    

"No! Hindi ako papayag na mag hiwalay tayo, Bea!"

"Vice, may mahal na ako, at hindi na ikaw yon."



"Brad, tara na baka nag aalala na si tita sayo." inakay na ni vhong ang kaibigan na sobra na sa kalasingan. Ilang sunod sunod na gabi na itong nagpapakalasing sa isang bar.

"Tangina navarro, bakit iniwan ako ni Bea?" inalis nya ang pagkaka akbay ng kaibigan at naglakad kahit na pasuray suray pa ito.

"Ginawa ko naman lahat ng kaya ko diba? Brad, pinaglaban ko sya sa pamilya nya.. ngayon kung kailan okay na ako, tanggap na ko ng pamilya nya para sa kaniya doon naman sya mang iiwan."

Noong una, hindi matanggap ng magulang ni Bea na nanliligaw sa kaniya si Vice. Ngunit nakumbinsi nga nito ang kaniyang mga magulang, at doon nila nalaman na mabait pala ito at palabiro. Nakita rin nila dito ang pag aasikaso kay Bea.

Hindi naman na sumagot si Vhong at hinayaan na lamang na ilabas ang sama ng loob nito.

"Tangina. Sya pa lang ang sineryoso ko sa mga naging babae ko. Hindi siya basta babae ko lang Vhong. Alam mo naman yon diba?"

"Oo, oo alam ko yon brad." Saksi si Vhong sa bawat panliligaw ni Vice sa ex girlfriend nitong si Bea. Inaasar pa nga nya noon ito na nagbagong buhay na daw si Vice at hindi biro ang ginagawa nito.

Nag pamulsa naman si Vice at hinarap si vhong habang naglalakad pa rin silang dalawa.

"Oh diba? Girlfriend. Girlfriend ko sya vhong, hindi sya basta babae ko lang. Tangina. Sayang yung four years namin oh. Tinapon nya yon ng ganon ganon na lang."

"Tangina talaga. Mabuti na lang di siya nag oo nung mag propose ako sa kaniya, sayang na yung pinang bili kong singsing, baka nasayang pa yung ginamit kong pera sa kasal namin." natawa na lang siya sa mga sinasabi niya.

Nag propose na siya kay bea, inaya nya na itong magpakasal ngunit tinanggihan siya nito. Nasaktan sya, ngunit hindi nya pinilit ito at mas nag focus na lang sila sa kanilang relasyon.

Hanggang sa naghiwalay na nga silang dalawa.

"Hahaha marami pa namang iba dyan, malilimutan ko din naman sya."




"Brad, hinihintay ka na namin dito nasaan ka na ba?" tanong ni vhong mula sa kabilang linya.

"Kakagising ko lang. Galing akong bar kagabi."

"Brad inom na naman? Bilisan mo, naiinip na si Billy dito." Vhong.

"Navarro, sa totoo lang ayokong sumama ngayon sa reunion. Alam mo naman yung nangyari dati.." Walang gana niyang sagot.

"Brad, matagal naman na yon tska nasa states na sya hindi ba? Matagal na siyang hindi nakakasama sa atin. Bilisan mo na, si Jhong kanina ka pa hinihintay. Namimiss ka na daw." Vhong. Narinig naman niya ang tawanan mula sa kabilang linya.

"Paki sabi sa kaniya, pakyu. Sige na, hintayin nyo ko." binaba na niya ang tawag at nagmadali ng kumilos.

Reunion nilang magkakaibigan, at sa tuwing reunion nila pumapasyal sila kung saan nila gusto. Pagkatapos mag asikaso ay pumunta na siya kina Vhong, nandoon din ang iba kanilang mga kaibigan.

"Nasaan si Anne?"tanong niya dito habang nag chcheck ng phone.

"Sa Baguio na daw natin siya imeet, nandoon na siya kagabi pa. Mukhang may jetlag si Anne." Billy.

Pagkasakay nila sa van, ay pinag patuloy ni vice ang kaniyang pagtulog. Matagal rin ang byahe, kaya matagal din ang kaniyang naging pag tulog. Pag gising niya, nasa Baguio City na silang magkakaibigan.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now