DADDY'S SECRETARY II

178 8 1
                                    

"Daddy" lumapit si viana sa ama habang si vice naman ay nakatutok sa laptop.

"Tanggap na ba si tita Karylle sa work?" nakangiti niyang sabi. Hindi niya natanong agad ang ama noong nasa kompanya pa sila.

"Hindi sya qualified bilang secretary ko, anak. Ako na lang ang hahanap ng ibang magiging secretary ko. So for now, si ate Jacque muna ang assistant ko."

Napa kunot noo naman si viana. Hindi niya alam pero naiinis sya sa tuwing lalapit ito sa daddy niya.

"Okay." Tipid na sagot ng anak bago muling lumabas ng opisina niya sa kanilang bahay at dumiretso ang anak sa kanilang rooftop.

Everyday naman halos magkatawagan sina karylle at viana. Palagi ang mga ito mag kausap at maririnig ang halakhak ni via sa buong bahay.

"May pasok na po ako sa monday, tita karylle" saad ni viana sa kanya. Mag ka video call sila ngayon at pareho silang kumakain. Si viana ay kumakain ng fries habang si karylle mula sa kabila ay kumakain ng chips.

"Gusto mo ba sunduin kita kapag hindi ako busy?" tanong ni karylle sa kanya kaya naman agad na pumayag ang bata.

Ganoon nga ang nangyari. Susunduin ni karylle si viana mula sa highschool at dididretso sila sa mall o kaya naman dinadala nya ito sa park at kasama rin nila si Finn.

Hindi naman maiwasan titigan ni karylle ang bata, alam niya na anak niya ito. Pero hindi niya maaring sabihin. Natatakot sya sa kakahinatnan.

"Nakatitig ka po sakin, tita Karylle" sabi ni viana bago sya niyakap sa may leeg at nag grin sa kanya. Nakaupo sila ngayon sa damuhan.

"Ang ganda ganda mo kaya. Maganda siguro mommy mo"

"I don't know, tita Karylle. Wala akong picture ng mommy ko. Hindi ko sya nakaugalian na itanong kay daddy kung nasaan sya. For me, daddy is enough. But if there's a chance na makilala ko ang mommy ko, I'll grab it."

Parang gusto niya sabihin ng oras na yon na sya ang mommy niya. Ngunit baka lang ilayo sa kanya ni vice ang bata.

" Tita, bakit di ka ginawang secretary ni daddy? Para diba pag nasa office ako makikita kita. Nandoon din po ako. Makakapag kwentuhan tayo, magkasama tayong dalawa. Tapos.." patuloy lang na nag kukwento ito sa kanya kaya sya naman ay masayang nakikinig kay viana.


"Via," pag tawag ni vice sa anak dahil kanina pa ito nakatutok sa phone at hindi sya kinakausap.

"Po daddy?"

"Hindi ba time ni viana at ni daddy?" tanong niya rito at umupo sa kama ng anak. Ngumiti si viana bago tumingin sa phone at pinakita ito sa ama.

"Look daddy, we're both in pajamas ni tita karylle. We are so cute diba?" tanong ng anak habang sumisiksik sa ama. Niyakap naman sya ni vice habang nakatitig sa phone  niya.

Maya maya pa ay nag kwento na si viana tungkol sa pag sundo sa kanya ni karylle sa high school at pamamasyal nila.

"Hindi mo naman trip makipag usap sa strangers, pero si Karylle nakausap mo."

"Daddy ang bait kaya ni tita karylle. Kung ayaw mo sya gawing secretary, girlfriend na lang. Papayag ako!" nakatawang sabi ni viana sa ama. Sabay na lang din silang natawa sa kalokohan ng anak.

"Ayaw mo ba si ate Jacque para sakin?"

"Iniirapan nya kaya ako. Hindi kami magkasundo kapag pumupunta ako sa office mo. Pero si tita karylle pakiramdam ko kilalang kilala ko na sya, kasi halos lagi kami magkasama. E si ate jacque hindi naman yun nag offer na mag usap kami kahit konti. Wala ako alam sa buhay nya. "mahabang paliwanag ni viana sa ama. Alam naman nya na may kadaldalan talaga ang anak.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now