Chapter 10: Fashion Emergency

7.6K 116 0
                                    

-Camie's POV- 

Tumayo na ako at lumakad papunta sa parking lot. Ayun, pagdating ko doon, nandoon na nga talaga yung car namin at nandoon naman sa loob si Kuya Jay.

Lumakad na ako papunta sa kotse. Pagkalapit ko, binuksan ko na ang pinto ng back seat at sumakay na rin ako sa loob ng sasakyan.

"Kuya Jay, kanina ka pa ba dito? "

"Hindi naman po ma'am. Medyo ngayon lang po." - Kuya Jay.

"Pasensya na kuya ha? May kausap pa kasi ako sa cafeteria kanina eh. Sorry po talaga."

"Ayos lang po ma'am. Hindi pa naman ako katagalan doon eh. Halos kararating ko lang po." - Kuya Jay.

Pagkasabi ni Kuya Jay niyon, ini-start na niya ang makina ng sasakyan tsaka pinaandar na rin niya ito.

"Ma'am, diretso na po ba tayo sa bahay niyo? " - Kuya Jay.

"Opo Kuya."

"Sige po." - Kuya Jay.

Maya-maya, naalala ko na naman ang kasunduan namin ni Luke. Haaay! Hindi talaga ako makapaniwalang pumayag ako sa pagiging alipin niya!

Pero teka, diba sabi niya may party kaming pupuntahan bukas? At formal dress daw ang isuot ko.

Wait, wala pa nga pala akong susuutin para bukas ng gabi! Ah! Alam ko na!

"Kuya Jay, daan muna pala tayo sandali sa mall nila Tita Chloe. May bibilihin lang akong damit. Kailangan kasi bukas eh."

"Ai, sige po pala ma'am. Iiikot ko lang po itong sasakyan. Lagpas na po kasi tayo doon sa unang u-turn eh." - Kuya Jay.

"Okay lang po Kuya. Di naman po ako nagmamadali eh."

 Dirediretso lang ang takbo ng sasakyan. Nang malapit na kami sa u-turn, unti-unti nang binagalan ni Kuya Jay ang takbo at nag-u-turn na din kami.

Pagka-u-turn namin, diretso na ulit ang takbo ng sasakyan. After a few minutes, nakarating din kami sa C-Mall.

Oo, C-Mall talaga ang ipinangalan ni Tita Chloe sa mall niya. C stands for Chloe. Obvious ba? Magkapatid si Mommy at si Tita Chloe.

Ini-hinto na ni Kuya Jay sa parking lot ang sasakyan. Pagka-hinto naman niya, pareho naman kaming bumaba ng sasakyan.

"Ma'am, marami po ba kayong bibilihin? " - Kuya Jay.

"Damit, shoes at accessories lang naman ang bibilihin ko Kuya. Bakit po? "

"Samahan ko na po kayo para ako na lang po magbitbit ng pinamili niyo." - Kuya Jay.

"Ai? Si Kuya Jay daw. Okay na po. Ako na lang po ang magbubuhat. Kaya ko na po yun. Konti lang naman eh."

"Eh Ma'am, baka pagalitan po ako ng mga magulang mo pag hindi kita sinamahan." - Kuya Jay.

"Don't worry kuya. Ako nang bahala doon."

"Sigurado po kayo ha? " - Kuya Jay.

"Opo Kuya."

"Sige po pala. Doon na lang po muna ako sa drivers' lounge. Text niyo na lang po ako kung kailangan niyo po ako." - Kuya Jay.

"Sige po Kuya. Bye! "

Pagkatapos niyon, naglakad na ako papunta sa mall entrance. Si Kuya Jay naman, dumiretso sa may drivers' lounge.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon