Chapter 62: Mixed Thoughts And Emotions

3.6K 57 2
                                    

-Luke's POV-

Kung Tita ni Camie si Tita Chloe, ibig sabihin, magpinsan sila ni Jessie? Pero bakit parang ngayon lang nalaman ni Camie na pinsan niya si Jessie?

"Hindi na kayo magtatagal? Matutuloy ka na ba talaga sa France?" - Tita Chloe.

Nagulat ako nang narinig kong sinabi yun ni Tita Chloe. France? Bakit naman kaya papupuntahin sa France si Camie?

"Hindi po. Actually po, isasama ko siya sa Korea. Sige, hindi na rin po kami magtatagal. Aalis na po kami." - Josh.

Mas nagulantang ako sa sumunod na narinig kong sinabi ni Josh. Magkasama silang pupunta doon?

Masakit para sa akin ang marinig yun pero kailangan ko pa ring pigilan ang sarili ko dahil hindi ko yun pwedeng ipakita sa harap ni Jessie at ng mommy niya.

Umalis na sila Camie at sigurado akong sa parking lot ng VIP sila didiretso kaya nag-excuse muna ako kay Jessie at sa mommy niya.

Gusto kong kausapin si Camie kaya sumunod ako sa kanila papunta sa parking lot kung saan naka-park siguro ang sasakyang ginamit nila.

Nang naabutan ko si Camie, agad ko namang hinawakan ang braso niya para pigilan siya sa paglakad niya. Napatigil naman siya at humarap sa akin.

"Mag-usap tayo."

"Ano pa bang dapat nating pag-usapan, Luke? Bitiwan mo nga ako." - Camie.

"Pare, may problema ba?" - Josh.

"Wala. Mag-uusap lang kami ni Camie."

"Josh, sige na, mauna ka na. Saglit lang ito. Hintayin mo na lang ako doon." - Camie.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon