Chapter 15: Not Her Party?

6.7K 122 1
                                    

-Camie's POV- 

"No. Hindi siya aalis diyan. Diyan lang siya uupo hanggang mamaya." - Luke.

Bigla na lang siyang nagseryoso nang sinabi niya yan sa babaeng hanggang ngayon ay nasa gilid ko pa rin at nakatayo. Teka nga, ano ba kasi talagang occasion dito?!

Sumagot din naman ang babae sa kanya habang nakatayo pa rin. Halatang na-iirita na siya sa mga nangyayari dahil sa expresion ng mukha niya.

"Then where am I supposed to sit?" - (Insert girl's name here).

"I don't know. Find another seat, maybe." - Luke.

"You've got to be kidding." - (Insert girl's name here).

"No, I'm not." - Luke.

"Luke naman. Para na tayong mga bata dito eh. I'm supposed to be sitting here." - (Insert girl's name here).

"And why?" - Luke.

"Kailangan ko pa bang sagutin yan?" - (Insert girl's name here).

"Of course. How will I know your reason kung hindi mo sasagutin ang tanong ko? " - Luke.

"Gosh! Party natin ito for heaven's sake!" - (Insert girl's name here).

Wait, tama ba ang narinig kong sinabi niyang "party NATIN"?! So, ibig sabihin, kasama si Luke doon sa sinabi niyang "NATIN"?! Ano ba ito? Naguguluhan na talaga ako! My gosh!

 "Really? " - Luke.

Mukha namang may pagka-sarcastic ang pagkakasabi ni Luke sa tanong na yun.

"Of course! Sino ba kasi yang b*tch friend mo at kailangan pa niyang umupo diyan sa upuan ko para samahan ka?!" - (Insert girl's name here).

Woah! As in WOAH! Anong sabi niya?! "B*TCH FRIEND"?! Wow ha! Look who's talking! Akala ko mabait siya. Ito na naman pala ako sa maling akala ko. 

Biglang tumayo si Luke sa upuan niya kaya naman tumayo na lang din ako. Napansin ko naman na nakatingin na ang mga bisita sa amin.

"JESSIE!" - Luke.

"What?!" - Jessie.

Ooookaaay? Jessie pala ang pangalan nung babae. Ito naman ako, speechless. Hindi alam ang gagawin. Nararamdaman kong basa na naman ang gilid ng mata ko. iiyak na yata ako anytime.

"Wala kang karapatang sabihan siya ng ganun!" - Luke.

"Bakit?! Totoo naman ah! " - Jessie.

"Wala kang karapatang tawagin siya ng ganun dahil hindi siya ganun!"

"Okay. Let's calm things down a bit. Konting respeto naman Luke. Please? Alam kong pinagkasundo lang tayo ng parents natin but I'm still your fiancée. And this is our party."

Umurong naman ang luha ko nang marinig ko ang sinabi ni Jessie. So pinagkasundo pala sila. Ibig sabihin, party nga pala talaga nilang dalawa ito.

My gosh! Ang kapal pa ng mukha kong umakyat dito sa stage para lang umupo!

Pero wait, bakit parang nag-aaway na silang dalawa dito sa harap? Diba dapat maayos ang trato nila sa isa't isa lalo pa't ngayong party nila?

OMG! Wag naman sana silang magkagulo dito. Hindi ko kakayanin! Ayokong madamay sa isang gulo! Never pa akong nadamay sa ganun noh!

"Kung gusto mong i-respeto ka ng mga tao, matuto ka munang rumispeto ng ibang tao." - Luke.

"Look. I'm sorry, okay? Pwede bang i-ayos na lang natin ito para naman maging maayos din itong party natin?" - Jessie.

"Wag kang mag-sorry sa akin. Mag-sorry ka kay Camie." - Luke.

Okay? Ang weird na ng mga pangyayari dito. Tignan niyo naman oh. Tinawag ba naman ako ni Luke sa nickname ko? Woah! Hindi na yata ito kayang i-absorb ng utak ko.

Tumingin sa akin si Jessie. Akala ko magtititigan na lang kami dito eh. Ang tagal kasi bago siya magsalita. Sa wakas, kumibo din siya at kinusap din naman ako.

"Camie, right? " - Jessie.

"Y-Yes."

"Sorry sa mga nasabi ko. Nabigla lang ako. Sa sobrang pressure na rin siguro. Will you forgive me?" - Jessie.

"Of course."

"Thank you." - Jessie.

Nag-smile naman siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya pabalik. Marunong naman pala siyang mag-sorry sa kabila ng pagiging harsh niya.

Pagkatapos ng short talk namin, humarap ulit siya kay Luke at kinausap ulit siya.

"So, okay na ba? Pwede na bang ituloy ang party na ito?" - Jessie.

"We don't have to." - Luke.

"What do you mean?! " - Jessie.

"Ayoko nang ituloy ang party na ito." - Luke.

"H-ha? Bakit?" - Jessie.

"I will no longer be your fiancé, Jessie." - Luke.

"What?! What are you talking about?!" - Jessie.

"Let me show you." - Luke.

Nagulat na lang ako nang hinawakan ni Luke ang kamay ko at hinila niya ito kaya naman mas lumapit ako sa kanya.

Ewan ko ba. Ang awkward ng position namin ngayon. Magkaharap kaming dalawa at magkatitigan kami.

Bumulong naman siya sa akin ng napakahina at sakto lang na ako ang makarinig.

"Makisakay ka na lang sa gagawin ko. I'm sorry." - Luke.

Pagkatapos niyang sabihin yun, nagulat naman ako sa sumunod na ginawa niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang waist ko.

Hinila niya ako palapit sa kanya and the next thing I knew, hinahalikan na niya ako. Nung una, sa sobrang pagka-shock ko, nanlaki ang mga mata ko.

Magpupumiglas pa sana ako pero sobra akong nadala at nalunod sa mga halik niya kaya napapikit na lang din ako.

OMG Camie! Get back to your senses! Mali na itong ginagawa niyo! Nasa harap kayo ng maraming tao at nasa harap din kayo ng babaeng pinagkasundo kay Luke!

After a few seconds, naghiwalay din kami. I heard the people gasp. OMG! Hindi ko kakayanin 'to! Lahat ng mga mata nakatingin sa amin.

Tinignan ko si Jessie. She's still in a state of shock. Nanlaki pa rin ang mga mata niya na parang di makapaniwala sa mga nangyari.

Kinuha naman ni Luke ang left hand ko at itinaas ito. Bigla naman siyang nagsalita.

"Guests, I would like you to meet Ms. Carlie Camryn Park, my real fiancée." - Luke.

It took minutes bago ko tuluyang naabsorb sa utak ko ang mga pangyayari. OMG! Ako?! fiancée niya?!

So kasama pala talaga ito sa plano niya kaya sinabi niyang makisakay na lang ako. I should have known!

Pero bakit kinailangan pa niyang itaas ang kaliwang kamay ko? To show na magaka-holding hands kami?

Tinignan ko na lang ang left hand ko and I realized na may nakasuot nga palang diamond ring sa kailwang kamay ko. Yung accessory na binili ko sa mall ni Tita Chloe. My gosh!

Nakita ko naman si Jessie na biglang bumaba ng stage at lumabas ng venue. Nag-walk out?! 

-----------------------------------------------------------------------------

A/N: Hala ka! Haha :P

Abangan ang mga susunod na chapters! :))

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon