Chapter 76: It Will Be Fixed

4.1K 81 1
                                    

-Camie's POV-

11 am pa lang. Nandito lang ako sa room ko at nagbabasa ng pocket book at nakikinig rin ng music at the same time, habang nakahiga din sa bed.

Wala sila Mommy at Daddy ngayon dahil meron na naman silang business meeting. Bigla akong nakarinig ng kumakatok kaya tinigil ko muna lahat ng ginagawa ko.

"Sino yan?"

"Ma'am Camie, may bisita po kayo." - Yaya.

"Sige po. Saglit lang. Bababa na po ako."

"Sige po." - Yaya.

Pagkatapos nun, nag-ayos ako ng konti sa harap ng mirror. Hindi kaya si Angelo yan? Sinabi na niya last time na wag na daw akong magulat kung nasa doorstep namin siya eh.

Nagmadali akong pumunta sa living room. Pagdating ko naman doon, nagulat na lang ako sa nakita ko.

"Jessie?"

"Hi Camie." - Jessie.

"Uhm, what brings you here?"

"I want to talk to you. Pwede ba tayong mag-lunch sa mall?" - Jessie.

"S-Sige. Magbibihis lang ako."

"Okay. I'll wait here." - Jessie.

Pagkatapos nun, umakyat ulit ako sa kuwarto ko. That was really unexpected. Ano na naman kayang pag-uusapan namin?

Isang mabigat na usapan na naman ba ang mangyayari? Noong mga nakaraang araw na nandito ako sa Pilipinas, puro serious talk ang na-eencounter ko.

Pero kung anuman yun, importante siguro. Hindi naman niya ako pupuntahan dito sa bahay just for nothing.

Nagsimula na akong magbihis at mag-ayos ng sarili ko. Baka nga pala may makakilala sa akin doon sa mall kaya magsusuot na lang din muna ako ng sunglasses.

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ulit ako papunta sa living room kung saan naroon si Jessie.

"Let's go?" - Jessie.

"Okay."

Lumabas na kami at sumakay sa kotse niya. Habang nagbabyahe, tahimik lang kami at walang nag-uusap. Parang ang awkward tuloy.

Oo, magpinsan kami. Pero iba pa rin kasi yung pakiramdam pagkatapos nung mga nangyari noong bago ako magpunta ng Korea.

After a few minutes, dumating na rin kami sa mall at nakapag-park na rin si Jessie sa VIP parking lot. Bumaba na rin kami at pumasok sa mall.

"Lunch muna tayo? Alam kong hindi ka pa rin kumakain katulad ko. Haha." - Jessie.

Ano 'to? Bigla na lang naging light yung mood sa pagitan naming dalawa. Bigla na lang siyang naging masaya. Teka, anong nangyayari? o__O

"O-Okay. Though medyo na-confuse ako sa naging reaction mo."

"I'll explain it later. Right now, mag-lunch muna tayo." - Jessie.

Pumunta kami sa isang restaurant dito sa mall nila. Umorder na kami at kumain na rin kami nang dumating yung mga order namin.

Pagkatapos naming kumain, niyaya ako ni Jessie na maglakad muna around the mall. Dahil wala naman akong choice, sumama na lang din ako.

"Camie, do you still remember when you first saw me when I was 11 years old?" - Jessie.

"Yes. Why?"

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon