Chapter 43: Going To The Mall

4.9K 76 2
                                    

-Luke's POV-

Nandito na naman ako sa bahay nila Camie at nadatnan ko siyang nag-aayos. Mukhang may pupuntahan na naman yata ah.

"Saan ka pupunta?"

"Sa mall." - Camie.

"Ano namang sasakyan mo?"

"Susunduin ako ni Josh. Nagpasama ako sa kanya." - Camie.

Yung Josh na yun na naman?! Ewan ko ba kung bakit pero may bagay na nagpapakulo ng dugo ko pag nalalaman kong magkasama na naman si Camie at Josh!  >_____<

Lalo pa't ngayong alam na niya na fake lang ang pagiging engaged namin ni Camie! Aish! Bakit kasi kailangan pa niyang malaman eh!  >_____<

"ANO?! Si Josh na naman?! Bakit ba hindi ka na lang nagpasama sa akin?! Ni hindi ka nga muna nagpaalam eh!"

"Wag na. Nakakahiya naman sa'yo eh." - Camie.

Pagkatapos sabihin ni Camie yun, bigla namang tumunog yung doorbell kaya binuksan na niya ang pinto at inunahan pa niya yung Yaya nila.  -_____-

Sakto namang pagbukas niya, bumulaga na naman sa amin ang pagmumukha ng Josh na yun. Panira lang ng araw.  -_____-

"Hello! Ready ka na? I'll just wait for you outside." - Josh.

"Are you sure hindi ka na papasok?" - Camie.

"Nope. Hihintayin na lang kita." - Josh.

"Okay." - Camie.

Mabuti naman at hindi na niya naisipang pumasok pa dito sa loob ng bahay nila Camie.  -_____-

After a few minutes, nagpaalam na rin sa akin si Camie at lumabas na rin siya papunta sa kung saan naghihitay si Josh.

At dahil magkasama na naman sila, cocontactin ko na lang din ulit si Archie para mag-spy dito sa dalawang ito.  -_____-

-Josh's POV-

Aish! Kung bakit kasi sa dinami-dami ng pwedeng kalimutan, yung wallet ko pa! Haay! Ayan tuloy, nasundo ko na si Camie at papunta na sana kaming mall pero nang na-discover kong wala pala yung wallet ko, bumalik kami dito sa condo ko.  -_____-

Kanina, nang sinundo ko si Camie, nandoon na naman yung Luke na yun sa bahay nila. Araw-araw na ba talaga siya doon sa bahay nila?!

Oo nga pala, nasabi na rin pala noon ni Camie kay Luke na alam ko na ang tungkol sa fake engagement nila at nangako na rin naman ako sa kanila na hindi ko sasabihin yun sa iba.

Inisip ko rin naman kasi, kung sasabihin ko man sa iba, matitigil man ang pagpapanggap nila, hindi ko pa rin naman nasisiguradong mapapasaakin si Camie at baka pag ginawa ko yun, baka mapahamak at ma-issue na naman ang bestfriend ko kaya wag na lang.

Sabi nila, actions speak louder than words. Ito ng dalawang ito, iba ang sinasabi nila sa mga ikinikilos nila.

Si Luke, sinasabi lang niya na pinoprotektahan niya si Camie dahil nga engaged sila. Yun ang lagi niyang ginagamit na dahilan.

Si Camie naman, sinasabi lang niya na nasasanay na siya sa pagpapanggap nila at wala na siyang magagawa dito kundi maghintay na mag-end yung contract after this school year.

Masakit para sa akin na makita ko sa kanilang hindi yung mga yun ang sinasabi nila sa loob loob nila.

Si Camie, alam kong hindi lang dahil nasasanay na siya sa pagpapanggap nila kaya nagiging normal na yung ganung sitwasyon nila sa kanya. 

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon