Chapter 39: Issue

5.2K 92 5
                                    

A/N: Guys... comments and votes, please? :)

----------------------------------------------------------------------------------- 


-Camie's POV-


Tignan niyo 'tong lalaking ito! Kanina, nagpapasama ako sa kanya papunta sa condo ni Josh para maihatid yung brownies pero ayaw naman niya.


Ngayon, sabi ko, mag-isa ko na lang pupunta at magtataxi na lang ako pero pinipigilan naman niya ako! Ano ba yaaan?! 


"Luke, kung hindi mo lang din ako masasamahan, hayaan mo na lang akong pumunta doon ng mag-isa."


"Teka, may Korean channel ba kayo?" - Luke.


Korean channel?! Anong meron sa Korean channel?! Nanonood ba siya nun?!


"Ha? Oo. Bakit?"


"Nanonood ka ba nun?" - Luke.



"Kung minsan lang. Bakit ba kasi?"



"Nanood ka ba kanina?" - Luke.



"Hindi eh. Bakit nga ba kasi?"


Oo. Tanong ako ng tanong ng bakit pero hindi naman niya sinasagot ang tanong ko. Magkakaintindihan kami nito, grabe!



"Alam mo na ba lahat ng tungkol kay Josh?" - Luke.



Siguro naman diba?! Bestfriends kami eh. Wala naman sigurong ililihim sa akin si Josh diba?!



"Siguro naman. Aish! Ang gulo ha! Ano ba kasi talagang pinag-uusapan natin dito?! Yung Korean channel o si Josh?! Ano naman ba kasing connection nung Korean channel kay Josh?!"



"Nandoon si Josh sa newsreport doon sa channel na yun kanina." - Luke.



Ano daw?! Si Josh?! Nasa newsreport?! Bakit?!



"Ano?! Bakit?! Anong nangyari sa kanya?! Naaksidente ba siya?! Ai...teka...diba Korean channel yun?! Bakit nandun si Josh?!"



"Alam mo bang Fil-Korean model siya?" - Luke.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon