TEASER

32.5K 357 17
                                    

Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit.

Bakit nga ba ako pumayag na madamay at mapasok ang sarili ko sa ganito?

Sa isang iglap, napasok ako sa isang magulong sitwasyon.

Sa isang iglap, nagkaroon ako ng "instant" fiancé.

Kasabay nun, napasok na rin ako sa isang fake engagement.

Ang lahat ng iyon...

dahil sa isang napakaliit na pagkakamali.

Oh diba?

Mula sa normal at mapayapang buhay, naging magulo at kumplikado na ang buhay ko ng dahil sa napakaliit na pagkakamaling nagawa ko.

Ang hindi ko lang inasahan, ng dahil din sa maliit na pagkakamaling iyon ay magkakaroon pala ng meaning ang buhay ko.

Nakilala ko siya.

Oo, napakapangit ng first meeting at first impressions namin sa isa't isa. Pero sa huli, naging maayos din naman ang pakikitungo namin sa isa't isa.

We became friends hanggang sa sobrang maging close na kami to the point na bigla ko na lang narealize na mahal ko na pala siya.

Pero, bakit ganun?

Kung kailan almost perfect na ang lahat, tsaka naman bumaliktad ang mga pangyayari at parang napakalaki ng naging epekto ng mga ginawa namin noong una.

Maaayos pa kaya namin ito?

Kakayanin ko kaya ang ganito kagulong buhay?

-------------------------------------------------------------------------------

A/N: Thank you in advance sa lahat ng readers, sa mga susuporta, sa mga magcocomment, sa mga magvovote, at lalo na sa mga magiging followers sa kalagitnaan ng paggawa ko sa story na ito. :))

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon