Chapter 46: Death Anniversary

4.9K 84 3
                                    

A/N: Play niyo yung video sa side sa multimedia. Gawin niyong background music while reading. :))   ------------------------------>>>

--------------------------------------------------------------------------------

-Camie's POV-

 Ito na ang araw na yun. Ang araw na kinuha sa amin si Ate Calee. Ang araw na tumigil na siya sa paglaban sa sakit niya. Ang araw na nagpaalam na siya sa aming lahat.

Akala ko naka-move on na ako sa mga pangyayari noong araw na iyon. Pero hindi pa rin pala. Tuwing sumasapit kasi ang araw na ito, nananariwa sa akin yung mga pangyayari noong araw na yun.

*FLASHBACK [same day (October 24), 5 years ago]*

Nasa ospital kami ngayon. Nagpapahinga kasi si Ate Calee dito sa hospital room niya dahil nag-chemotherapy siya nung isang araw.

Inadvise ng doctor na dito na muna siya mag-stay para hindi siya mapagod sa kakabyahe papunta at pabalik dito sa ospital.

Iniwan ako nila Mommy at Daddy dito para magbantay kay Ate Calee. Kausap kasi nila yung doctor ni Ate sa labas nitong room.

"C-Camie..." - Ate Calee.

"Ate, sabi ng doktor magpahinga ka na muna daw. Sige na ate, matulog ka na muna. Dito lang ako, babantayan kita."

Napangiti naman siya sa sinabi ko tapos nagsalita rin siya. Ramdam ko sa boses niya na nanghihina pa siya pero hindi niya pinansin ang panghihina niya.

"I-Ikaw t-talaga. N-napaka-masunurin mo. M-magka-ibang magk-ka-iba talaga tayo." - Ate Calee.

"Pansin ko nga ate eh. Ang tigas kasi ng ulo mo. Sabi nga ng doctor, magpahinga ka eh. Tignan mong ginagawa mo ngayon. Imbes na matulog at magpahinga ka, kinakausap mo na naman ako. Haay! Ate naman eh."

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon