Chapter 70: Hotel Stay

3.5K 49 2
                                    

-Camie's POV-

One week akong nag-stay sa bahay ng parents ko. Sobrang na-miss ko ang parents ko at pati na rin yung bahay namin at ang ibang mga gamit na iniwan ko doon.

Nandito na ako sa hotel ngayon at ongoing na rin ang photoshoot ng mga models ng Mist Apparel kasama na rin kami ni Yannie bilang mga napiling main models nila for this event.

Naka-ilang palit ng damit at naka-ilang kuha na rin ng photos sa amin ni Yannie. Nakakagaan naman ng pakiramdam itong photoshoot dahil nakakalimutan ko muna ang trabaho ko at nag-eenjoy lang ako sa ginagawa ko.

Nakakapagod din ang ganito dahil sunod-sunod ang activities. Pero in general, masaya pa rin naman dahil gusto ko naman itong ginagawa ko.

"Perfect! I guess we're done!" - Photographer.

Nagpalakpakan naman ang mga staff at iba pang mga tao sa paligid ng area kung saan ginaganap yung photoshoot namin.

"Models, you may all get your beauty rests for now because tomorrow's the main event. You will all be modelling on the catwalk." - Staff.

Nagkaroon pa kami ng konting briefing para bukas. Pagkatapos naman nun, sabay na kaming lumakad ni Yannie papunta sa hotel rooms namin dahil magkatabi lang naman ang rooms namin.

"I'm so excited for tomorrow!" - Yannie.

"Yeah. Me too. I'm a bit nervous though."

"Oh, don't be. Just enjoy the moment and strut there like no one's watching! Haha!" - Yannie.

Tumawa naman ako sa sinabi ni Yannie. Kitang kita sa kanya na gusto niya talaga ang modelling at professional naman talaga siya sa ganito.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon