Chapter 49: Their Dreams

4.6K 77 1
                                    

-Camie's POV-

 Gabi na naman ngayon at nakahiga na naman ako sa bed ko. Ready na akong matulog. Actually, excited na nga rin akong matulog eh.

Baka kasi nasa panaginip ko na naman si Ate Calee mamaya. Hindi naman sa nag-eexpect ako pero sana talaga makita ko siya sa panaginip ko. Miss na miss ko na siya eh.

Tama na nga ang kaka-daldal ko. Ipipikit ko na ang mga mata ko para makatulog na rin ako. Haay. Sana talaga makita ko si Ate sa panaginip ko.

...

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Napakaganda ng lugar na ito.

Tahimik, sariwa ang hangin, napakaraming halaman at mga bulaklak. Nakakapagpa-kalma ang paligid. May mga butterflies din at may ilog pa sa di kalayuan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humiga na lang ako sa damuhan at ipinikit ko ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng kalayaan at pakiramdam ko rin, napaka-safe ng lugar na ito.

"Camie."

Napadilat naman ako nang narinig ko ang boses na iyon. Nang nakita kong may batang nakaupo sa gilid ko, napaupo na rin naman ako.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala? Anong lugar nga pala ito?"

"Matagal ka na naming binabantayan. Nasa paraiso ka. Hali ka, sumunod ka sa akin. May naghahanap sa'yo." - (?)

"Ha? Sino?"

Hindi na niya ako sinagot at nagsimula na siyang maglakad. Ako naman, dahil curious ako, sumunod na lang din ako sa kanya sa kung saan man siya pupunta.

Nakarating na kami sa ibang dako nitong tinawag niyang paraiso. Itong lugar naman na ito ay nababalutan ng fog.

"Pumasok ka na diyan. Hinihintay ka na niya. Aalis na muna ako. Paalam." - (?)

"Teka, saan ako papasok? Tsaka sino yung naghihintay sa akin?"

Katulad ng kanina, hindi na siya sumagot at naglakad na siya palayo. Ang ikinagulat ko lang, unti-unti siyang naglalaho habang naglalakad.

Pumasok ako at sinubukan kong tignan kung ano ang nasa kabila ng makapal na fog. Pagpasok ko naman...

"Buti naman at nai-hatid ka niya ng maayos papunta dito."

Napalingon ako sa nagsalita dahil napaka-familiar ng bose niya. Pagtingin ko naman, hindi nga ako mali ng hinala...

"Ate!"

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Naramdaman ko rin namang niyakap niya ako ng pabalik. After a few seconds, humiwalay din kami.

Mukha pa rin siyang masigla at napakaganda pa rin niya. Naka-white dress siya at nakangiti siya sa akin.

"Ganyan mo na ba talaga ako ka-miss? Haha." - Ate Calee.

"Oo naman Ate. Miss na miss na talaga kita. Teka, nasaan ba tayo?"

"Nasa paraiso tayo. Hindi pa ba sinabi sa'yo nung naghatid sa'yo papunta dito?" - Ate Calee.

"Paraiso? Eh sino nga ba yung naghatid sa akin? Unti-unti siyang nawala kanina eh. Napaka-cute na bata."

"Camie, hindi yun bata. Anghel yun." - Ate Calee.

"Paraiso?! Anghel?! OMG! Nasa langit na ba ako?! Patay na rin ba ako Ate?!"

"Shhh! Alalahanin mo, nasa paraiso ka Niya. Wag mong babanggitin ang pangalan Niya sa mga walang kabuluhang bagay." - Ate Calee.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon