Chapter 13: Tulala?

6.8K 106 8
                                    

-Camie's POV- 

Na-meet ko na yung iba ko pang mga subject professors kanina. As usual, binigyan lang nila kami ng syllabus tapos inorient lang nila kami ulit.

Nandito na ako sa bahay ngayon. Heto, nakahiga lang ako sa bed ko habang nakikinig ng music sa iPhone ko.

3:30 pm pa lang ngayon. Nagpapalipas na lang din ako ng oras. Hihintayin ko na lang din munang mag- 5:00 pm.

Mamaya na lang ako mag-aayos at magbibihis. Hindi naman ako ganun ka-excited na pumunta sa party na yun eh. Lalo na't kasama ko pa yung Luke na yun. 

Teka nga, mag-aalarm ako ng 5:00 pm. Baka makatulog pa ako, ma-late pa ako sa usapan namin nung lalaking yun. Baka sabon pa ang abutin ko sa kanya. 

Ano pa nga bang magagawa ko? Wala naman akong kalayaan sa kanya diba? Alipin niya ako diba?

Haaay...Ang salitang "alipin." Kahit ang pangit at nakaka-iritang pakinggan, tatanggapin ko na lang. Tatanggapin ko na lang na alipin talaga ako. Wala na akong choice eh.

Tama na nga muna yang mga ganyan. Lulunurin ko na muna ang sarili ko sa music. Kailangan ko munang kalimutan ang lahat-lahat kahit sandali lang.

*KRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGG!!! *

Bigla na lang natigil ang music sa iPhone ko nang bigla itong nag-ring. Sino na naman kaya itong tumatawag? Abala naman oh! >.<

Pagtingin ko...

----------------------------------------------------

LZS calling...

|Decline | Answer|

-----------------------------------------------------

Weeeell, sa palagay ko kilala niyo na kung sino yan. Bakit LZS kanyo? Initials niya yan. Ito yung mga meaning: L means Lalaking. Z means Zuuuupeeeer (Suuuupeeer dapat yan. Letter Z lang kasi talaga). And S means Selfish.

Put them all together, at ang kakalabasan ay... Lalaking Zuuuupeeer Selfish.

Oh diba? Saktong-sakto sa kanya! Haha! Uy, joke lang yan ha! Wag niyong sasabihin sa kanya. Baka magalit pa yun sa akin.

Siyempre, LZS stands for Luke Zacchary Sy. Ano pa nga ba? Diba? Obvious naman nang initials niya lang yan eh.

Kalimutan niyo na lang yung mga binigay kong meanings sa bawat letter na yan kanina. Joke lang yun. Secret lang natin yun ha?

Ai teka, oo nga pala. Nagriring nga pala yung phone ko. Wait, ano kaya kung i-decline ko muna noh? May ginagawa pa naman ako eh!

Ayan, pinindot ko na muna yung decline button. Ayoko muna ng abala! Nagpapahinga ako! Bahala ka muna diyan!

Maya-maya, tumunog na naman ulit ang phone ko. It's not a call. This time, it's a text message. Agad ko namang binuksan yung message.

---------------------------------------------------------

From: LZS

Don't you dare decline my call!

---------------------------------------------------------

Haaay! Bahala ka diyan! Sabing nagpapahinga nga eh! Neknek mo! Manigas ka diyan! Kaasar! 

Maya-maya, tumunog na naman ulit ang phone ko. Ito na naman! May tawag na naman! And for the second time, pinindot ko na ulit ang decline button.

Pagka-pindot ko, may call ulit. And for the third time, dinecline ko ulit. Bakit ba kasi?!

Hanggang sa nagpa-ulit-ulit na lang kami. Magko-call siya, idedecline ko. Magko-call siya ulit, idedecline ko ulit. Halos 13 times yata kaming nagpa-ulit-ulit eh.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon