Chapter 20: The Explanation

6.5K 113 1
                                    

-Camie's POV- 

"ANO?!"

"Kailangan ko pa bang ulitin yung sinabi ko?" - Luke.

Tsaka ko lang na-realize ang full name ni Angelo. Sy nga rin pala siya. Drew Angelo Sy. At dahil sa full name niya...

I therefore conclude na magkapatid nga sila ni Luke Zacchary Sy. Siya na mismo ang nagsabi eh! Alangan namang magsinungaling ito noh!

Teka, teka.

Ah! Kaya pala nandoon din siya sa "supposed-to-be engagement party" ni Luke!

"Hindi na! Hindi lang talaga ako makapaniwalang magkapatid kayo. Layo ng ugali niyo ha."

"Ano yung huling sinabi mo?" - Luke.

"Ai wala. Hehe. Sabi ko, sa bagay magkahawig nga naman talaga kayo."

"Alangan namang hindi. Eh magkapatid kami eh. iisa lang naman kami ng mom and dad na pinanggalingan ng genetic components namin eh." - Luke.

Sige! Ikaw na! Ikaw na ang maraming alam sa biology! Ikaw na ang maraming alam sa genetic materials chuchu at kung ano pa man yan!

"Oh, bakit di ka na nagsalita diyan?" - Luke.

"Sorry naman.  I was shocked, okay? Ang tagal bago nag-sink-in sa utak ko yung mga sinabi mo lalo na yung kay Angelo."

"Angelo? Angelo lang ang tawag mo sa kanya?" - Luke.

"Eh yun ang sabi niya eh. Nag-aalangan nga rin ako noong una eh. Pero medyo nasasanay na rin ako habang tumatagal."

"Ibig sabihin, nagkakilala na kayo?" - Luke.

"Hindi lang nagkakilala. Professor ko pa siya sa Physics at friends pa kami!" - Sabi ko sa kanya ng buong pagmamalaki habang nakangiti.

"Talaga? P-paano nangyari yun? Paano mo siya napa-payag na maging friends with you?" - Luke.

"Hindi ko naman siya napilit eh. Siya ang nag-offer ng friendship sa akin."

"Paano? Kailan? Saan?" - Luke.

"Woah! Daming tanong ah. Mahabang kuwento eh."

"Walang mahabang kuwento para sa isang taong interesadong makinig." - Luke.

"Sige, sasagutin ko ng isa-isa yang mga yan. Nung first meeting namin sa Physics 21, medyo na-late ako sa klase. Magssneak-in na sana ako pero napansin niya ako. Akala ko nga magagalit siya sa akin eh. Pero nung kalagitnaan ng class namin, pagkatapos niya akong tawagin sa klase, na-realize ko na hindi naman pala siya mean, di katulad mo. At the end of the class, inapproach niya ako at sinabing pwede akong magpa-consult sa kanya sa mga hindi ko naiintindihang topics ng Physics 21."

"Ganun lang yun? Friends na kayo sa ganung lagay?" - Luke.

"Hindi mo ba ako patatapusin? Mahaba-haba pang kuwento ito."

"Fine! Continue." - Luke.

Suuuuungit nitooooooooooooooo!!! Ang sarap ingudngod sa putikan! Kung di lang sana siya anak ng may-ari nitong University at kung di lang sana siya kapatid ni Angelo, matagal ko nang ginawa sa kanya yun eh!

"Nang natapos yung pag-uusap namin, naka-receive naman ako ng message sa isang unknown number na sinabing pumunta ako sa canteen sa may tabi ng window. Akala ko, isa sa mga blockmates ko yun since tinext ko sila nung una. At ayun nga, tsaka ko na lang na-discover na ikaw pala yun nang pinuntahan mo ako doon habang may dala-dalang kamalasan."

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon