Chapter 8: Crush :3

8.1K 126 3
                                    

-Camie's POV- 

Nandito pa rin ako sa cafeteria. Well, nagmamadali na talaga akong kumain dahil ayaw kong ma-late sa last subject ko.

Kahit pa may letter of excuse pa ako, ayaw ko pa ring magpa-late. Hello? First day kaya namin ito. Ayaw ko namang magmukhang bad example sa mga freshies na magiging classmates ko, diba?

10...9...8...*subo*...*nguya*...*inom*...*ligpit*...3...2...1...DONE!

Sa wakas! Natapos din ako! Pagkatapos kong gawin lahat ng iyon, isinabit ko na ulit ang bag ko sa balikat ko.

Tumakbo na ako papuntang CS (College of Science) dahil nga Physics 21 ang next class ko at sa College of Science ang building nun.

Ito ako, takbo, lakad, hingal. Takbo, lakad, hingal. Nakakapagod!

Pagdating ko naman sa CS, hinanap ko kaagad ang room 106. Hanap, hanap, hanap, Ayun! At last! Nakita ko rin ang room ko!

Buti na lang first floor ang room ko. Kung hindi, mapapaakyat na naman ako sa hagdan. Pagod na pagod na talaga ako eh. Kawawa naman ako, diba frieeeends?

Tumakbo na ako papunta sa tapat ng room. Pagdating ko sa tapat, hala. May professor na sa loob. Oh great. Late na nga talaga ako.

Pumasok na ako sa loob para makisama na rin sa kung anumang pinag-uusapan ng klase. Aba! Infairness, bata pa ang professor! Nasa range pa lang siguro ng 20s. Mas nakita ko naman ang characteristics niya nang pumasok ako sa loob ng room.

Matangkad, cool ang hairstyle, matalino (obvious naman), fit na fit, maputi, singkit. In short, GWAPO SIYA! Naka-eyeglasses nga lang pero GWAPO pa rin! Parang nakapagpadagdag pa nga sa kagwapuhan niya yung eyeglasses niya eh.

Parang si Luke lang pero may eyeglasses nga lang. Ah! Alam ko na! Sir Angelo ang naririnig kong tawag nila dito eh.

Oo tama! Siya yung napabalitang fresh graduate ng Harvard University na na-promote agad at naging professor! Ang talino niya talaga!

Masuwerte ang girlfriend nito sa kanya! Well, 18 pa lang ako ngayon. But who cares?! Age doesn't matter diba?!

Yun nga lang, may problema. Makakasuhan kami ng immoral conduct pag nagka-relasyon kami. Ai?! Nangarap lang Camie?! As if namang papatulan ako niyan noh! 

Bago pa man ako maka-sneak in para umupo sa isang upuan, nagsalita naman ang professor habang nakatalikod.

"Ms. Park? " - Professor.

Aish! Sabi ko na nga ba mapapansin ako eh! Di talaga ako pwedeng maging spy! Masyado akong obvious sa sneak attack. Haha :P Humarap naman sa akin ang professor.

"Y-yes Prof? "

"Ka-oorient ko lang sa mga classmates mo." - Professor.

"P-po? "

"Actually, para kaming nagfi-fill-up ng slamnote kanina. Sinabi ko sa classmates mo yung likes and dislikes ko. Gusto mo bang malaman? " - Professor.

Obvious namang punong-puno ng sarcasm itong Professor na ito eh. Binabawi ko na yung mga first impressions ko sa kanya! 

Para siyang si Luke. Mukha lang matino pero hindi pala! Feeling ko rin, di kami magkakasundo nito. >.< Aish! Bakit ko ba sila naisipang ipag-compare?!

"A-ano po ba yung mga yun? "

"Una sa listahan ko, Ayaw na ayaw ko ng na-le-LATE sa klase ko." - Professor.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon