Chapter 54: First Monthsary

4.7K 78 2
                                    

-Camie's POV-

Ang ganda ng gising ko! Hihi :) Ang ganda rin ng araw! Nakaka-excite lang kasi ang araw na ito. Akalain niyo yun? Parang kailan lang nung naging kami ni Luke, tapos ngayon, 1 month na nga pala kami. :)

December 8 ngayon at oo, first monthsary namin kaya excited na rin ako :) Ano naman kaya ang gift ni Luke sa akin? Meron na rin kasi akong ibibigay sa kanya eh. :)

Bumangon na ako sa higaan ko at dumiretso na rin ako sa comfort room para makapag-ayos. Pagkatapos ko namang mag-ayos, umupo muna ulit ako sa gilid ng bed ko.

Alam niyo kasi, tuwing umaga...

"Good morning banana babe!" - Luke.

...pumapasok si Luke dito sa kuwarto ko na may dalang tray ng breakfast. Haha :) Ayan tuloy, nasanay na rin ako sa breakfast in bed! Hihi :)

Hindi ko akalaing magiging ganito ka-sweet itong lalaking ito sa akin. Naalala niyo pa ba noon? Ang sungit niya at kadalasang seryoso, diba? Haha :)

Ngayon, hindi na siya yung dating masungit at sobrang seryosong Luke. Tignan niyo naman. Ang sweet niya na oh. Dinadalahan na rin ako ng breakfast dito sa kuwarto ko. Haha :)

At hindi lang yun! Pansin niyo yung tinawag niya sa akin a while ago? Yung term of endearment niya sa akin? Ang weird at ang corny noh? "Banana babe". Haha :P

Pero nasanay na rin naman ako sa ka-cornyhan nitong si Luke. And I think it's really cute. :)

Syempre, kung may term of endearment siya sa akin, dapat meron din ako sa kanya. At dahil gumana rin ang ka-cornyhan ko noong nag-iisip kami ng terms of endearment namin...

"Good morning din monkey babe!"

Ang weird at ang corny rin diba? Hahaha! :) Sorry naman! Wala na kasi akong maisip na ibang itatawag sa kanya eh. Tsaka bagay naman ah.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon