Chapter 53: Finally!

4.8K 88 3
                                    

A/N: Guys... comments and votes, please? :)

----------------------------------------------------------------------------------- 


-Luke's POV-


Ilang araw ko nang nililigawan si Camie at ilang araw na rin naman niya akong pinahihirapan sa mga pinapagawa niya sa akin.


Ni hindi ko nga rin alam kung kailan niya ako balak sagutin eh. Yun ay kung sasagutin nga ba niya ako. 


Simula sa pagiging engaged namin, para kaming nag-back to zero. Alam niyo yung parang naging strangers ulit kami tapos naging friends tapos ngayon naman eh nililigawan ko na siya? Ganun.


Walang kasiguraduhan ang lahat. Pero kailangan ko pa ring subukan. Ganyan naman talaga pag mahal mo ang isang tao diba?


Sabi nga nila, pag nagmahal ka, dapat handa kang gawin ang lahat. Dapat handa ka ring tanggapin ang mga maaaring mangyari. At dapat, handa ka ring masaktan.


Pero above all, dapat handa ka ring ipaglaban ang pagmamahal mo sa taong yun anuman ang mangyari at kahit pa ipagtabuyan ka pa niya. Ganun naman talaga yun, diba?


Nandito kaming dalawa ngayon sa isang coffee shop. Katatapos ko lang umorder ng coffee naming dalawa at nandito na ako ulit sa table namin.


Syempre, special ang pinagawa kong coffee na para sa kanya. Kailangan rin naman niyang makitang kahit papaano, umeeffort ako sa panliligaw ko sa kanya.


After a few minutes, dumating na rin yung mga inorder kong coffee. Nilapag na ng waitress yung dalawang cup ng coffee sa table namin at umalis na rin siya pagkatapos.


Inabot ko na kay Camie yung coffee niya at kinuha ko na rin yung sa akin. Pagka-abot ko naman kay Camie...


"Sus! Ang corny mo talaga! Haha. Pati ba naman coffee foam ipapa-design mo pa ng ganito? Haha." - Camie.


"Ang sama mo kamo. Nag-effort pa naman akong paki-usapan yung cashier na yan ang ilagay na design sa coffee foam mo tapos tatawanan mo lang pala. Ouch."


Kasi naman, ang pinalagay kong design sa coffee foam niya, yung words na "I LOVE U"


"Di naman sa ganun. Na-appreciate ko rin naman yung effort mo sa pagpapagawa mo nito eh. Haha. Thank you." - Camie.


"Double burn yun sa akin ah. Ang nakalagay diyan sa coffee mo, I LOVE U tapos ang isasagot mo, thank you? Ouch."


"Ang OA mo! Haha. Ibig kong sabihin, thank you sa effort." - Camie.


"Kung ganun, ano pala ang sagot mo diyan sa nakalagay sa coffee mo?"

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon