Chapter 2: Bonding With The Blockmates

12.4K 162 3
                                    

-Camie's POV- 

 

 

"Napakaluwag ng daanan tapos mababangga mo pa ako?! "

 

 


Papairalin ko muna ang pride ko dahil alam kong tama din naman ako. 

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko dahil sa lakas ng bungguan namin kanina. Napatigil naman sa paglalakad ang lalaki at humarap siya ulit sa akin.

Matangkad, medyo singkit, at medyo matipuno ang katawan niya. Sobrang seryoso naman ng mukha niya nang tumingin siya sa akin.

Lumakad siya ng kaunti papalapit at medyo kinabahan ako.

"Kasalanan ko bang kung saan-saang direksiyon ka naglalakad habang nagtetext? Lasing ka ba miss? O baka naman talagang tatanga-tanga ka lang kaya hindi mo naisip na tignan yung dinadaanan mo? "

 

 


Ano daw?! Iniinsulto ba ako nitong lalaking 'to?

"Oo na! Kasalanan ko na! Pero di naman ako tatanga-tanga 'no! Pwedeng mag-sorry?! Sige, sorry kung di ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry kung nagtetext ako habang naglalakad. Ngayon, pwede rin ba akong makarinig ng sorry mula naman sa'yo? "

"Bakit naman ako magsosorry sa'yo? Wala naman akong kasalanan ah. Tsaka di ko kasalanang tatanga-tanga ka diyan."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, lumakad na siya paalis at iniwan ako ditong mag-isa.

Ano bang problema sa buhay ng lalaking iyon?! Anong nangyari sa salitang "pagpapakumbaba"? Hindi yata kasama sa bukabularyo niya iyon.

Lumakad na ako paalis at umakyat na ulit ako papuntang cafeteria. Habang naglalakad, iniisip ko na naman yung mangyari kanina. Nakakabwisit talaga yung lalaking iyon!

Pagkatapos ng mahabang paglalakad, narating ko na rin ang cafeteria. Unang araw ng pasukan namin ngayon kaya maraming tao. Karamihan, mga freshmen.

Buti na lang di na kami freshmen. Upperclassmen na kami. Di na kami mga baguhan.

Lumingon-lingon ako at napansin ko naman na may kumakaway sa akin. Hindi ko maaninag ang mukha kaya lumapit ako ng kaunti.

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon