Chapter 37: Baking

5.4K 94 1
                                    

-Luke's POV-

Pagkauwi ko ng bahay, at dahil medyo bored na rin ako, dumiretso ako sa living room. Pagkaupo ko doon, binuksan ko ang tv at naghanap ako ng magandang palabas.

Nagpalipat-lipat na ako ng channel pero wala talaga akong mahanap na magandang palabas. Nang nasa pinakahuli-hulihan na ako ng mga channel, inattempt ko pa ring ilipat ito sa susunod na channel kahit alam kong Korean channel na yun.

Nag-aaral kasi ang mommy ko ng Korean language. Sabi niya kasi, fascinated daw siya sa Korean language. -_____- Kaya ayun, nagpa-install siya nitong cable channel na ito. Yun lang kasi ang ginagawa niya pag hindi siya gaanong busy.

Pagkalipat ko naman sa pinakahuling channel na Korean, isang news report ang nakaagaw ng atensiyon ko.

Binasa ko ang title ng news story sa baba ng tv screen. Ang nakalagay...

"FIL-KOREAN MODEL GOES BACK TO HIS HOMETOWN"

May ganun pala? Fil-Korean model? Pwede pala yun?  -_____-

At isa pang nakakuha ng atensiyon ko ay ang pictures na ifinlash kasabay ng pag-flash ng title ng news article.

Nakilala ko kasi ang picture. Noong una, iniisip kong pamilyar ang mukha niya. Nang tinitigan kong mabuti ang pictures na ifinlash sa screen, nagulat na lang ako sa nakita ko.

Si Josh. Si Josh na bestfriend ni Camie. Alam kaya nila ang tungkol sa news report na ito?

Hindi nagtagal, finlash din ang pangalan ni Josh. Ang buong pangalan pala niya, Joshua Drake Ryu Villafuerte. Kapansin-pansin sa middle name niyang "Ryu" na may lahi nga siyang Korean.

Pagkatapos i-flash ang pangalan niyang yun, isang picture na naman ang ipinakita sa screen habang may nagsasalitang showbiz reporter.

Picture ni Josh at ni Camie na parehong nakangiti habang papasok sa isang boutique. Ito siguro yung kanina habang magkasama pa sila.

Kasabay rin ng pag-flash ng picture na yun, may finlash ding news statement. Ang nakalagay...

"Who's this girl? Is she the Fil-Korean model's girlfriend?"

Hala. May posibilidad na madamay at magka-issue si Camie ng dahil sa news report na ito. Paano na lang kung dumugin siya ng mediamen sa bahay nila?!

Speaking of Camie, magkasama pa kaya sila hanggang ngayon? Binabantayan kaya sila ni Yaya Lori? Ano na kayang ginagawa nila? Nagbe-bake na kaya sila? Ano kayang bine-bake nila? Mahilig pa man din ako sa baked goods.

Pero bago yun, ano na nga ba kaya talaga ang ginagawa nugn dalawang yun? Nagbe-bake na kaya talaga sila? Baka naman iba na ang ginagawa nung dalawang yun?!

Aish! Naba-bother na talaga ako! Hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang yung may siyapak na babaeng yun lalo na't kasama niya si Josh. Kahit pa sabihing binabantayan sila ni Yaya Lori!

-_____-

Makapunta na nga lang doon! Kailangan ko ring i-check kung ano na ang nangyayari doon sa kanila eh! Kaysa naman magpaka-paranoid ako dito sa bahay!  -_____-

-Camie's POV-

"Ma'am Camie, ready na po yung mga ingredients tsaka po yung iba pang gagamitin ninyo sa pagbe-bake." - Yaya Lori.

Aish! Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihan si Yaya Lori na wag nang ituloy ang pag-peprepare ng mga gagamitin.  -_____-

"Naku Yaya, pasensya na po pero hindi na po matutuloy ang pagbe-bake ko eh."

Fake EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon