18

21 4 0
                                    


“The most feelingera in the whole world!”

Hindi pa man akong tuluyang nakakapasok ng silid nang bumungad si Jia sa akin at saka ako sinampal ng paglakas-lakas.

“Pusanggala!” Nanlalaking matang tinapunan ko ng tingin si Jia. Tumawa ito ng parang nababaliw na. “Para saan ‘yon? Gusto mo na ba talagang mamatay at sinamapal mo ako?”

Tumigil siya sa pagtawa, napalitan iyon ng masasamang tingin.

Punyeta ‘to! Makikidagdag pa sa problema ko. Naghahanap pa yata ng sakit sa katawan.

“Dahil feelingera ka!” halos maputol ang litid niya sa leeg. “Daig mo pang girlfriend ni Gabrielle kung umakto! Wake up, Rosane! Walang kayo! Tumigil ka sa pag-iinarte!”

“What?” I raised my brow.

Mukhang may masusuntok na naman ako ngayong araw…

“My point is…” She paused, at parang nag-iisip pa ng sasabihin. “Bakit gan’yan ka kung magdrama? Namatay lang naman si Gabrielle! You're just a friend, didn't you? Tapos kung makapag-react ka ngayon, parang jowa ka ni Gabrielle! Girlfriend ka? Girlfriend ka? Why do you feel so brokenhearted?!”

I scoffed. Putangina! Anong karapatan niyang pagsalitaan niya ako ng ganito? Wala siyang karapatan maliitin ang nararamdaman ko.

Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid ko. Waring pinagpu-pustahan pa kami kung sino ang mananalo sa aming dalawa ni Jia.

Kinginang mga sugarol na ‘to! Walang pinipiling oras!

I heavily sighed. Tinapunan ko ng buryong tingin si Jia. Ayoko sana siyang patulan, pero nakakairita kasi sa pandinig ko ang sinabi niya. Nakakagago!

“Hindi ka makasagot? Bakit? May relasyon ba kayo ni Gabrielle at tinatago n’yo lang ito?” tunog pang-asar. “That’s why you look so broken and empty now! Patay na ang boyfriend mo! Oh my God… Kawawa ka naman. He just died. He took his own life, isn’t it? Dahil ano? Because of you, right? You giving him a lot of pressure! You’re a big burden to him!”

Humagalpak siya nang tawa na parang bang isang biro ang nangyari sa kaibigan ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

Siya lang ang tumawa ng gano’n at nangibabaw sa buong silid. Sunod na naging tahimik ang paligid, nawala ang bulungan ng mga halimaw, mukhang hindi nila nagustuhan ang sinabi ni Jia.

“Hoy, Jia! Putangina mo,” anas ni Jorja. “Why are you laughing like that?!”

“Hindi ka ba natatawa, Jorja? OMG! Ang laughtrip kaya nito. Wala na ang best friend ni Rosane at natutuwa akong makitang durog na durog siya ngayon!”

“Putangina mo, Jia! Stop laughing!” galit na galit na turan ni Jorja. “Puta ka! Manahimik ka na kung gusto mo pang mabuhay nang matagal! Anong karapatan mong pagtawanan ang kaibigan ko?! Gusto mo bang mamatay?!”

I gritted my teeth. Mukhang walang balak tumigil sa pagtawa ang hinayupak dahil hindi niya pinakinggan si Jorja. Lalo pang humagalpak ng tawa si Jia, napapahawak pa ito sa kaniyang tiyan.

Punyeta!

Kinuha ko ang walis tambo na hawak ni Marga. Napapitlag pa ito sa gulat. Hindi ko siya pinansin. Walang kamalay-malay si Jia na dadapo ang tambo na ito sa pagmumukha niya.

Naghintay ako ng ilang segundo kung titigil siya sa pagtawa. Ngunit, hindi. Lalo pa talaga siyang tumawa ng malakas.

Without any hesitation, hinigpitan ko ang pagkakahawak sa walis at walang pasubaling hinampas sa mukha ni Jia.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now