76

1 0 0
                                    

“Hindi ako baliw! Bitawan niyo ako!”

Sapilitan akong isinasakay sa isang malaking sasakyan at hindi lingid sa kaalaman ko, alam kong ambulansya iyon ng isang mental hospital!

Sumulpot na lamang sila pagkarating namin mismo sa tapat ng bahay nila Jahm.  Parang alam na alam nilang darating ako at nakaantabay na sila.

Punyeta!

“Bitawan niyo ako mga kuya! Hindi po ako baliw!” pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa at nagpupumiglas. “Nakakapag-isip pa naman ako ng maayos! Hindi ako baliw! Peste! Havier, tulungan mo ako! Ohne!”

May namuong luha sa mga mata ni Ohne. Panay ang pag-awang ng kaniyang labi na parang may gusto siyang sabihin.

“A-Alam mong hindi ako baliw, O-Ohne,” gumagaralgal ang tinig ko. “A-Ayokong sumama sa kanila! Hindi ako baliw!”

“Alisin niyo nariyan dito,” dinig kong sabi ni Jahm na kakalabas lang ng gate. “Nakakasagabal at baka may mahawa pa sa kabaliwan ng babaeng ‘yan!”

Napaawang ang bibig ko. “I’m not a fucking insane! Ikaw ba ang tumawag sa kanila, Jahm?!”

“Sino pa nga ba?” Umangat ang gilid ng labi niya. “Baliw ka naman na, ‘di ba? Dapat lang sa ‘yong ipasok na sa mental! Don't forget that you killed Gabrielle and you don't have the right to be happy. You murderer!”

“Gago!” Nagawa kong kumawala sa dalawang may hawak sa braso ko at mabilis na sinugod si Jahm. “Hindi ko siya pinatay! Tangina mo, sagad! Ikaw ang dapat dalhin sa mental dahil ikaw ‘tong baliw!”

She laughed sarcastically. “Maybe I am? But look at yourself, now… Bayolente!”

Isang sapak ang ginawad ko sa pagmumukha niyang nakakabwisit. Susundan ko pa sana iyon ng pangalawa nang sapilitan na akong lagyan ng tali sa kamay.

“Tangina!” palahaw ko. Sinubukan ko silang sikuhin. “Hindi nga sabi ako baliw! Hindi ba kayo marunong umintindi?!”

“Dalhin niyo na ‘yan!”

“Tangina mo, Jahm! Mamatay ka na!”

“Mukhang mauuna ka, Rosane…”

I force myself to fought with these two big people. Pinagsisipa ko na sila sa kanilang tuhod ngunit gano’n pa rin sila kalakas para hindi ako bitawan.

“Tulungan mo ako, Ohne!” naiiyak ko nang wika. “H-Hindi ako baliw! A-Ayokong pumasok do’n! Please, please, please! Don’t let them to take me away!”

Nanghihina akong napaluhod sa lupa. Nagsusumamo akong tumingin kay Havier at Ohne. Naroon ang pagmamakaawa ko ngunit gano’n na lang pagbuhos ng mga luha ko at pagdurog ng puso ko nang sabay silang magbaba ng tingin.

“Alisin n’yo na siya rito!” utos ni Jahm.

I shook my head. “Hindi! Hindi nga sabi ako baliw! Putangina! Ginagawa n’yo lang akong baliw!”

“You are mentally insane, Rosane! Dadalhin ka nila sa mental para naman gumaling ka na! Kung anu-ano ang mga sinasabi mo na siya namang ilusyon mo lang!”

“Anong ilusyon?! Bobo ka ba?!” Nanlisik ang mga mata ko. “Itong nararamdaman ko! ‘Yung pagkamatay ni Gabrielle! ‘Yung mga karumaldumal na nangyari sa akin at halos mamatay na ako! Ano?! Ilusyon lang lahat ng ‘yon?! Eh, puta pala! Eh, ‘di sana sa ‘yo na lang nangyari ang lahat nang ‘yon!”

Nakita ko siyang natigilan, sunod na napahalakhak ako nang may maalala.

“Oo nga pala…” parang baliw akong natawa. “Isa ka rin nga pala sa may pakana nang lahat kung bakit naging miserable ang buhay ko! Sarili kong kadugo, sinira ang buhay ko!”

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now