65

7 1 0
                                    


“What the fuck?! Are you damn serious?!” 

Gariel seems doesn't like my plans but he agreed in the end. Basta raw ba'y tutupad ako sa kundisyon na binigay niya. Mautak din ang isang ito. May kundisyon pa. 

“I won't do that, Gariel. Hilingin mo na ang lahat, 'wag lang iyan,” inis kong sambit. 

“Why? Is it really matter to you? C'mon, Hellapig! Iyun lang ang hinihiling ko kapalit ng pagpayag sa plano mo. It's easy!”

“You're really an asshole.”

“I know,” he proudly said and laughed like an idiot. 

Napailing ako, minadali ko ang pagkain at saka nagpaalam na babalik na ako sa classroom. 

If that's what he wants, okay... I have no choice. 

“Miss Beindz!” 

Napahinto ako sa paglalakad nang magsalubong ang daan naming dalawa ni Syrone. He smiled and run towards on me. 

“Hi,” hindi maalis ang mumunti niyang ngiti. “How are you?” 

“Still breathing and kicking. Ikaw?” 

“Well, as you can see... I'm busy to organize the party with the team,” sagot niya. Ramdam ko ang pagod sa kaniyang tinig. “Did you already eat your lunch?” 

“Kakatapos ko lang. Ikaw ba?” 

“Kakain pa lang ako ngayon.”

Inangat ko ang aking braso at tiningnan ang wrist watch ko. 

“Mag-aala una na,” saad ko. “Pumunta ka na sa Cafeteria at kumain.”

“Would you like to join me?” 

Bahagyang umangat ang kilay ko. Gusto ko sana siyang tanggihan pero naroon sa utak kong hindi nga pala kami madalas na nagkakasama. 

“If you are busy, I understand. You seems have classes pa,” wika niya sabay tapik sa balikat ko. “Study hard—” 

“Samahan na kitang kumain.”

“Really?”

Tumango ako. “Tara na?” 

Nakangiti siyang tumango. Sabay naming tinungo ang Cafeteria at siya ang nagboluntaryong bibili ng pagkain kaya pumila na siya sa counter. 

Umupo naman ako sa table kung saan kami kumain ni Gariel. Habang hinihintay si Syrone, tumunog naman ang cellphone ko. 

Jahm is calling... 

“Oh?” 

“R-Rosane, nasaan ka?” 

Pagtataka ang namutawi sa akin nang marinig ang kaniyang boses. Parang naghahabol siya ng hininga at hirap pa kung magsalita.

“Nasa Cafeteria ako. Bakit?” 

“G-Gaga ka!” bigla niyang sigaw. “T-Tulungan mo kami ni A-Aven! May mga lalaking humarang sa amin dito! A-Ayaw kaming paalisin...”

“Ano?!” Napatayo ako sa gulat. “Sinong mga hinayupak 'yan?!” 

“H-Hindi namin sila kilala! T-They look like a kidnapper!” 

“Nasaan kayo?! Okay ka lang ba?! Kumusta si Aven? Ayos lang ba siya?!”

“O-Okay naman siya. P-Pero sabi ng isang lalaki, kapag daw hindi ka pumunta kaagad bubugbugin—” 

“Pusanggala! Nasaan ba kayo?!” 

“Nasa garden—” 

I ended the call immediately. Humahagos akong naglakad palabas ng Cafeteria nang hinarangan ako ni Syrone.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon