2

48 7 4
                                    

“Hey, Sane!”

Pailag na ako nang tuluyang dumapo ang palad ni Gabrielle sa batok ko. Napakamot tuloy ako ng batok.

“How was your sleep?”

Kakarating ko lang galing apartment. Hindi ko na naabutan pa ang first subject ko. Maingat kong binaba sa armchair ang bag ko at matamlay na tumingin sa kanila.

“Ang daya! Hindi n'yo kami inaya!” reklamo ni Jorja. “Movie marathon pa! Ayan, late ka tuloy!”

She even rolled her eyes with 360 degrees.

“Dapat sumama ka,” saad ko. Wala ako sa mood makipag-usap nang maayos. “Para hindi lang ako ang na-late… Putcha.”

“Inaarte mo?” muli akong binatukan ni Gab. Kusa namang umangat ang kamay ko at dumapo sa braso niya ang kamao ko. “Ouch! Bad mood?”

“'Wag mo akong simulan, baka samain ka sa 'kin..”

Masakit ang ulo ko at hindi pa umaayos ang takbo ng tiyan ko. Idagdag mo pa ang mga mapang-asar ko na mga kaibigan. Puputi nang maaga ang buhok ko sa kanila.

“Can I borrow some one fourth sheet of paper?” Lumapit sa akin si Mayen. “Papalitan ko na lang later. I forgot to buy yesterday, eh!”

“Kumuha ka sa bag.”

“Thanks!”

Dumukmo ako sa armrest. Pinikit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang naghuhurumuradong tiyan.

Badtrip! Ayokong magkalat dito!

“Ito na lang ang gamitin mo, Mayen,” dinig kong wika ni Gabrielle. “Paubos na 'yung kay Sane baka kapusin siya.”

“Oh, thank you, Gabrielle!”

“Baka wala ka ring ballpen? Nakakahiya naman. Pahihiramin kita.”

“No, no, no. I have one. Thanks again.”

Inangat ko ang aking ulo at bahagyang tumunghay kay Jahm.

“Samahan mo ako sa comfort room, najejebs ako...”

“Lukaret ka! Gusto mo ba akong mamatay sa amoy mo.”

“Gaga ka. Sinamahan kita kahapon baka dahil sa dumi mo kaya ako nagdudumi ngayon.”

“Ay, may sumbatan! Kasalanan ko? Tara na nga, lukaret ka!”

Nagmadali kaming bumaba galing fourth floor. Nasa ground floor kasi ang comfort room kaya medyo natatagalan kami. Duming-dumi ka na nga, kailangan mo pang dumaan sa maraming hagdan.

“Ano ba kasi ang kinain mo?” Narinig kong ni-lock niya ang buong comfort room.

“Ampalaya lang.”

“Ampalaya lang pala, eh. Bakit ka nagdudumi?”

“Hindi ko alam. Baka doon sa kinain kong suman kahapon. 'Yung bigay ni Ariess.”

“Ayan! Katakawan sa kakanin!”

Hindi na ako nakasagot dahil kumirot ng matindi ang tiyan ko. Napakamalas ko naman ngayon!

“Sandali, Rosane, may kumakatok...”

Narinig ko ang mga yabag niyang papalayo, mukhang may gagamit ng banyo. Nakakahiya itong amoy! Tss, paki ba nila? May mabango kayang tae?

Masama bang kumain ng kakainin? Kahapon lang naman ulit ako nakakain no'n eh! Baka panis 'yung binigay sa akin ni Ariess? Lagot siya sa akin mamaya!

“Rosane, abutin mo 'tong gamot at tubig. Dinalhan ka ni Pareng Gab!” Pinadaan niya sa ilalaim ng pinto ang tubig at ang isang katerbang gamot.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now