19

17 3 0
                                    

Dire-diretso ang pagpasok ko sa loob ng mansyon. Hinanap ng aking paningin si Tita Ginnie ngunit si Tito Roy ang aking naabutan sa sala. 

“Tito...” sabi ko't nagmano sa kaniya. “M-Magandang gabi po…”

“Hija, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Gin.” 

“Na-traffic po ako,” pagsisinungaling ko kahit ang totoo niyan ay umiiwas ako sa isa nilang mabait na anak. “Tito Roy, may gusto po sana akong sabihin sa inyo.” 

Sinenyasan niya akong umupo sa couch, sumunod naman kaagad ako. 

“Ano iyon, hija?” 

“I-I'm sorry, Tito,” sinikap kong maging buo ang aking boses. “Patawad po...” 

“Hija...”

“S-Sorry po, Tito. Dapat po hindi ko iniwan si Gabrielle nung gabing —” 

“Hindi mo kasalanan,” pigil niya. “Walang may gustong mangyari iyon kay Gabrielle, hija...” 

“K-Kung hindi ko po sana siya iniwan...” Pinunasan ko kaagad ang luhang lumandas sa pisngi ko. “Hindi po mangyayari ito sa kaniya... P-Patawad po, Tito. Kasalanan ko po… Hindi ko po siya nagawang p-protekyahan…”

“Sane, anak, makinig ka,” naroon ang pagpipigil sa sarili niyang umiyak ngunit hindi nakataas sa aking pandinig ang pagbasag sa kaniyang boses. “Wala kang kasalanan sa kung anuman ang nangyari sa aking anak. Hindi matutuwa si Gabrielle kung patuloy mong sisisihin ang iyong sarili...” 

“P-Pero, Tito...”

“Ayokong magalit ang anak ko, Sane,” ngumiti siya ng pilit. “Malay mo nand'yan lang sa paligid si Gabrielle, tapos nakikita kang gan'yan...Wala sa sarili, durog na durog at labis ang kalungkutan. Sa tingin mo ba matutuwa siyang makita kang gan'yan?” 

Natigilan ako sandali ngunit patuloy pa rin sa paglandas ang mga pesteng luha ko. I sighed.

“Ipahinga mo ang iyong sarili, anak. Halata sa iyong pagod na pagod ka,” malungkot niyang saad. 

“Tito, hindi po ba tayo magpapa-imbestiga ulit?” diretsa kong tanong. “Hindi po talaga ako makakatulog nang maayos hangga't hindi po nahahanap kung sino ang pumatay kay Gabrielle..”

“Mabuti at hindi ka naniniwala sa pinagsasasabi nilang nagpakamatay ang anak ko.”

“K-Kilala ko po si Gabrielle, hindi s'ya gano'ng klaseng tao. Hindi niya po magagawa iyon...” 

Napakarami niyang pangarap sa buhay na gustong tuparin at hindi siya gano'n kahina para tapusin ang kaniyang buhay. 

“May gagawin tayo, Sane. Hindi ako papayag na hindi mahuli ang totoong may salarin,” wika niya, tumango naman ako. “Sa ngayon, palipasin na muna natin. Mas'yado pa itong mainit sa pandinig ng mga tao. Kikilos lamang tayo sa oras na humupa ang isyung ito. Maliwanag ba?” 

Muli akong tumango kay Tito. Mahal na mahal niya talaga ang anak niya.  Lahat naman siguro ng mga magulang gagawin ang lahat para sa kanilang anak. Lahat naman siguro ng ama gano'n...

Sandali pa akong may naalala tungkol sa tunay kong ama. Nagbaba ako ng tingin. 

“Tandaan mo, Rosane...” 

Napasinghap ako nang bigla akong yinakap ni Tito Roy. 

Sa tingin ko... Ito 'yung pakiramdam na merong isang ama na handang sumuporta sa 'yo... Na minsan ko lang maramdaman sa buhay ko. 

“Tinuturing kitang anak... higit pa sa kadugo...” 

Bumuhos ang luha ko na kanina pa gustong-gustong kumawala. Alam kong malakas na rin ang paghikbi ko sa mga oras na 'to at hindi ko na mapipigilan 'yon. 

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now