80

10 1 0
                                    


ASHER LUCIFER AMADEO


“Hello, Ma'am. Patisserie Boulangerie Delivery! Nandito na po ako sa Prima Vista Village, ano po ang number ng bahay niyo at anong street po?”

“202 Caramel Street, Kuya! Kulay brown po ang gate!”

Narinig ko pa ang mahinang hagikgik nang nasa kabilang linya. Excited yatang ma-received ang order niya. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang gate na sinasabi ng customer, pagkarating ko sa 202 ay may nakatayong batang babae roon at kumakaway sa akin. Pagkababa ko mula sa motor ay lumabas naman ang isang lalaki.

“Good morning, Kuya Rider!” bati niya. “Uncle Alaric, 'yung payment po…”

Nagsalubong ang kilay ko nang bahagyang matanaw ang lalaki. Iniisip ko kung sino ba ang kamukha niya, mukhang nagkita na kami dati, ah.

“Sir, here is your order. Total bill is four thousand, eight hundred seventy-five pesos,” aking wika sabay abot sa kaniya. Nagbigay naman siya ng limang libo. “Sir, wait lang po 'yung sukli…”

Naghanap ako mg baryang isusukli sa bag ko. Habang naghahanap ng barya ay nangulit ang bata sa tiyuhin niyang silipin ang pinamili.

“Uncle, I want to see my cake and ice cream!”

“Later, Ravi.”

“Okay, but I want it right now,” giit ng bata. “Pssh! If mom is here, she will definitely give it to me immediately…”

“Your mom is not here, baby.”

“Sir, ito na po!” binigay ko na ang sukli sabay sulyap ulit sa mukha ng lalaki.

Putangina. May kamukha nga siya!

“What's the problem? Is there something on my face, Sir?” he asked.

“Wala, Sir…”

Tumunog ang aking cellphone. Napunta ang atensyon ko roon, kaagad kong sinagot ang tawag nang rumihestro ang numero ni Ava.

“Oh, bakit? Nand'yan na ba si Rosane?” sagot ko at inayos ang pagkakasara ng delivery bag. “Sabihin mo kapag nand'yan na siya.”

“She's already here! Come here now, Kuya!”

“Papunta na ako…”

“Faster, Kuya! She might go somewhere else! Limited lang daw ang oras niya but kinukulit ko siyang matulog sa atin!”

“Sige, sige, Ava. Kulitin mo muna siya para hindi umalis ng maaga!”

Nakahanda na akong sumakay sa motor nang mapansin kong nandoon pa rin sa kinatatayuan nila ang magtiyuhin. Napakurap ako at bahagyang itinagilid ang ulo.

“May problema ba? May dumi ba sa mukha ko, Sir?” tanong ko at napahilamos.

“Nothing…”

Eh? 'Nukaya 'yon?

Bahagya akong tumango kahit medyo nakakaramdam ako ng pagtataka.

Bored lang siguro sila kaya gan'yan. Makaalis na nga!

“Sibat na po ako! Enjoy your ice cream and cake! Sa susunod na order ulit!”

“Thank you po, Kuya Rider!”

Bumalik ako sa Patisserie para ipa-record kay Chang ang perang binayad ng customer. Kating-kati na akong lumabas ng shop nang may dumating na pangit na nilalang.

Anak ng tokwa!

“Ash, may balita ako,” ito ang bungad niya na siyang ikinasalubong ng kilay ko. Wala pa man, naiinis na ako. “May party na magaganap sa LSU bukas ng gabi. Nabalitaan kong pupunta ro'n ang kapatid mo.”

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now