58

5 2 0
                                    

“Hi, Rosane...” 

Pigil ang paghinga ko habang taimtim na nagdadasal sa isip ko. Sana naman natunugan ni Havier ang pagputol ng tawag! 

“It's really nice to see you,” the moron laughed sarcastically. “I always adore your beautiful face...” 

Ramdam kong dumiin pa ang dulo ng patalim sa baba ko at parang mapupunit na iyon. 

Punyeta! 

“Do you still remember the message that I sent to you?” tanong niya. Lumapit ang mukha nitong demonyo at bumulong. “All your happiness will turn into sadness in just one snap!” 

Nanuot sa aking pandinig ang oagtawa niya ng parang demonyo.

“Just one snap, your best friend died...” he whispered. “Just one snap only, your life becomes miserable...” 

Mariin akong napapikit, huminga ako ng malalim at p'wersahang siniko ang kaniyang tiyan. Matigas ang katawan niya kaya parang hindi siya nakaramdam ng sakit. Nabitawan niya ang patalim, sinubukan kong iyon kuhanin pero hinala na naman niya ang buhok ko palapit sa kaniya. 

“Punyeta ka talaga!” sigaw ko. Pumihit ako paharap sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilaang balikat at saka tinuhod ang kaniyang maselang bahagi ng katawan. 

“Shit!” 

Napahawak siya sa parteng nasaktan siya. Kita ang sakit sa mukha niya dahil namimilipit na ito sa pwesto niya. Kinuha ko na agad ang patalim at tinutok sa kaniya iyon. 

“I-Ikaw ang sumira sa buhay ng kaibigan ko!” hiyaw ko at hinawakan ng mahigpit ang patalim. Uminit ang bawat sulok ng mga mata ko. Unti-unti na ring bumibigat ang pakiramdam ko. “Napakademonyo mo! Hayop ka! Wala kang kasing sama! Dapat sa 'yo mamatay na!”

Hindi na ako nagdalawang isip pa, sumugod ako sa kaniya para sana isaksak ang patalim ng biglang may biglang humablot sa braso ko at tinutukan ako ng baril sa noo. 

“One wrong move, you will be dead!” 

My eyes grew bigger. Nanlamig ang pakiramdam ko at nanlambot ang buo kong katawan. Hindi ko inaasahang makikita ko siya sa harap ko, sa ganitong sitwasyon... 

“Give me that knife,” utos niya. Inilahad niya ang isang kamay sa akin at naghahantay na ibigay ko sa kaniya ang patalim. “I said, give me that fucking knife!” 

“What the hell are you doing—” 

“Bitch!” 

Sapilitan niyang kinuha sa kamay ko ang patalim. Nanatiling nakatutok sa akin ang baril. 

Ngumisi siya. “Gulat na gulat ka, ah? Hindi mo ba inaasahan 'to? I'm back, bitch!” 

“Kailangan ba talagang umabot tayo sa ganito?” tanong ko. Napalunok ako nang mas diniin niya pa sa noo ko ang baril. “Pagod na pagod na ako, Mayen...” 

“Ask yourself kung bakit tayo napunta sa sitwasyong 'to!” 

Napaamang ako. “Magpapaulit-ulit na naman ba talaga tayo sa dahilan mong walang kwenta?!” 

Hinawakan niya ang buhok ko at hinila-hinila. Nagpumiglas ako, sinubukan kong agawin ang baril sa kaniya. Sumali naman sa amin ang demonyo, hinatak niya ang braso ko at tinulak sa mga basura. 

“Punyeta!” 

Nagmadali akong bumangon. Ang nahawakan kong balde ay inihagis ko sa kanilang dalawa. Gusto kong matawa nang makitang na-shoot sa ulo ng demonyo ang basurahan. 

“Walang hiya ka talaga!” si Mayen, muli niyang hinila ang buhok ko. “Die, bitch! Die!” 

“Bitawan mo nga ako!” 

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now