44

11 1 0
                                    

“Come in!”

Hinawakan ko nang mahigpit ang dala kong basket na may lamang iba't ibang prutas at mga tinapay. Marahan kong pinihit ang doorknob para buksan iyon.

Napangiti ako nang makitang gising na siya. Sinarado ko ang pinto at saka lumapit sa kaniya.

“Good morning,” pagbati niya, ngumiti siya kaya namang naglabasan ang dimples niya. “Nag-abala ka pang pumunta rito…”

“Ayos lang,” sabi ko sabay baba ng dala kong basket sa side table. “Pasenya na pala kung hindi ako nakadalaw nung weekend.”

“It's okay, Rosane.”

“Kainin mo 'yang mga dala ko, ah! Iyan lang nakayanan ko pero masustansya 'yan.”

“I appreciate it. Thank you so much,” ngumiti siyang muli sa akin. “Papasok ka na rin ba?”

“Oo, dumaan lang ako kasi may itatanong ako.”

Umangat ang kilay niya. “What is it?”

“Sino ang gumawa n'yan sa 'yo?”

“Rosane, do not be involved with this issue.”

I sighed heavily. “Anjoe, I'm just asking. Wala akong gagawing masama. Just tell me kung sino ang gumulo sa 'yo.”

“Rosane…”

“Promise, I will behave,” ngumiti ako ng pilit saka nagtaas ng kanang kamay. “Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari nung Biyernes.”

He breathed heavily. “Promise you will behave and won't create any trouble?”

“Promise, Anjoe!”

“Okay.” He nodded slowly. “Last Friday, I was just reading my book alone on the rooftop. Nagulat na lang ako ng may biglang dumating na lalaki. I didn't know him. So, hindi ko pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa. Nagtaka ako nang lumapit siya sa akin tapos sinikmuraan ako. Hindi ko na nagawang manlaban dahil ang sakit nung ginawa niya. Hindi ako nakakilos.”

“Bakit ka niya sinikmuran? May atraso ka ba sa kaniya?” 

“Wala, hindi ko siya kilala. But, I remembered something…”

“Ano iyon?”

“He said, isa pa raw akong sabagal sa plano niya..”

Nangunot ang noo ko. Tila naging pamilyar sa pandinig ko ang sinabi niya. 

“Anong plano?”

He shrugged. “I don't know.”

“Iyon lang ba ang sinabi niya?” 

“Oo, tapos pinagsusuntok na niya ako. Hindi ko na nagawang lumaban dahil hinang-hina na ako at parang nawalan ako ng lakas. Lalo pa nung may kinuha siyang patalim.”

Nagpatuloy siya sa pagsabi ng iba pang detalye. Ayon sa kaniya, madalas niyang makita ang lalaking sumasaksak sa kaniya sa fourth floor, which is floor namin.

Sino kaya? 

Malakas ang kutob kong isa sa mga kaklase ko. Kung isa man sa kanila, pasensyahan na lang. 

“It's quarter to seven na, Rosane. You must go, baka ma-late ka pa.”

Tumango ako. “Ayos lang bang mag-isa ka rito?” 

“Of course, Rosane. Sabi ni Kuya Aveir babalik siya by nine. Bumili lang ng medicine.”

“Okay, sige. Mauna na ako, Anjoe. Pagaling ka!”

“Don't forget your promise…”

“Don't worry!” ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang umalis. 

Maaga pa naman kaya nilakad ko na lang ang papuntang school. Sana walang mangyaring masama ngayon! Sana walang makipag-away sa akin. Gusto ko, ako lang ang nakikipag-away! 

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now