62

7 2 0
                                    

“I understand, Miss Beindz. But next time, inform me para naman hindi ako mukhang tangang naghihintay sa wala...”

Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko matapos sabihin iyon ni Syrone. Parang dinaganan ng sampung sakong bigas ang dibdib ko sa sobrang bigat nito.

"You don't know how worried I am about you. I've been searching this whole campus just to find you. And the next day, your cousin called me and he said that you were nowhere to be found. What's your problem, Miss Beindz?"

I bit my lower lip. "S-Sorry kung hindi ako..."

When I was about to explain, my voice started to crack and my tears started to run out.

Kaagad kong iniiwas ang paningin ko sa kaniya. Bahagya pa akong yumuko para hindi niya mapansin ang mga luhang naglalandasan sa pisngi ko.

"A-Are you crying?"

"Hindi… S-Sorry kung hindi ako... sumipot nung Biyernes."

"Miss Beindz—"

"Nagkaroon kasi ng problema sa bahay. H-Hindi ko na rin nasabi sa 'yo dahil..."

Napahinto ako. Hindi ko na masabi pa ng buo ang nais kong sabihin. Hindi na malinaw sa pandinig ko ang aking boses dahil naging sunod-sunod ang paghikbi ko.

Napatakip ako ng aking bibig at saka tumakbo papasok ng comfort room. Kinulong ko ang aking sarili sa isang cubicle at tahimik na umiyak.

"All of you, get out of here!" tinig iyon ni Syrone. Nanlaki ang aking mga mata.

Walang hiya!

Sinundan pa ako!

"What?!"

"Seryoso ka ba, Syrone?"

"I'm retouching, don't disturb us!"

"It's female restroom—"

"I said, get the fucking outta here!" dumagundong ang boses ni Syrone na siya pang lalong nagpagulat sa akin.

"Girls, let's go!"

"Oh my gosh!"

"May period yata, 'teh? Ang sungit!"

Nakarinig ako ng mga nagmamadaling yabag na papaalis. Lumipas ang ilang minuto at wala na akong narinig na kung anumang ingay o bulungan. Lalabas na sana ako pero bigla akong nakarinig ng pagkalatok ng sapatos. Batay sa bigat nito, mukhang lalaki ang nasa loob nitong comfort room.

"Miss Beindz…"

Narinig ko pa ang paghinga nito ng malalim kahit pa may nakaharang na pinto sa pagitan naming dalawa.

"I'm not mad at you kung 'yan ang iniisip mo. Gusto ko lang na mag-explain ka para mas maintindihan ko kung bakit ka nawala nung nakaraang linggo."

Why am I suddenly crying? Naghihingi lang naman pala siya ng paliwanag pero bakit umiiyak ako ng ganito?

Putangina.

Bigla akong natauhan at bumalik sa wisyo. Kinuha ko sa bulsa ng blazer ko ang baon kong panyo at pinunas iyon sa mukha ko.

"I'm not a perfect boyfriend, that's why I'm trying to be one. If you feel hurt, sad or whatever, just talk to me. If you have problems, just talk to me. I will listen. I'm just one call away, Miss Beindz," wika niya. Ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang tinig. "Nandito lang ako, ah? Huwag mong kakalimutan iyon."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Unang-una, gulong-gulo na ako, lahat ng panghihinala ko sa kaniya ay para bang biglang nawala dahil sa kaniyang mga sinabi pero nandoon pa rin talaga.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now